📖 [8]

17 5 1
                                    

NOVELYN

NAPAKAGANDANG pagmasdan ang kalangitan dahil nagbibigay ito ng kapayapaan sa aking isipan, idagdag pa ang paboritong kong kape na nagpapakalma sa'kin.

Naisipan ko lang pumunta dito sa coffee shop na ito kung saan una kong nakita si Beatrice Gamboa. Hindi ko lubos maisip kung papaanong nangyari na nabuhay din siya sa mundong ito? at kung sino ba ang misteryosong matandang babae na biglaang sumusulpot kung kailan nito gugustohin.

Bigla tuloy ako nagka-ideya na gumawa ng panibagong kwento na hango sa nangyayari sa buhay ko ngayon.'Yung fictional character na nilikha ng isang writer ay nabuhay din sa mundo ng realidad at nagka-ibigan.

Pero ano kaya ang magiging wakas ng kwentong 'yun kung isusulat ko man ?

Sa kwento kaya namin ni Shin Hyo Moon, ano kaya ang magiging wakas?

Pero hindi naman kami maaring magka-ibigan ni Shin Hyo dahil mali ito. Hangga't kaya kong i-control ang nararamdaman ko, gagawin ko.

Kaya ko nga ba?

Hanggang magkaibigan lang talaga dapat kami dahil kapag ipinagpatuloy ko pa ang mali kong nararamdaman para sakanya ay ako lang din naman ang masasaktan sa huli at ayaw kong mangyari 'yun.

At higit sa lahat, ayaw kong magmahal ng taong hindi naman nanggaling sa mundong ito ...

na ako lamang ang lumikha dahil sa malawak kong imahinasyon.

Isang fictional character at writer nagkagustuhan? isang kahibangan lamang at kalokohan.

"Oh Novelyn, nandito ka rin pala? What a coincidence." saad ni Beatrice na mukhang kararating lang. Iniisip ko lang siya kanina pero ngayon nasa harapan ko na siya.

"Yeah?"

"Can I seat beside you?"  kapal naman niya, matapos niya akong sabihan na malandi, makikitabi siya sa'kin? wow huh!

Aba! Hindi naman ako pumayag ah, bakit siya tumatabi sa'kin? Wala talagang hiya itong si Beatrice, hindi ko naman siya ganyan ginawa eh. Mabait yung character niya sa Neverending at hindi bitch. Sadyang nagbabago na talaga pag-uugali nila nang mabuhay na sila sa mundong ito.

Nakatingin lang ako sa kalangitan at hindi lumilingon sakanya.

"Can I call you, Ms.Author or Ms. Creator? " napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi ko siya sinagot, sa halip ay sa lockscreen ng cellphone ako'y nakatingin at sinadya kong ipasilip kay Beatrice.

Naramdaman ko na lang na sinabunutan niya ang aking maikling buhok dahil sa hindi pagpansin sakanya.

"How dare you! Kinakausap kita ng maayos pero hindi mo ako pinapansin? At.." naiinis na saad niya at hinablot ang cellphone ko. "So..may picture pala kayo ni Shin Hyo? What a perfect couple!" dugtong niya na may pagka-sarcastic.

"Indeed, right?" 

"Yeah, both of you look good together. By the way, I'm sorry Ms.Author, I mean Ms. Creator?  just kidding. I mean, Novelyn..I'm sorry for what I have done to you." hindi ko maintindihan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya eh. Kidding daw tapos biglang manghihingi ng sorry?

Ang gulo ng pag-uugali niya ah.

"Seryoso ka ba? Ikaw, magso-sorry? I know, you didn't mean it. "

"Of course, I mean it. I really feel sorry for you. Narealize ko lang kasi na hindi ko naman talaga gusto si Shin Hyo Moon kaya bakit pa natin siya pag-aawayan diba? You know, sa mundong ito may sarili na kaming pag-iisip at damdamin kaya  believe me, hindi ko na siya gusto. Sayong-sayo na siya, Novelyn."  seryosong saad niya na para bang totoo ang kanyang sinasabi.

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon