Kabanata 18

6.6K 142 34
                                    

Kabanata 18

Humanda

Nagising lang ako sa mumunting labi na dumadampi sa pisnge ko. Minulat ko agad ang mata at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Gavino. He smiled but I remain silent and cold. Umupo ako ng maayos at umatras palayo sa kanya. Nasa sofa kami. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero naaalala kong may naamoy akong pang patulog. Umusog siya palapit sa akin kaya umatras ulit ako hanggang sa mawalan na ng space.

"Ano ba ah? Wag ka ngang usog ng usog. Ayokong mahawaan ng pagiging malibog mo." Galit kong sabi.

Narinig ko ang mabigat niyang tikhim. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Pinataray ko ang mukha at tumayo. Tumalikod ako sa kanya at hinarap ang wall glass. Kitang-kita ko ang mga magagandang tanawin. Maya-maya pa, naramdaman ko ang braso niya sa baywang ko. He is jailing me using his rigorous arms and the wall. Nagpumiglas ako pero sadyang hindi siya natitinag.

"You cannot escape me baby. Try harder…but you will always surrender in me." He whispered.

My body arched when I felt his warm voice in my ears. Umusog ako para magkaroon ng kaunting gap ang katawan namin. He chuckled.

Nang hindi ko na nakayanan pa kaya humarap ako sa kanya at tumama ang ilong niya sa labi ko. Namumungay ang mata niya at sobrang nakakapanghina ng katawan iyon. This is why I hate about him. May kakayahan siyang magpahina sa akin. May kakayahan siyang parupukin ako. And I hate it. I fucking hate it!

"Anong bang problema mo ah? Diba nagkaroon na tayo ng closure noon. Ano pa bang hinahabol-habol mo sa akin ah? Jusko naman Gavino Archimedes hindi ka pa ba nagsawa sa mga babae mo? At pati ako gusto mong guluhin ulit ah!" Bulyaw ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at namutawi ang mapaglarong ngiti sa labi. Mas lalo akong nanggigigil sa kanya at gusto ko siyang pisain ng pinong pino. Bwesit! Pagkatapos ng lahat babalik para manggulo! Pagkatapos pumatol sa ibang babae babalik para manggulo! Ano ito lokohan?

"Grabe yung mga babae ko ah! Sa pagkakaalam ko naging isa lang yung kabit ko pero natigil ng halos mapatay kami ng kasintahan ko noon. Pero ngayon, nakapagtataka namang ang dami kong babae." He said easily.

Mas lalo akong nagngingitngit sa galit. Bwesit! Shit! Ipapa-alala niya pa talaga sa akin ah! Grabe ang lakas ng loob ng lalaking ito! Hindi ko akalaing may kapal ng mukha. Shit!

"Umalis ka nga kasi, may pa yakap-yakap ka pang nalalaman pero noong ako yung yumayakap sayo grabe kung umayaw ka. Ano? Nagsawa na sa pangangailangan mo? Kaya ako naman yung guguluhin mo? Piste talaga uyy!" Gigil kong sabi.

He chuckled. Mas lalo tuloy akong nanginginig sa panggigigil dahil nagagawa niya pang tumawa sa kabila ng galit ko.

"Matagal naman na akong nagsawa sa pangangailangan ko kaya ikaw naman ngayon yung guguluhin ko. Paano ba yan, gusto na naman kitang pagtripan." Cool niyang sabi.

Hindi ko na napigilan at pinaghahampas ko na ang balikat at dibdib niya. Pinagbabayo ko ang dibdib niya at sa mismong tapat ng puso niya ang pinupuntirya ng bawat hampas ko. He accept every punch I did. Hindi ako nakaramdam ng awa pero unti-unti kong nararamdaman ang pagyakap niya sa akin.

"Walang hiya ka! Shit ka talaga! Tang ina lang! Doon ka sa kabit mo hinayupak ka! Ano hindi pa ba sapat yung butas ng babae mo kaya nakukulangan ka? Ayoko na sayo. Shit ka!" Gigil na gigil kong sabi.

Yinakap niya lang ako ng mahigpit kaya hindi na ako nakahampas pa sa dibdib niya. Nakasubsob na ang mukha ko sa dibdib niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Nakahanap ako ng paraan para mapalo siya at sa balikat niya iyon. He chuckled.

"Nakahanap parin talaga ng paraan para mapalo ako e." Bulong niya.

Hindi ako tumigil. Ayokong niyayakap niya ako, nanghihina ang katawan ko kapag nararamdaman ko ang mainit niyang katawan. At ngayon bumalik sa alaala ko ang nakita limang taon na ang nakalipas.

Costiño Series 4: Huling Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon