SHIN HYO
SA ilang linggo kong pamamalagi dito sa mundo ng realidad ay pakonti-konti kong natatanggap na isa lamang akong fictional character at hindi totoong tao.
Pero hindi ko lubos maisip kung papaanong nangyari na nabuhay ako sa mundong ito? May misyon ba ako na kailangan kong gawin at nandito ako? Ewan ko ba!
Nananatili parin ako dito sa apartment ni Kyle dahil wala naman akong ibang matutuluyan. Kasalukuyan siyang may kausap sa telepono habang seryoso ang kanyang mukha.
"Bukas agad? Okay, see yah" aniya ni Kyle sa kausap niya at binaba na ang tawag.
Sandali niya muna akong tinitigan, maya-maya ay nilapitan niya ako.
"Kuya Shin Hyo, sabi ng parents ko na kailangan kong umuwi sa Nueva Ecija for family reunion. Eh, bukas na ako bibiyahe so maiiwan kita dito for few weeks." seryosong saad niya. " Sa ilang linggo na magkasama tayo dito, mapagkakatiwalaan naman kita kaya ipapaubaya ko muna sayo ang apartment ko, Okay?" dugtong niya.
" Bukas kaagad-agad? Okay, sige. Salamat sa tiwala mo ah!" saad ko habang tipid na ngumiti. "Salamat din Kyle dahil nakilala kita at may matutuluyan ako habang nandito ako sa mundo niyo." masayang saad ko.
"Wala 'yon noh! Nakakatandang kapatid at kaibigan na ang turing ko sayo kahit na alam kong di magtatagal ang lahat ng ito"
"Ano ang iyong huling sinabi?"
"Wala 'yon, Pasok na ako sa kwarto ko ah! Aayusin ko pa mga gamit ko para bukas. Goodnight, kuya Shin Hyo!" saad niya at kaagad pumasok sa kanyang kwarto.
KINABUKASAN, pagkagising ko ay umalis na pala si Kyle ng di man lang nagpapaalam sa'kin. Kung sabagay, ilang linggo ko lang naman siya di makakasama, nasanay na kasi ako sa presensya niya eh kaya naninibago ako.
Napagpasyahan ko na pumunta sa malapit na bakery para mamili ng tinapay para sa almusal ko, hindi kasi ako mahilig kumain ng kanin kapag umaga.
" limang pirasong pandesal po at isang ensaymada" saad ko sa tindero ng bakery.
"Ito Kuya oh, salamat!" aniya at inabot ko naman ang mga tinapay na ibinili ko at nagbayad.
Binigyan ako ni Kyle ng budget ko, nakakahiya kasi wala man lang akong ambag sa pananatili ko sa apartment niya. Pakiramdam ko nga magulang ko siya dahil siya ang nagbibigay ng pangangailangan ko, nakakatawang isipin. Anong magagawa ko, wala naman akong pera dahil di ko naman alam na mabubuhay ako sa mundo ng realidad.
Naglalakad na ako pabalik sa apartment nang makasalubong ko si Novelyn. Bigla akong nahiya dahil ngayon na lang kami muling nagkita simula ng malaman ko na isa lang pala akong fictional character at nang magyakapan kami sa ilalim ng ulan. Kaagad din siyang natigilan dahil magkatapat na kami at diretsong nakatingin sa mata ng isa't-isa. Bigla ko naman iniwas ang tingin ko at kunwaring tumitingin-tingin sa paligid.
"Oh,Shi-shin Hyo! Ikaw pala 'yan!" saad ni Novelyn na may pagka-awkward. Kaagad ko naman siya tiningnan muli at pilit na ngumiti.
"Ah, Kumusta na Novelyn?" nahihiyang tanong ko.
"Mabuti naman ako. Matanong ko lang, natutulog parin ba si Kyle? gusto ko lang kasi siyang makausap."
"Ay, wala siya sa apartment. Umuwi siya ngayon sa Nueva Ecija dahil may family reunion daw sila."
"Ganoon ba? hmm.. pati si Meli, uuwi siya sa Zambales. Mamayang hapon ang alis niya."
"Pareho pala tayong mag-isa lang sa apartment noh?" tanong ko, nakatulala lang siya sa'kin at walang sinasabi.
BINABASA MO ANG
𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕
Fantasy[COMPLETED] Novelyn Guevarra is a writer, she wish that her ideal man do exist in this world. Because of that, she write a story entitled 'Neverending' were the main character was her ideal man, Shin Hyo Moon. What if her wish do come true were Shin...