📖 [9]

13 5 0
                                    

SHIN HYO

NARARAMDAMAN kong parang binibiyak ang aking ulo sa sobrang sakit nito. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari ng aking huling sandali bilang isang fictional character sa 'Neverending'.

Pitong taon na ang nakalipas mula ng huli ko siyang makita, hanggang ngayon siya parin ang nilalaman ng aking puso.

Nang magtama ang aming mga mata ay bumalik muli sa pagbilis ng pagtibok ng aking puso sa tuwing nakikita ko siya. Lalo siyang gumanda at mas nagmukhang matured.

Marami na talagang nangyari sa nakalipas na pitong taon, nagka nobyo na kaya siya? o  hinihintay niya pa rin ba ako hanggang ngayon?

Sana nga ako pa rin.

Hindi ko inakala na makikita ko pa pala siya, at dito pa talaga sa South Korea.

Nasa magkabilang kalsada kami, nakatayo at hinihintay huminto ang mga sasakyan para makatawid na kami.

Hindi na ako makapaghintay na lapitan siya at yakapin siya ng mahigpit at sabihin na.."Ikaw pa rin hanggang ngayon, Beatrice. Sana ako pa rin. I missed you and Saranghae."

3..

2..

Bago pa huminto ang mga sasakyan para makatawid na kami, inunahan ko na ito at mabilis na akong tumawid sa kalsada para salubungin na siya.

Pero may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan mangyari. Tulad na lang ngayon, dahil sa sobrang kasabikan ko, hindi ko namalayan na may sasakyan na mabilis ang takbo at hindi ko man lang napansin na papunta pala ito sa direksyon ko.

Huli na para maiwasan ko pa ito dahil naramdaman ko ang sakit sa pagtalsik ng aking katawan sa kalsada.

Nanghihina na ako dahil hindi naging maganda ang pagkakahulog ko sa kalsada.

Kahit ganoon, masaya parin ako dahil kahit sa huling sandali, nakita ko na muli ang aking minamahal na si Beatrice Gamboa.

Papalapit siya sa'kin at pilit na ginigising ako sa realidad na ito..

na mukhang hanggang dito na lang ang aking buhay.

"Shin Hyo, lumaban ka! Wag kang pipikit! Nandito na ako oh, wag mo na akong muling iwan. Please, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon."  saad niya habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.

"Ma-masaya ako na nagkita muli tayo. Ta-tandaan mo, mahal na mahal din kita, Be-atrice. U-until our ne-next life." nahihirapan kong saad sakanya dahil talagang nanghihina na ako pero kahit ganoon nakangiti ako habang nakatingin sakanya.

"Darating na ang ambulansya, huwag mong ipipikit ang mga mata mo!" nagmamakaawang pakiusap niya. Pasensya na pero hindi ko na kayang idilat pa ang aking mga mata. Pasensya na kung humantong tayo sa ganito.

Biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napalitan ng pagsakit ng aking puso, parang itong kumikirot dahil sa sakit.

"Kuya Shin Hyo! Anong nangyayari sayo? Ba-bakit   parang nagfe-fade ang iyong mga braso at bumabalik din muli? Anong ibig sabihin niyan? " tila nababahalang saad ni Kyle.

"Wala ito, ano ka ba."

"Kailangan itong malaman ni ate Novelyn.Dito ka lang at pupuntahan ko lang siya."

"Huwag na Kyle, mawawala rin ito."  pilit na saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at umalis na

Ang pananatili ko sa mundong ito ay ibang-iba sa mundong pinagmulan ko, ang fictional world.

𝑰𝒇 𝒀𝒐𝒖 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon