Kabanata 17

5.9K 163 40
                                    

Kabanata 17

Needs

Sa mundo, masarap ang magmahal. Masarap makahanap ng taong mamahalin mo. Masarap makapiling at masarap sa damdamin. Sa mundo din, kapag mahina ka…talo ka. Kapag napag-iwanan ka…lugi ka. At kapag niloko ka, wasak ka. Kaya sa mundo, hindi mo kontrolado ang galaw nito. Minsang masaya, minsang malungkot, minsang ngingiti, at minsang luluha. Kaya mahirap hulaan kung ano ang dadating sayo.

Sa paglipas ng panahon, marami akong natutunan. Marami akong na-developed at sobra akong nasisiyahan dahil nalaman ko pa ang mga hindi ko pa nalalaman sa mundo. Things change. Life change. Attitude change and capability change. Lahat nang yan nagbago sa loob ng limang taon. Lahat ng yan nabihasa ko sa loob ng limang taon. Pero ang puso ko…patuloy paring wasak. Patuloy paring nangungulila sa nangyari sa amin. At mahirap maitanggi ang katotohanang hindi ko pa siya makalimutan.

Fuck this life. It has been five years since he cheat on me. It has been five years since he become treacherous. And damn it, it has been five years but his still running through my mind and heart. Mahirap talaga makalimutan yung rasong hindi mo matanggap. Siguro ganito talaga kami ni daddy, nagmamahal kahit nasasaktan.

My mom was his first love. He met her and he fall in love, deep-rooted. At kahit pa nagtaksil si mommy noon, tinanggap niya ng buong puso ito kasi mahal niya at hindi niya kayang itanggi na tinitibok pa ito ng kanyang puso. But in my cases, I may not say straightly but I unloved him. Hindi na katulad nung dati na kapag naririnig ko ang pangalan niya, sumasaya na agad ang puso ko. Today, I feel like his not important anymore. Pero yung ginawa niya, hindi ko parin talaga matanggap. Sabihin nang over reacted ako pero iyon talaga ang nararamdaman ko.

In the long five years, I'm done studying. Naghirap kami ni Estrecia sa ibang bansa. Yung tipong halos hindi na kami kumakain para may pera sa susunod na araw. Nagtrabaho kung saan-saan at hindi na kailanman humingi ng tulong sa pamilya namin. We strive hard, we lift up ourself from the mud. Nagtrabaho ako sa isang bangko, kaunti lang ang sweldo pero kaya na para sa aming dalawa. Sa araw-araw na lumipas, napapanood ko sa telebisyon maging sa radyo ang pagiging successful niya.

Yes, Gavino Archimedes is a filthy rich now. He is the owner of Archimedean Company. He look so ruthless everytime I see his picture in the newspaper and television. But I ignore it and continue my living with my best friend. Hindi na ako masyadong nakialam sa buhay niya basta ang huling balita ko, he is now living with his current girlfriend. At hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng dyaryo at telebisyon.

I ignore him and and try to sealed my heart again. Ayokong bumalik na naman ako sa dati. Tama na yung limang taong lumipas para kalimutan siya. After my work as a bank teller, umuwi ako sa bahay at nagpahinga. Estrecia didn't live here anymore, she find her own home. Kaya ako nalang mag-isa dito sa maliit na condo. Pagkatapos kong makaramdam ng kaginhawaan mula sa napakahabang araw na trabaho, pumasok ako sa kwarto ko at naligo. Inayos ko ang sarili at umalis ulit sa bahay.

Nakatingala ako sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituing kumikislap. Ang buwan ay maliwanang at nagsisilbing liwanag sa kadiliman. Napahinga ako ng malalim habang hindi inaalis ang paningin sa pinaka paborito kong star. Cassiopeia.

Nasa madilim na parte ako ng Redfoll Hills, isang magandang tagpuan para sa mga magkasintahan. Ngumiti ako ng malungkot habang pilit inaalis sa alaala sa akin. It was five years ago, limang taon na ang lumipas pero parang bago lang sa akin ang lahat.

I still remember how we love each other, how I fall hard and shattered. I still remember how I become miserable because of him. Hindi ako yung nang iwan diba? Hindi ako yung nanloko sa amin pero bakit ang sakit sakit parin sa akin? Bakit hindi mawala sa isipan ko ang lahat sa amin.

Costiño Series 4: Huling Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon