"Huwag ganito. Huwag mo akong iwan. Maaayos natin ito. Hindi ko kaya... hindi ko kakayanin na mawala ka. Nagmamaka-awa ako sa iyo." Pagsusumamo ng lalaki habang mahigpit na naka-kapit sa tuhod ng babae.
"Hindi. Kailangan itong mangyari. Para sa atin itong gagawin ko. Huwag mo na akong pahirapan pa. Layuan mo na ako!" Pilit tinatanggal ng babae ang mga kamay ng lalaki na nakayakap dito.
Sunod-sunod na napa-iling ang lalaki. "Hindi! Hindi kita bibitawan kailanman. Hawakan mo ang aking mga kamay. Sumama ka sa akin."
Inilahad ng lalaki ang kamay nito. Mababakas ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae ngunit mas nangingibabaw rito ang kagustuhang makasama ang lalaki. Kusang umangat ang kamay ng babae at humawak sa lalaki. Ngunit bago pa man mahawakan iyon nang mahigpit ay isang malakas at nakayayanig na alingawngaw ng baril ang narinig.
Nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa pulang likidong tumama sa mukha nito. Ang puting damit at sahig ay nababalot din pulang likido. Gulantang na nakatitig lamang ang babae sa umaagos na dugo sa paanan nito.
"Hindi!"
Mabilis na napabalikwas si Cahira mula sa pagkakahiga. Napalinga-linga siya sa paligid. Maluwang siyang nakahinga nang makitang walang dugo sa sahig. Pinunasan niya ang pawisang noo gamit ang kaniyang palad. Marahas siyang napabuga ng hangin bago napahilamos sa kaniyang mukha.
Ganito na siya magmula nang magising dalawang taon na ang nakararaan. She was surprisingly woke up lying in the hospital with the connected tubes of machines all over her body. Nagising siyang parang bagong silang sa mundo. Hindi makapagsalit at makalakad. Walang kaalam-alam dahil ultimo ang pagsulat ng sariling pangalan ay hindi niya magawa. Hindi niya magawa ang gustong gawin. She was a total burden that time.
Cahira doesn't know what really happened, she's so clueless. Everytime she asked, they would give her a one answer all over again. That she was involved to a plane crash while on her way home from London. According to them, she was taking up her masteral degree in Civil Engineering in London that time, sponsored by her father.
Naniwala siya sa mga ito. Pero pagkaraan lamang ng ilang buwan nang magising siya ay nagsimula na ang mga panaginip niya. Mga panaginip na walang mukha. Mga panaginip na hindi niya kayang bigyan ng kahulugan. Kaya naman hindi niya tinigilan ang kaniyang pamilya sa pagtatanong ngunit paulit-ulit lang din ang sagot ng mga ito. Hanggang sa makontento na lang siya roon at masanay sa mga wirdong panaginip niya.
Kahit na gano'n ay hindi pa rin matanggal sa kaniya ang kagustuhang halungkatin kung ano ang dahilan ng mga panaginip niya. She wants to dig deeper but how? Her family doesn't even want to talk about it. Everytime she brings up the topic about her accident. They would just throw at her the burden she have caused to them. Wala rin siyang magawa kundi manahimik na lang.
Napabuntong-hininga na lamang si Cahira at kinusot ang mga mata. Tuwing naaalala ang parteng iyon ng buhay niya ay kusang namamasa ang kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na paano nalagpasan iyon ng siya lang. Kahit naman nandiyan ng pisikal ang kaniyang pamilya ay hindi niya maramdaman ang pag-aalala sa mga ito. Kung susumain ay mag-isa pa rin siya.
Ipinilig niya ang ulo bago tumayo. Tinungo niya ang bintana at hinawi ang kurtina. Bahagya pa siyang napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa mukha niya. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa iyon masakit sa balat.
"Holy carabao!" Binitawan niya ang kurtina at tinakbo ang cellphone na nakapatong sa side bed table.
Muli siyang napamura nang makitang alas-nuebe y kinse na ang oras. May five missed calls at three messages pa siyang natanggap. Mensahe iyon mula kay Max at sinasabi nitong nandoon na raw si Mr. Severdan. Ibinato niya sa kama ang cellphone saka napatampal siya sa noo. Mas mabilis pa sa hangin na tinungo niya ang banyo.
BINABASA MO ANG
HARD FOR ME
General Fiction[R-🔞] Cahira Bermudez is a type of woman who never gives up. She's willing to do anything to gain her family's trust and support as she battles her Civil Engineering career. Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang pagkaka...