NOVELYN
TATLONG araw na ang nakalipas simula nang magkita kami ni Shin Hyo sa bookstore ng hindi inaasahan. Hindi ko na kilala ang aking sarili dahil sa kapahangasan na ginawa ko sakanya, kapahangasan nga ba? Hinawakan ko lang naman ang kamay niya eh pero first time ko lang kasi gawin yun sa lalaki at kay Shin Hyo Moon pa na ideal man ko. Nakakahiya, sa totoo lang.
Muling sumagi muli sa isip ko ang nangyari sa araw na iyon. Para kaming magkarelasyon na magkahawak ng kamay habang tumatakbo para lang makatakas sa mga readers kong maissue ! Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin na nakasabit sa harapan ko, nagsusuklay kasi ako ng aking maiksing buhok na hanggang balikat lamang. Para akong hibang na ngumingiti ng malapad ngayon habang patuloy ko parin iniisip si Shin Hyo este yung nangyari ng araw na iyon.
Nang tumigil na kami sa kakatakbo ay napaupo kami sa bakanteng bench dahil sa pagod.
"Novelyn, pinapatawad mo na ba ako?" Hindi ako kaagad makatingin sakanya dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Bakit ko ba kasi naisipiang hawakan ang kamay niya? Shete talaga!
" Ah, hindi pa noh! " saad ko habang kunwaring nagtatampo. Really Novelyn? Para lang akong nagpapasuyo sa nobyo ko dahil nagka-away kami. Ano ba itong pinag-iisip ko? Hindi ako ito! Hindi porque NBSB ako at nabuhay sa realidad ang ideal man ko dahil sa di malamang dahilan ay sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito.
Paulit-ulit kong sinasampal ng mahina ang aking sarili dahil sa kahibangan ko.
" Bakit mo sinasampal at kinakausap ang sarili mo? Ano bang nangyayari sa iyo?" nagtatakang tanong niya sa'kin habang bahagya siyang natatawa. Tuluyan na akong nawala sa sarili ko, natulala na ako sa mga matatamis niyang ngiti, sa chinito niyang mata na tila wala ng nakikita dahil sa eye smile niya na talagang nagpabilis ng pagtibok ng puso ko. Para ata akong aatakihin sa puso nito, hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon dahil na rin napakalapit namin sa isa't-isa.
Bumalik ang diwa ko sa realidad nang biglang pumasok si Meli sa aking kwarto nang nagmamadali.
"Uy, Novelyn! Nakita mo na ba ito?!" tanong niya sabay pakita sa'kin ng isang post mula sa kanyang cellphone.
"Teka? Parang a-ako iyan at si Shi-Shin Hyo ah ?!" gulat na gulat kong saad habang nakatitig parin sa pictures namin. Ay, oo! yung mga maissue kong readers, kinukuhaan kami ng mga pictures ! Shetee talaga! Ayoko pa naman ng mga ganito, lalo na kapag pinopost nila online!
"Girl,yung araw na umalis ka papunta sa mall, nakipagkita ka kay Shin Hyo noh? Sabi ko na nga ba!" natutuwa niyang saad habang inaasar pa ako. Hay! isa pa itong si Meli eh!
"Ano ka ba! Hindi ako nakipagkita sakanya noh! Nagkataon lang na nagkita kami doon sa bookstore." paglilinaw ko sakanya.
"Asus, eh bakit ganyan mga tinginan niyo sa isa't-isa? ang tamis! shet! HAHAHA!" natutuwa niyang saad habang nang-aasar.
"Nagsorry kasi siya ulit sa'kin tapos nagkataon na may nakapansin sa'min na readers kong maissue! Eh wala naman kaming relasyon ni Shin Hyo! Paano na iyan Meli? Mukhang kalat na online yung picture namin!" natatarantang saad ko sakanya.
"Kalma ka lang girl,lilipas din yan! Atsaka ayaw mo ba na marami ng nakakaalam na may jowa kang poging koreano?"
"Jowa na poging koreano ka diyan! Loko-loko ka talaga! ni kaibigan nga hindi eh! Kaya please Meli, tama na dahil sa simula palang hindi kami maaari sa isa't-isa kahit gustuhin ko man "
"Kahit hindi kayo, still I ship you both! Pero bakit hindi kayo maaari sa isa't-isa? Iyan na yung matagal mo ng hinihintay ah, isang poging koreano na kamukha ni Jinyoung ang nameet mo, at sabi mo nagkataon na nagkita pa kayo sa bookstore sa araw na iyon, for sure nagbonding pa kayong dalawa sa mall at kinilala ang isa't-isa."
BINABASA MO ANG
𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕
Fantasy[COMPLETED] Novelyn Guevarra is a writer, she wish that her ideal man do exist in this world. Because of that, she write a story entitled 'Neverending' were the main character was her ideal man, Shin Hyo Moon. What if her wish do come true were Shin...