01

53 8 22
                                    




"Puwede ba? Bitawan mo'ko." Sabi ko sa kung sino mang humawak ng braso ko.

"Puwede bang mag usap tayo?" Nakatitig lang siya sa akin habang hawak pa rin ang braso ko.

Hah?! Mag usap? Anong pag uusapan namin? Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking 'to.

Hinding hindi mo na ako mapapahulog ulit sa bitag mo.

"Wala naman tayong dapat pag usapan."

Marahan kong inalis ang pagkakakapit niya sa braso ko at tinalikuran siya. Pero alam kong hindi siya basta basta papatinag kaya naman lumapit na lang ako ulit kay Engr. Javier para tigilan na ako ng lalaking 'to.

"Engineer, puwede mo ba akong samahan maglibot?" Tanong ko sa kanya at inangkla ko ang braso ko sa braso niya.

Nakangiti kong hinihintay ang sagot niya. Naiinip na ako, kailangang lubayan na ako nitong lalaking 'to.

"Please, Engr. Ikaw lang yung kilala ko rito."

Nagpacute pa ako lalo para makaalis na kami agad. Kita kong naguguluhan na si Engr. sa nangyayari. Kinindatan ko na lang siya, sign na sumakay na lang siya sa trip ko.

"O, my pleasure, Architect. Saan mo ba gustong lumibot?"

Kitang kita ang pagkunot ng noo ni Jet nang hinapit ni Engr. Javier ang bewang ko papalapit sa kanya. Inirapan ko lang si Jet at bumulong kay Engr. Javier para sabihing kailangan ko na talagang makaalis dito.

Patawa tawa si Engr. Javier kaya naman napataas ang kilay ni Jet at pinili na lang niyang umalis.

Haay, finally.

"Architect, bakit ba iniiwasan mo 'yong lalaking 'yon?" Usisa sa akin ni Engr.

"Hindi ko naman alam, Engr. na may pagkachismoso ka rin." Biro ko sa kanya.

Tinawanan lang niya ako. Akala mo nagjojoke talaga ako pero nagsasabi na ako ng totoo.

"Mukha kasing interesado at pursigido siyang makausap ka." Ngisi niya sa akin.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Kailangan kong mag isip para lubuyan na niya ako. Maybe I need someone?

"O, paano aalis na ako." Paalam sa akin ni Engr. Javier.

Akmang lalakad na siya ay hinawakan ko ang braso niya.

"Wait!" I said. Agad naman siyang tumigil at tumingin sa akin.

"Ano na naman ba iyon, Architect?" Inis na tanong niya sa akin.

"Uhm, can you help me?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"Tungkol saan ba 'yan?"

"We need to pretend." I said.

"Pretend?" He asked me full of confusion.

"We need to pretend that we are together for almost 2 years."

His mouth formed an O shape. He really look shocked. Well, I'm sorry, I'm not kidding. I badly need to do this. He won't stop if he knows that I'm single. I know that he respects people's relationship. I know him.

"Tangina naman, Architect. Anong kalokohan 'to?" Tatawa tawa niyang tanong sa akin.

"Hey, your words." Sita ko sa pagmumura niya. Tinampal naman niya agad ang bibig niya. "And I'm serious."

"Bakit? Bakit ako?"

"Because of all people, I know that you won't fall for me. We're friends, right?" I explained.

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now