📖 [1]

117 9 6
                                    

This is a work of fiction.

Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME ⚠︎

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕
written by: 𝒎𝒂𝒕𝒉𝒆𝒇𝒆𝒍

ALL RIGHTS RESERVED 2020

𝑵𝒐𝒕𝒆:

Maraming salamat dahil napadpad ka sa unang pahina ng 'If You Exist'. Sana ay ipagpatuloy mo basahin ang storyang ito hanggang wakas.

This is my first official story in Wattpad  because last 2016 I already wrote a fanfiction story for my own satisfaction as a fangirl, but it's already unpublished coz it's 'jeje' hehez.

Sorry for the grammatical errors and typos.

I'm open for criticisms. Also, give me some feedback about this story. Thank you!  ฅ^•ﻌ•^ฅ

~《☆》~

Chapter 1

NAKAKASILAW na sikat ng araw ang unang bumungad sa pagdilat ng aking mga mata. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa gilid ng kalsada kaya bumangon na ako.

Ano ang ginagawa ko sa lugar na ito? Bakit naman ako nakahiga sa gilid ng kalsada na parang pulubi? buti na lang talaga at hindi matao sa lugar na ito.

Tiningnan ko ang aking sarili, mukha naman akong matino dahil maayos naman ang aking pananamit, nakasuot ako ng malinis na puting polo at itim na pantalon. Masyadong pormal pero hindi ko alam kung bakit ganito ang aking suot na damit.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngunit bakit pakiramdam ko na parang may kulang sa pagkatao ko? Na parang hindi ko kilala ang aking sarili.

Naglalakad lang ako habang malalim ang aking iniisip nang may nakabangga ako.

"Sorry po ate," paumanhin ko sa babaeng nakabangga ko.

Nang magtama ang aming mata ay bumilis na lamang ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Si ate naman, titig na titig sa akin habang nakabuka pa ang kanyang bibig.

"Ay ate, sorry po ulit ah," saad ko ulit at natauhan naman siya.

" Okay lang kuya noh" nakangiting saad niya.

"Teka, parang kahawig mo si Park Jinyoung ah! Shetee" nananabik niyang saad habang nanlalakihan ang kanyang mga mata.

"Huh?! Park Jinyoung? Sino yun?" Kuryos na tanong ko sakanya.

"Bias ko sa GOT7, pero seryoso di mo siya kilala? Kahawig mo pa naman! Owemji! I can't believe this!" natutuwang saad niya sa'kin habang titig na titig sa mukha ko.Nakakailang naman siya.

"Hindi ko siya kilala eh pero talaga bang kamukha ko siya?"

"Oo kuya! As in ! Ito siya oh!" matapos niya sabihin yun ay ipinakita niya ang litrato ng isang poging chinito mula sa sakanyang cellphone.

"Pero ate sa totoo lang, hind ko pa kasi nakikita yung itsura ko eh hehe" nahihiya kong tugon habang nakahawak sa aking batok.

"Seryoso ka ba kuya o nagpapatawa ka lang?" natatawang saad niya na tila isang biro lang ang aking sinabi.

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon