Kabanata 11

3.8K 118 9
                                    

Kabanata 11

Gatas

Nagising ako sa mararahan at mainit na labing humahalik sa pisnge ko. Sa pagmulat ng mata, ang magandang mukha ni Gavino ang bumungad sa akin. Napangiti ako ng makita ang mata niyang mapupungay. He continue planted a kiss in my cheeks.

Napangiti lang ako sa ginagawa niya. Pagkatapos niyang halik-halikan ang pisnge ko, isang malalim na halik ang ginawad niya sa labi ko at ngumiti sa akin.

"Let's wake up. May pasok pa tayo, but of course we have to take our breakfast." He said gently.

Tumango ako at ngumiti. Nauna siyang tumayo at pumasok sa banyo kaya umupo nalang muna ako at hinintay ang paggamit niya sa banyo. Habang naghihintay sa paglabas niya, nakuha ang atensyon ko ng cabinet. Napatayo ako at tinignan ito ng malapitan. Namamangha ako sa laki niyon. Kasya talaga buong damit namin. Kaya naisipan kong habang naghihintay sa kanya, aayusin ko nalang muna ang mga damit namin.

Nagsimula ako sa damit niya at nilipat lahat ng iyon sa bagong cabinet. Nararamdaman ko na ang pawis habang ginagawa ang paglilipat. Pagkatapos ng ilang oras sa damit niya, ang mga damit ko naman ang sinunod ko. Tumulo na ang pawis sa noo ko ng matapos ang paglilipat ko sa mga damit namin. Sabay sa pagtayo ko ang paglabas ni Gavino sa banyo. Nagkatitigan kami kaya tinuro ko nalang ang cabinet.

"Inayos ko na." Maikli kong sabi.

He smiled. Napatingin ako sa kanya, nakasuot na siya ng uniform nila at sobrang hot. Smoking hot lalo na habang pumapatak ang butil ng tubig mula sa buhok niya. Umiwas nalang ako ng tingin. Hindi talaga ako magsasawang mamangha sa mukha niya. Habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang mas lalong maganda sa mukha niya.

"That's good. Ikaw na sunod, magluluto na muna ako ng breakfast namin." Namamalat niyang sabi.

Nag-aalinlangan pa akong tumango lalo pat hindi pa ako sanay sa presensya niya sa iisang bahay. I'm still on the process of everything. Kaya dadahan-dahanin ko ang lahat.

"Sige." I said shortly.

He sighed and went out. Inatupag ko na din ang sarili ko, kinuha ko ang uniform namin at pumasok na sa loob. Iisang body towel lang ang gamit namin kaya nasa loob na iyon ng banyo. Napatingin ako sa salamin habang tinatanggal ang damit ko. Pagkatapos nilagay ko iyon sa basket kung saan ang lalagyan namin ng labahan. Nagsimula na akong maligo at mag toothbrush. After minutes, lumabas ako ng nakasuot ng uniform namin.

Actually, ready to go na ako dahil nakaayos na ang lahat sa akin. I'm not really fond of using make-ups so my face is naturally and effortlessly beautiful. Kahit lipstick kaya nang mabuhay ang mukha ko. Lumabas na ako at hinarap si Gavino na ngayon ay nagsi-serve na ng pagkain namin. Ang nasa hapag-kainan ay puro pang breakfast na pagkain.

"Let's eat. Malapit lang naman ang university at kaunting lakad lang." Sabi niya.

Ngumiti at tumango ako. Umupo na ako at kumuha ng pinggan ko. Siya na mismo naglagay ng pagkain sa pinggan ko kaya humigop nalang ako ng gatas. Napatingin ako sa tasa niya, kulay brown ang nandoon ibig sabihin magkaiba ang kape namin. Gatas ako at kape siya. Huminga nalang ako ng malalim, ganyang lang siguro kapag matalino. We start eating.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita siya.

"Wala ka bang assignment?" Tanong niya.

Napaisip ako. Shit sa tingin ko ay meron. At ngayong araw iyon ipapasa, bakit ko nakalimutan?

"M-meron." Nautal kong sagot.

Tumango siya.

"Ako na gagawa." He said easily.

Costiño Series 4: Huling Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon