Chapter Four

471 14 0
                                    

MATAPOS ma-i-present ni Cahira kay Governor Max ang kanyang proposal ay malawak ang ngiting nakatingin dito habang hinihintay ang sagot nito. Kahit sa katunayan ay ang lakas ng pagtibok ng puso niya. Oo, pinayagan siya nitong i-present ang kaniyang proposal nang matapos nitong tanungin kung ano pa ba ang kaya niyang i-offer.

Kinuha nito ang mouse na naka-konekta sa kanyang laptop at pinindot iyon saka ibinalik sa ginawa niyang blueprint ng tulay na balak ng mga itong ipatayo.

"Ito lang ba? Walang ibang design?" tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa screen ng laptop.

"Mayro'n pang iba, Gov." Hindi niya mahawakan ang mouse dahil hawak nito iyon. Tumikhim siya. "Excuse me, Gov. Pahiram po ng mouse control."

Binitiwan naman nito iyon at iminuwestra sa kanya. Kaagad niyang binuksan ang isa pang file na inihanda at ipinakita rito ang suspension bridge.

"What do you think about this, Governor? This bridge is perfect for the province of Salvacion Norte."

Mariin siyang napakagat sa ibabang labi para kahit kaunti ay mawala ang kabang nararamdaman. Kanina pa kasi seryoso ang mukha nito. Kinuha naman nito ang naka-print na kopya ng bridge blue print. Mataman nito iyong tiningnan.

"Mas maganda ang proposal mo kaysa sa naunang nai-present sa amin pero hindi pa rin ako satisfied. And I'm still thinking, what is the reason why they don't trust you with this project." Gov. Max looked at her intently while tapping his fingers on the table.

She can sense the curiosity in his voice. Cahira swallowed the lump in her throat. Can she tell him? Is she ready to open up her bad issues? Would he still allow her to take the project? No, he will not. She's so sure of that.

"Is it necessary, Governor?" she asked as if it will save her from this interrogation.

He nodded. "Yes, of course. I want to know, whether I can trut you or not."

Bumagsak ang mga balikat niya at nawalan ng pag-asa. Hindi iyon ipinahalata ni Cahira, malawak siyang ngumiti rito. "Oo naman, Gov. You can trust me but I can't answer you about your question."

Napa-ayos ito ng upo at nagsalubong ang mga makakapal na kilay. "Then why is that? Mahirap ba na sagutin ang tanong ko?"

"Yes because it's personal but you can really trust me with this, Governor. Just give me a chance," mahigpit na nakakuyom ang mga kamao habang pilit itong kinukumbinsi.

Governor Max seems doesn't want to give up. Cahira can sense the determination in him to know the reason.

"How personal is it?" He's really persistent.

"Gov. Max, if I tell you the reason, would you still trust me? I doubt it."

Mataman itong tumingin sa kaniya at tumayo. Inisang hakbang lang nito ang pagitan sa kanila saka pumuwesto sa gilid niya. Nakayuko ito sa kaniya, hindi niya magawang itingala ang ulo para salubungin ang mga titig nito. Nanatiling nasa screen ng laptop ang paningin niya.

"Miss Bermudez, pinapangunahan mo naman ang desisiyon ko. I'm not that bad, you know." Itinukod nito ang kamay sa lamesa at sa kinauupuan niya. He leaned towards her. He's now cornering her side. "Now, tell me, Cahira."

She can't find the right words to answer. Cahira can feel the intensity in the governors eyes while staring at her. Ang lapit-lapit nito sa kaniya, tipong pati singaw ng init ng katawan nito ay ramdam niya. Pati na ang marahan nitong paghinga ay naririnig niya. Maging ang pintig ng puso niya ay kasing-lakas ng tunog na nagmumula sa isang malaking speaker.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Marami nang mga kaibigan at katrabahong lalaki ang napalapit ng ganito sa kaniya pero iba ang epekto ni Gov. Max. Hindi niya malaman kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman.

HARD FOR METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon