Note: Imagine that Gin and Geo here are using sign language while speaking to Ali. And whenever Ali is speaking in sign language, ganito ko siya i-t-type, okay?
--
Ipinaglilipat-lipat ko ang tingin ko kina Ali at Gin habang kumakain kaming dalawa ng kapatid ko sa harapan ni Ali. Kanina pa sila nag-uusap na parang wala ako sa kwartong 'to.
Nakakainis kasi hindi ko masundan 'yong iba nilang pinag-uusapan dahil hindi pa 'ko gano'n kagaling sa sign language. Ako tuloy 'yong na-OP. Parang may sarili na silang mundo ah.
"Magdo-doktor ka pala?" Tanong ni Ali kay Gin sa sign language.
Tumango naman si Gin bilang tugon sa kaniya.
"Anong specialist ang kukunin mo?" Tanong muli ni Ali.
"Gusto kong maging isang cardiologist." Sagot ni Gin kasabay ng sign language. "Pero gusto ko ring maging kagaya ng doktor mo, Ate Ali."
Napaangat ang gilid ng labi ko. "Expert na expert ah." Bulong ko.
Sa sobrang tutok nila sa isa't-isa ni hindi man lang nila 'ko napapansin. Bigyan ko na ba sila ng privacy? Tss!
Kumunot naman ang noo ni Ali. "Doktor ko? Bakit?"
"Ang sabi kasi ni Kuya, wala raw lunas ang sakit mo." Nang sabihin 'yon ni Gin ay nakita kong sumeryoso ang mukha ni Ali. "Gusto kong makahanap ng lunas sa sakit mo. Gusto kong makapag-diskubre no'n para hindi ka na nahihirapan at ang mga kagaya mong may sakit na ganiyan."
Bahagya siyang nginitian ni Ali. "Gano'n ba? Sana matupad mo 'yan."
Pasimple ko namang siniko sa tagiliran si Gin kaya tiningnan niya 'ko nang masama.
"Problema mo na naman diyan, Kuya?" Irita niyang tanong sa 'kin.
Hindi naman ako nagpatalo dahil sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Kung gusto mo palang makatuklas ng gamot, dapat chemist ang kunin mo, hindi doktor!" Inis na saad ko.
"E, pake mo ba? Bakit? Bawal ba ang doktor na tumuklas ng gamot?!" Sagot naman niya sa 'kin.
He's still communicating with me in sign language. Mukhang ayaw niyang ma-OP si Ali sa 'min.
Nang mapatingin ako kay Ali ay titig na titig siya kay Gin. Base on her facial expression, she could understand him.
Nakaramdam tuloy ako ng inggit sa kapatid ko na dapat hindi ko maramdaman. Naiinggit ako kasi hindi nahihirapang makipag-usap sa kaniya si Ali kasi expert na siya sa sign language. They can freely talk to each other without the need to write anything sa white board na binili ko for her.
Mas lalo tuloy akong ginanahan na mag-aral pa lalo ng sign language at maging expert do'n.
Tinanggal ko 'yon sa isipan ko dahil ayokong makaramdam ng gano'n sa sarili kong kapatid. Hindi rin naman niya kasalanang marunong siya at ako ay hindi.
"Ewan ko sa 'yo! Bilisan mo na kumain para makauwi na tayo pagdating ni Tito Peter." Sambit ko na lang sa kaniya.
Nang tingnan ko naman si Ali ay bigla akong nag-alala nang mapansin kong nakangiwi siya.
"Ali, ayos ka lang?" Agad akong tumayo para lapitan siya. "A-Ali, may masakit ba sa 'yo?" I asked her with a sign language.
Mangiyak-ngiyak niya 'kong tiningnan. "I'm okay. It's just body pain. It happens once in awhile."
Mas lalo akong nag-alala sa sinabi niya kaya pinindot ko 'yong button sa station ng nurse sa may ulunan niya. Ilang minuto lang ay pumasok na agad sila rito sa loob at nilapitan si Ali. Binigyan naman namin sila ni Gin ng espasyo.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...