"THANKS GOD! Finally! Nagising ka na, anak ko. " natutuwang saad ng ina ni Novelyn nang imulat niya na ang kanyang mga mata mula sa mahabang tulog.
Nagtaka ang ina ni Novelyn dahil umaagos ang luha niya mula sa kanyang mga mata na para bang may malungkot siyang napanaginipan.
Hinawakan ni Novelyn ang kanyang mga mata na napupuno ng kanyang luha, hindi niya maintindihan ang kanyang damdamin kung bakit parang dinudurong ang kanyang puso sa labis na kalungkutan na nadarama.
"Ma? Ano pong nangyari?" tila nawawala sa sariling tanong ni Novelyn.
"Novelyn anak, na-coma ka ng dalawang buwan." malungkot na sagot ng ina ni Novelyn.
"B-bakit po ako na-coma? A-anong dahilan?" hindi mapakaling tanong niya habang hinawakan niya ang kanyang ina sa magkabilang balikat habang nakatingin ng diretso sa mata ng isa't-isa.
"Naalala mo ba na pumunta ka sa booksigning ng paborito mong manunulat at pinayagan kita na pumunta roon mag-isa kasi may tiwala ako sa'yo."
"Booksigning? Wala po akong maalala.." pilit niyang inaalala pero wala talaga siyang maalala.
"Pauwi ka na dapat nung gabing 'yun pero hindi mo napansin na may sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo patungo sa direksyon mo kaya...nasagasaan ka at nauna ang ulo mo. Isang himala na nabuhay ka pa at nagising ka na ngayon, anak. " may bahid ng luha niyang saad.
Biglang napatulala sa kawalan si Novelyn dahil sa kanyang nalalaman mula sa kanyang ina.
"Sino ang paborito kong writer, Ma? Hindi ko na kasi siya maalala. Ikaw at si papa lang ang tanging naalala ko eh." saad ni Novelyn. May kinuhang cellphone ang kanyang ina mula sa ibabaw ng maliit na lamesa, inabot niya ito kay Novelyn at ipinakita ang litrato kasama ang paborito niyang manunulat.
Nang makita ni Novelyn ang litrato ay bigla siyang nakaramdam ng labis na kalungkutan habang tinitingnan ang litrato na 'yun. May kinuha muli ang kanyang ina mula sa loob ng cabinet at inabot ang isang libro kay Novelyn at iniwan na siya nito sa kanyang kwarto.
Nang mahawakan ni Novelyn ang librong 'yun ay may kakaiba siyang naramdaman, parang dinudurog ang kanyang puso. Binasa niya ang title at author nito.
"N-neverending by B-beatrice Gam-boa" basa niya habang nauutal. Hindi niya lubos maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nauutal siya at kung bakit may tumutulong luha mula sa kanyang mga mata.
Bakit labis akong nalulungkot? saad niya sakanyang sarili.
Binuksan niya ang librong 'yun at nakasulat sa unang pahina ang pirma at ang mensahe nito para sakanya.
𝑫𝒆𝒂𝒓 𝑵𝒐𝒗𝒆,
𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌 𝒚𝒐𝒖 𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒎𝒖𝒄𝒉! 𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈! ❤︎☺︎︎
-𝑩𝒆𝒂𝒕𝒓𝒊𝒄𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒃𝒐𝒂
MAY MGA araw na biglang pumapasok sa isipan niya ang katagang 'Mahal Kita' na sinasabi ng isang chinitong lalaki para sakanya.
Naguguluhan siya sa kanyang sarili kung saan ba nang-gagaling ang mga senaryo na 'yun.
Kung nangyari ba talaga 'yun o hindi?
Pero bakit naman siya sasabihan ng gan'un ?
Paulit-ulit din pumapasok sa isipan niya ang pangyayari kung saan sinabi ng lalaking 'yun na 'nandito lang daw siya sa puso niya'.
Siya ba ang tinutukoy niya o ibang tao? Pero sa pagkakaalam niya ay wala siyang personal na relasyon sa chinitong lalaki na hindi pa niya nakikilala.
May mga araw din na sumasakit ang kanyang puso sa di malamang dahilan. Sobrang gulong-gulo siya sa kanyang sarili at pakiramdam niya na parang may kulang sa pagkatao niya. Na parang may nakalimutan siyang pangyayari sa buhay niya at parang may nakalimutang siyang importanteng tao sa buhay niya?
NAKALIPAS ang anim na buwan nang wala ng gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa estrangherong chinitong lalaki na 'yun kaya nagkaroon na siya ng peace of mind.
Kagagaling niya lang sa bookstore kung saan bumili siya ng bagong mga libro at ngayon ay nakatambay siya sa coffee shop. Pakiramdam niya na parang napaka- familiar ng coffee shop na 'yun sakanya at pakiramdam niya rin na may naging kasama siya noon sa pagpunta rito kahit alam niyang lagi lang siyang nag-iisa. Isiniwalang bahala niya lang ang bagay na 'yun at ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng paborito niyang kape.
Nang maubos niya ang kape ay bigla siyang napalingon sa kabilang table kung saan masayang magkasama at mag-kausap na sa tingin niya ay magkasintahan.
Nagulat siya ng mapansin niyang si Beatrice Gamboa ang babaeng 'yun na naging paborito niyang manunulat. Naglakihan ang mga mata ni Novelyn ng malaman niya na ang chinitong lalaki na madalas pumasok sa isipan niya ay ang lalaking kasama ni Beatrice.
Napalingon si Beatrice sakanya at nginitian lang siya nito. Napalingon din ang chinitong lalaki sakanya at nagkatinginan sila ng ilang segundo, sandali silang natulala sa isa't-isa at unang umiwas ng tingin ang lalaki.
Biglang pumasok sa isipan ni Novelyn ang pangalan na 'Shin Hyo Moon' at ang paulit-ulit na pagbanggit niya sa pangalan ni Novelyn.
Naramdaman na lamang ni Novelyn na may tumutulong luha mula sakanyang mga mata at naninikip ang kanyang dibdib. Labis siyang nalulungkot sa mga oras na 'yun. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ba siya naaapektuhan nang makita niya silang magkasama.
Wala na siyang pakialam kahit pagtinginan siya ng mga tao sa paligid na umiiyak siya. Nais niya lang ilabas ang emosyon na nadarama niya. Hindi niya parin inaalis ang tingin siya sakanilang dalawa kaya patuloy parin siya sa pag-iyak. Pupunasan niya sana ang luha niya ngunit naaalala niya na wala pala siyang dalang panyo.
May estrangherong lalaki ang naglapag ng panyo sa lamesa ni Novelyn kaya napalingon siya. "Kung ayaw mong masaktan, huwag mo silang tingnan." kalmadong saad ng lalaki.
Sandali siyang napatulala sa estrangherong lalaki at sa panyo nito na nakaburda ang pangalan na 'Im Hyeon Jae'.
Korean name pero marunong mag-tagalog.
Nakakamangha.
"S-salam--" hindi niya na itinuloy ang pagpapasalamat sakanya dahil bigla itong nawala. Gusto pa naman niyang mas makilala ang estrangherong chinitong lalaki na 'yun dahil nabawasan ang lungkot na nadarama niya.
Napagpasyahan niya na umalis na sa coffee shop habang ginamit ang malinis at mabangong panyo ni Im Hyeon Jae sa pagpunas ng kanyang luha.
Sa huling sandali ay sinulyapan ni Novelyn sila Beatrice at Shin Hyo at tuluyan ng lumabas ng coffee shop.
Sa gitna ng paglalakad niya ay nakasalubong niya ang matandang babae at ngitian siya nito. Nagtaka naman siya kaya napatingin siya sa likod niya baka 'yung tao sa likod ang nginingitian ng matandang babae.
Pagtingin niya sa kanyang likuran ay nabigla siya ng makita ang estrangherong Koreano na Im Hyeon Jae ang pangalan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Novelyn ng magkatitigan sila ni Im Hyeon Jae.
"Siya na ang tamang tao para sa'yo, hija..." bulong ng matandang babae sakanya habang malapad ang kanyang ngiti.
-𝕋𝕙𝕖 𝔼𝕟𝕕-
BINABASA MO ANG
𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕
Fantasy[COMPLETED] Novelyn Guevarra is a writer, she wish that her ideal man do exist in this world. Because of that, she write a story entitled 'Neverending' were the main character was her ideal man, Shin Hyo Moon. What if her wish do come true were Shin...