"Hindi! Imposible!"
"Opo, Lolo Dencio. Alam ko na po na imposibleng hindi namin magustuhan ang mga pagkain dito sa Kusina ni Karing," nakangiting saad ni Cahira nang batiin niya ang matanda.
Ngunit nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa kulubot na mukha nito. Hindi kumukurap na nakatingin lang ito sa kanila ni Governor Max. Ano ba naman itong si Lolo Dencio, napaka-priceless ng reaksiyon. Laging nagugulat, gaya na lamang noong nakaraang araw nang unang beses niyang pumunta rito.
Siguro nga nakakagulat na ang Gobernador ng mga ito ay kasama ang isang tulad niyang dayo. Pati ang mga kumain ay napatingin din sa kanila. Lalo na at may limang lalaki na nakabantay sa pinto at likuran nila.
Lumapit si Governor Max kay Lolo Dencio saka ito inakbayan. "Opo, Tatang."
Tiningala ito ng matanda bago bumaling ulit sa kanya ang tingin. Ibinaling ulit ang tingin kay Gov. Max. Makahulugan naman itong tinanguan ng binata. Parang nag-uusap ng mata sa mata na ang mga ito lang ang nakaka-intindi.
"W-Wen. Umay kayo manganen. Ano'ng gusto niyong kainin?" anang matanda nang makabawi. Oo. Halina kayo para kumain.
"Gusto ko po ng aroz valencia at pansit, Lolo Dencio." Bumaling siya sa kasama. "Ikaw, Gov, ano'ng gusto mong kainin?"
"As usual, Tatang. Minatamis na mais at inihaw na kamote. Iyong masunog-sunog po."
"Aba'y sige. Treasure, samahan mo sila sa may hardin," utos nito sa apo na katatapos lang mag-serve ng order.
Iginiya naman sila nito patungo sa gilid ng restaurant. Si Treasure pala iyong tour guide. Side line ng babae ang pagiging tour guide kapag weekdays at sa weekends naman ay tumutulong sa Lolo nito. Masarap kausap si Treasure pero minsan nawi-wirduhan si Cahira dahil panay ang titig nito sa kanya, eh, pareho naman silang maganda. At saka wala namang kakaiba sa mukha niya.
"Wowoweee! Ang ganda!"
Hindi iyon hardin na may iba't ibang klase ng halaman kundi Orchids Garden! Nilibot niya ang lugar. Lahat na yata ng breed ng orchids ay nakatanim dito. Ang buong lugar ay napalilibutan ng orchids at magaganda pa ang mga bulaklak niyon. Ang ugat naman ay kumapit na sa pader.
Ang tinatapakan nila ay bermuda grass tapos ang kisame ay glass kaya medyo tagos ang sinag ng araw sa loob pero hindi masyadong mainit. May pa-oblong na lamesa sa gitna at limang upuan.
Hinarap niya ang batang Gobernador na nakaupo at naka-dewatro. "Grabe! Ang refreshing sa mata. Paniguradong mas sasarap ang pagkain ko nito kapag ganito ang ambiance ng lugar."
"Of course. Alam mo bang hindi ito basta-basta ipinapagamit ni Tatang. Kahit sa akin."
"Wala kasing espesyal sa 'yo, Gov. Kaya huwag ka nang magtaka. And I feel so special kasi dahil sa akin ay ipinagamit ito ni Lolo Dencio sa atin."
"Lifting yourself, eh? The whole dining area is already full that's why he let us use this spot."
"Whatever, Gov. Basta! Panira ka naman, eh!" Hindi siya nag-aatubiling sagot-sagutin ang binata kahit ito pa ang Gobernador. Komportable siya kapag ito ang kaharap. Parang balewala lang din naman iyon sa binata.
Itinaas nito ang dalawang kamay. "Okay, hands up. Maupo ka na lang."
Saktong nandiyan na rin ang order nila. Nagtubig ang bagang niya nang maamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Kaagad ding umalis si Treasure pagkalapag nito ng mga pagkain.
Naupo siya sa kaharap nitong silya at nagsimula silang kumain. "Sabado na ngayon, Gov. Ano na? Paano na iyong trabaho ko? Okay na ba?"
"Straight to the point, Miss Bermudez. Why don't we talk other stuff?" Nakahalukipkip na saad ni Gov. Max.
BINABASA MO ANG
HARD FOR ME
General Fiction[R-🔞] Cahira Bermudez is a type of woman who never gives up. She's willing to do anything to gain her family's trust and support as she battles her Civil Engineering career. Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang pagkaka...