SHIN HYO
NANANATILING nakatalikod sa'kin si Novelyn at hinihintay ang magiging sagot niya pero bigla na lamang siyang pumasok sa kanyang kwarto at malakas na isinarado ang pinto.
Hindi ko inasahan na hindi niya ako papansinin at diretso lang siyang pumasok sa kanyang kwarto na parang wala siyang kausap.
Masyado kasi akong nagpadalos-dalos sa binitawan kong masasakit na salita sakanya, di man lang ako nag-iisip ng tama dahil sa pagiging desperado ko na malaman ang totoo kong pagkatao. Hindi ko kasi maintindihan ang mga pinagsasabi niya na isa daw akong fictional character na nilikha niya, isang malaking kalokohan!
" Kuya pogi, ano bang pinag-awayan niyong dalawa?" kuryos na tanong ni Meli. Hindi ko siya sinagot at nanatili akong nananahimik habang di nakatingin sakanya.
"Edi wag mong sagutin! " naiinis na saad niya." Ano palang pangalan mo kuya pogi? Baka di mo pa ako sagutin niyan ah!" dugtong niya.
Napatigil ako sandali at nag-aalangan kung sasabihin ko ba ang aking pangalan dahil sa naging reaksiyon nila Novelyn at Kyle kanina.
"Shin Hyo Moon, ang aking pangalan," tugon ko.
"What?! kapangalan mo yung main character sa Neverending? Ang galing! Ikaw ba yung naging inspirasyon ni Nove at hinango pasayo yung pangalan para sa story niya na Neverending, pero sabi niya kakakilala niyo palang kaninang umaga ah?" naguguluhan at gulat na tanong ni Meli.
"Inspirasyon? kakakilala pa nga lang namin ni Novelyn kaninang umaga kaya walang katotohanan ang sinasabi mo," saad ko. Nagtaka naman siya sa naging sagot ko.
"Weh? So coincidence lang na magkapangalan kayo ng main character sa Neverending?" aniya.
"Kanina niyo pa binabanggit ang Neverending ah! Ano ba kasing meron doon at bakit ba gulat na gulat kayo na Shin Hyo Moon ang aking pangalan?" kuryos na tanong ko sakanya.
" Nakakabigla lang kasi magkasing pangalan kayo ng ideal man niya.Natutuwa nga ako para sakanya na ikaw ang kauna-unahang poging chinito na nakapunta dito eh " nakangiti niyang saad sa'kin. Bigla naman ako nahiya sa sinabi niya kaya bahagya akong napayuko habang tinatago ang ngiti sa aking labi.
" Ideal man? Anong ibig mong sabihin doon?" kuryos na tanong ko.
"Ah iyon ba, sinabi niya kasi sa'kin na nais niya daw kasing mag exist ang ideal man niya pero dahil imposible yun idinaan niya na lang sa pagsusulat ng kwento at iyon nga yung Neverending. Na kahit lang daw sa storya ay mangyari ang ninanais niya pero di ko lang gets kung bakit niya ginawa yun kay Shin Hyo," mahabang saad niya habang seryoso lang ang kanyang tingin sa akin.
"Ahh kaya pala pero anong ginawa niya kay Shin Hyo?"
"It's you to find out!" saad niya at may kinuha siyang libro na nakalagay sa ibabaw ng maliit na lamesa. " Ito oh, basahin mo ng malaman mo na." sabay abot niya ng Neverending book sa akin, kinuha ko naman pero nang mahawakan ko na ito, nakaramdam ako ng kuryente na tila may koneksyon ako sa librong ito.
" Alis na ako Meli ah, balik ko na lang sayo ito kapag bumisita ako muli dito." saad ko at lumabas na ng apartment nila. Sinundan naman ako ni Meli sa labas.
"Teka lang, matanong ko lang Shin Hyo, taga saan ka pala? "
"Ah, sa totoo lang, wala kasi akong masyadong maalala. Pangalan ko lang ang tangi kong naaalala" malungkot na sagot ko.
" Weh?! Seryoso ba? pero saan ka tumutuloy ngayon?"
"Sa ngayon, sa apartment ni Kyle."
"What?! Magkakilala kayo ni Kyle? Kyle Espejo? Paanong nangyari?"
BINABASA MO ANG
𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕
Fantasy[COMPLETED] Novelyn Guevarra is a writer, she wish that her ideal man do exist in this world. Because of that, she write a story entitled 'Neverending' were the main character was her ideal man, Shin Hyo Moon. What if her wish do come true were Shin...