📖 [10]

12 5 2
                                    

NOVELYN

MAALIWALAS ang panahon kaya napagpasyahan ko na sulitin ang araw na ito kasama ang lalaking nagpakomplikado ng  buhay ko, at ang unang lalaking nagpatibok sa puso ko, si Shin Hyo Moon.

Wala kasing kasiguraduhan kung ano ang maaaring mangyari kaya kahit ngayong araw lang, tanging siya at ako lang ang aking iisipin.

Tiningnan ko siya ng masinsinan na parang ito na ang huli naming pagkikita. Hindi ko akalain na ang isang tulad niya na ka-look alike ni Jinyoung ay magkakagusto sa'kin, ang manunulat na lumikha lamang sakanya.

Nakakabaliw isipin.

Binuksan ko ang aking sling bag at kinuha ang ang isang maliit na note pad kung saan isinulat ko ang aking nararamdaman at ang mga bagay na gumugulo sa'kin tungkol sakanya, ginawan ko rin siya ng tula na magpapa-antig sakanyang puso.

"Shin Hyo, para sa'yo. Huwag mo munang babasahin ah." abot ko sakanya habang nahihiya. Tinitigan niya ako ng ilang segundo atsaka niya ako sinagot.

"Ah, salamat Nove! Bakit hindi pwede ngayon?" tila nang-aasar niyang tanong.

"B-basta! Itago mo na nga iyan!" saad ko at mabilis na naglakad para unahan siya. Kaagad niya naman akong nahabol at hinawakan ang aking kaliwang kamay ng mahigpit, na parang ayaw niya ng bitawan pa.

Sandali kaming nagkatinginan at tila naiintindihan na namin ang isa't-isa.

Tuluyan na kaming naglakad papunta sa park.

"Tara, mag-bike tayo! " masiglang aya ko sakanya, tumango naman siya bilang tugon. May  bike for rent kasi dito at dahil maganda rin ang panahon.

"Woooh! Ang sayaaa!" sigaw ko dahil ngayon na lang ako muling nakasakay ng bisikleta, madalas kasi ako nasa bahay o bookstore lang pumupunta. Nginitian niya ako pabalik at pinagpatuloy ang pagbibiseklata.

Nang mapagod na kami ay sandali kaming nagpahinga.

"Karerahan tayo, Nove! Kung sino ang manalo, siya ang magde- dare sa natalo. Game ba? walang pikunan ah. " tumango ako sabay ngumiti ng matamis. Tiningnan niya ako sandali at kaagad na sumakay ng bisikleta para unahan ako.

"Madaya kaaa!" asar na sigaw ko sakanya at kaagad na ako sumakay ng bisikleta para abutan siya.

Tumagal ng 20 minutes ang karerahan namin at binalik na namin ang mga nirentang bisikleta.

"Ano ka ngayon, Shin Hyo! Ako ang nanalo! HAHAHA" pang-aasar ko sakanya habang dumidila pa na parang bata.

" Oo na, ikaw na nanalo! Anong dare mo sa'kin?" kalmadong tanong niya sa'kin pero bigla akong natigilan at tinitigan siya dahil biglang nagfe-fade ang kanyang braso pati na rin ang kanyang katawan. Nakakabahala..

Hinila ko siya papunta sa lugar na malilim at hindi matao.

Nagtaka naman siya sa naging reaksyon ko kaya napatingin siya sa kanyang sarili at nagulat sa nasaksihan. Tiningnan naman niya naman ako kaagad at tipid na ngumiti.

"Wag mo ng isipin ito, Novelyn! Ano palang dare mo sa'kin?" pag-iiba niya ng topic. Hindi ko siya sinagot at wala ko siyang pag-aalinlangan na niyakap ng mahigpit habang nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Shin Hyo, ang tanging dare ko lang sa'yo...magtagal ka sa mundong ito at mamuhay ka ng masaya." saad ko habang pilit na ngumingiti at si Shin Hyo na ang unang kumalas sa aming yakapan.

"Bakit mo ba sinasabi 'yan? syempre magtatagal ako sa mundong ito...kasama ka, Novelyn." sagot niya habang matagal namin tinititigan ang mata ng isa't-isa. Pakonti-konti niyang nilapit ang kanyang mukha sa'kin para lumiit ang distansiya naming dalawa. Tuluyan na akong natulala at hinayaan siya sa nais niyang gawin. Nararamdaman ko na ang paghinga niya kaya ipinikit ko na ang aking mga mata at hinihintay magdampi ang aming labi.

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon