📖 [7]

14 6 2
                                    

SHIN HYO

SA UNA, hinayaan ko ang aking sarili na sumama kay Beatrice Gamboa dahil kami naman sa... kwentong 'Neverending'.

Sa kwentong iyon na nilikha lamang ng isang manunulat na may malawak na imahinasyon at hindi sa mundong ito kung saan may sarili na akong pag-iisip at damdamin.

Kaya hindi ko na hahayaan na iwan si Novelyn ng nag-iisa dahil sa mundong ito, siya ang tinitibok ng puso ko.

Mali nga ba ang nadarama ko para sakanya? Dahil isa lamang akong fictional character at siya ay totoong tao?

Pero masasabi ko naman na totoong tao na ako dahil namumuhay na ako sa mundong ito, diba?

Kahit  alam kong hindi ako nagmula sa mundong ito..

Ngayon, naglalakad na kami pagkababa namin ng jeep.

"Nove, hmmm...bakit kanina ka pa ngumingiti diyan?"

"A-ano? ngumingiti ba ako? hindi noh.." saad niya habang hindi makatingin sa'kin ng maayos at kaagad na lumakad ng mabilis.

"Huwag mo ng i-deny pa, Nove." asar ko sabay akbay sakanya na ikinagulat niya kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Wag ka ngang ganyan! Ang lapit mo..at kinikilig ako, " inalis ko na ang pagkakaakbay ko sakanya dahil baka mailang lang siya.

Sinimulan ko ng maglakad muli pero nagtakaka ako dahil nananatiling nakatayo parin si Novelyn  at nakatingin sa kawalan. Binalikan ko siya at dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kamay ng hindi niya namamalayan.

Kaagad siyang napatingin sa'kin at sa kamay namin na magkahawak. " Tara na nga!" aya niya habang malawak na nakangiti. Gusto lang pala niyang magholding hands kami.

NANDITO na kami sa tapat ng apartment nila Nove at hinihintay ko na lang siyang makapasok sa loob.

"Salamat Shin Hyo ah!" aniya habang matamis niya akong nginitian na nginitian ko rin pabalik. Maya-maya, hindi ko namalayan na hinalikan niya na pala ako sa aking kaliwang pisngi at kaagad siyang tumakbo papasok.

Nananatili akong nakatulala habang hawak ang ang aking kaliwang pisngi. Hindi ko inasahan na gagawin niya sa'kin 'yun. Kinikilig tuloy ako.

Sheez

MAKALIPAS ang dalawang linggo, nakabalik na si Kyle mula sa Nueva Ecija. Nanggaling ako sa bakery at pagkapasok ko sa apartment ay nagulat na lang ako ng komportableng nakaupo na si Kyle sa sofa.

"Kuya Shin Hyo, namiss kita! Napangalagaan mo ba ang apartment huh?"

"Oo naman, Kyle noh! Kumusta naman bakasyon mo?"

" Mabuti naman kung ganun. Syempre, masaya dahil kapiling ko yung mga kamag-anak ko. Oh, ito pala mga pasalubong ko sa'yo" aniya habang inaabot sa'kin ang mga pasalubong niya na siguradong masarap.

"Sus, nag-abala ka pa Kyle pero salamat!" masaya kong tugon.

"Kumusta pala kayo ni ate Nove?" saad niya na may halong pangaasar.

"Kami? Ayos naman. Bakit mo natanong?"

"Bakit hindi ka makatingin ng maayos? may nangyari sa inyong dalawa noh?" asar niya at bigla akong napatigil dahil kaagad pumasok sa isip ko ang gabing hinalikan ako ni Nove sa aking kaliwang pisngi.

"Uy, Bakit ka namumula, kuya Shin Hyo? hmmm..kayo ah!" natutuwa niyang saad.Hinayaan ko na lang siyang asarin ako dahil diyan siya masaya. Pagbigyan na ang lil bro ko.

Mga bandang alas kwatro ng hapon, may kumatok sa main door. Si Kyle na ang nagbukas.

"Kuya Shin Hyo, ikaw daw ang hinahanap ng babaeng ito. Girlfriend mo raw?" nagtatakang saad niya kaya nilapitan ko na sila.

Bumungad sa'kin si Beatrice Gamboa na todo ang ngiti na nakapangilabot sa'kin.

"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?!" sigaw ko sakanya para magising na siya sa kahibangan niya.

"My dear, Shin Hyo..I have ways, you know."

"Umalis ka na nga at wag na wag mong sasabihin na girlfriend kita dahil hindi 'yun totoo!" sigaw ko muli sakanya at kaagad na isinara ang pinto at nilock.

"Hey Shin Hyo! Open this door!"

"Ah kuya, sino 'yun? bakit niya sinasabi na girlfriend mo raw siya?" kuryos na tanong ni Kyle.

" Baliw na babae, si Beatrice Gamboa."

"Be-beatrice Gamboa?! Woah! Kapangalan niya rin yung main character sa Neverending? or siya talaga 'yun na nabuhay din sa mundong ito? I can't believe this!" gulat niyang tanong habang naglalakihan ang kanyang mga mata.

" Mukhang imposible pero oo, nabuhay din siya sa mundong ito katulad ko."

"Grabe! pero teka-- alam na ba ni ate Nove ito?"

"Oo, alam niya na at hindi ko na alam ang gagawin ko kung patuloy siyang aaligid sa'kin."
May narinig kaming nagsisigawan sa labas ng apartment kaya walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto kahit alam kong nandiyan pa rin si Beatrice.

"Wala kang karapatan pumunta dito, malandi ka!"  sigaw ni Beatrice kay Nove habang nagsasabunutan.

"Tumigil na kayo! Please!" malakas na sigaw ko na nagpatigil sakanila.

Pareho nila akong tiningnan at itong si Beatrice ay biglang inayos ang kanyang buhok na di naman masyadong magulo dahil hindi naman masyadong gumanti si Novelyn.

Samantala si Novelyn, sobrang gulo ng maikli niyang buhok dahil sa pagsasabunot ni Beatrice sakanya. Gumagawa lang siya ng dahilan para mas lalo ko siyang ayawan eh.

Hinila ko si Nove papasok ng apartment at iniwan si Beatrice sa labas.

"Ate Nove! Namiss kita! Hala! bakit ganyan kagulo buhok mo? Yung baliw ba na babae ba yung gumawa sayo niyan?"

"Nakabalik ka na pala Kyle! Namiss din kita! Oo, yung baliw na babae nga, si Beatrice Gamboa.Tsk."  naiinis na sagot ni Nove kay Kyle.

"Ako na bahala doon, dito lang kayo ah!" matapang na saad ni Kyle at dire-diretsong lumabas at hinarap si Beatrice na nagwawala sa labas.

Hindi ko na mapigilan pang manatili lang dito sa loob ng apartment dahil sa bangayan nila Kyle at Beatrice sa labas.

Pinanood ko silang dalawa at nakakatuwa silang panoorin dahil para silang mga aso't pusa kung mag-away.

Maya-maya hindi ko inasahan na sa gitna ng pag-aaway nila ay bigla na lamang hinalikan ni Kyle si Beatrice sa labi. Sheez. Iba ang galawan mo lil bro.

Napatakip na lang ako ng bibig ko dahil sa gulat, hindi ko rin namalayan na nasa tabi ko na pala si Novelyn at tulad ko ay nagulat din sa nasaksihan.

"Owemji, Kyle!" napasigaw sa gulat si Nove kaya napalayo na sila isa't-isa.

"So kadiri!" maarteng reklamo ni Beatrice kay Kyle at kaagad na umalis. Effective pala 'yun?

~《☆》~

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon