Chapter Twelve

420 13 1
                                    

"Napaka-suwerte ko dahil nakilala ko ang isang tulad mo. Nagpapasalamat ako dahil minahal mo ako. Ikaw ang lakas ko. Handa akong makasama ka habang-buhay, sa hirap man o ginhawa. Mahal na mahal kita," saad ng babae habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki.

Idinikit ng lalaki ang noo nito sa babae. "Mahal din kita. Gagawin ko ang lahat para iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Ikaw ang kasiyahan ko at tanging babaeng mamahalin ko."

Unti-unting nawawala ang bulto ng lalaki sa kawalan. Parang may isang lubid na humihila sa mga ito para paghiwalayin. Pilit na kumakawag ang babae para makawala sa mahigpit na pagkaka-hawak dito.

"Huwag! Mahal na mahal ko siya! Mahal ko siya!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ng babae sa buong paligid.

"Mahal kita... mahal kita."

"Hey, Cahira. Wake up!"

Naramdaman ni Cahira ang may kalakasang pagyugyog sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Max. Mapungay ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Humaplos ang palad nito sa pinagpa-pawisan niyang noo.

"Max, ang sakit," malat ang boses na anas niya.

"What? Ano ang masakit?" Max confusedly asked.

"Dito." Sabay turo sa kung nasaan ang puso niya. "Iyong panaginip ko, parang totoo. Parang sinasakal ang puso ko."

"It was just a dream, Cahira." Marahan siya nitong hinala para bumangon at mahigpit na niyakap.

"No, it seems so real. Parang nangyari sa akin dahil ramdam ko 'yong sakit."

"What was your dream all about?"

"I can't clearly see their faces. Basta iyong babae at lalaki pinaghihiwalay. Tapos 'yong ibang mga panaginip ko ay iniwan ng babae ang lalaki."

Hindi agad nakapagsalita ang binata. "You're just affected. Don't think about it."

"No!" Humiwalay siya ng yakap kay Max. "You can't just tell me that!" Hindi niya maiwasan ang pagtaas ng boses.

Max blankly at her. "Why? Where is this fvcking coming from?"

Doon naman nahimasmasan si Cahira. "I'm sorry, I didn't mean to raise my voice. I  can't understand what's happening to me."

"Why?"

Iniwas ni Cahira ang mga mata mula sa mapanuring tingin ni Max. "T-Two months after I woke up from an accident, awful nightmares started hunting me. At sa tuwing magigising ako ay naninikip ang dibdib ko."

"Have you consulted a doctor?" She can't see any emotions in Max's face.

"Yeah and she's giving me the same answer. That I have a selected amnesia. Epekto lang daw ng aksidenteng nangyari sa akin." She heaved a sigh. "I believed her at first because why would she lie to me? But I feel like it's more than that and I can't figure out what it is."

"Tinanong mo rin ba ang pamilya mo?"

Tumango siya. "Oo pero katulad lang din sila ng doktor ko. Hindi nila gustong sabihin sa akin ang nakaraan ko. Para bang may itinatago sila sa akin."

"Why did you came here?" Out of nowhere he asked.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong klaseng tanong 'yan? I came here for my work."

Ano naman ang kinalaman ng tanong nito sa pinag-uusapan nila? Isn't it obvious that she begged at him to give her a chance to work? Mas lalong sumasakit ang ulo niya sa lalaking ito.

Hindi si Max sumagot bagkus ay tumayo ito sa kaniyang harapan. Tiningala niyo ito at puno ng pagtatakang tiningnan niya ang binata.

"Say something."

HARD FOR METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon