"Diyan sa simbahan, papakasal."Tumayo na siya at naglahad ng kamay, hinihintay na tanggapin ko ang kamay niya. He looks like a prince, asking his princess to be with him all the time.
"Huh?" I chuckled.
"Tingnan mo siya oh, siya 'yung nagpakilig tapos painosente." Iiling iling na sabi niya.
"Panindigan naman sana no'ng isa diyan 'yung sinabi niya." Parang ang sama sama ng loob niya.
"I love you daw, di naman inulit. Scam 'yung baby ko."
How can he manage to be so adorable? Lord, I know that I'm too young for this. But I want him, I want him to be with me to celebrate every successes of our lives. Guide our future relationship, You'll be the center of our relationship.
It would always be, God. Trust. Love.
"Uwi na tayo?" I asked him, smiling innocently.
"Dinadaanan niya na lang ako sa pacute niya. Ang daya talaga." He pinched my cheeks.
"Uwi na nga tayo, inuuto mo na lang kasi ako dito."
Nag abang na kami ng tricycle. Inihatid niya muna ako sa bahay. Syempre, pinapasok ko muna siya sa bahay. Nag stay muna siya ng ilang oras kasi request ko, pumayag naman siya.
Habang naghihintay siya sa salas pumunta ako kay mama at papa sa kwarto nila. Agad ko silang niyakap ng mahigpit.
"Hmmm, anong gustong sabihin ng prinsesa ko?" Tanong ni papa sa akin.
"Hindi po ba kayo magagalit kung sagutin ko na si Jet ngayon?" Tanong ko sa kanila habang nakayuko.
"Dalaga na ang anak natin." Madramang sambit ni mama.
"Nasaan ba siya?" Tanong ni papa.
"Nasa salas po hehe." Nahihiyang sabi ko.
"Tara sa baba." Yakag ni mama, na para bang kinikilig pa.
"Mahal kalma, hindi ikaw ung sasagutin." Pang aasar ni papa sa kanya.
Sama sama kaming bumaba para puntahan si Jet sa salas. Tahimik na naghihintay si Jet habang nanonoof ng tv. Pinatay niya ang tv nang makita niyang bumaba na kami. Agad naman siyang lumapit para magmano kina mama at papa.
"Upo na, anak." Aniya ni mama kay Jet na may napakalapad na ngiti.
"May sasabihin prinsesa namin sayo." Seryosong aniya ni papa.
"Tito, kung babastedin po ako ni Amara. Hindi po ako papayag. Hindi po ako titigil, maghihintay po hangga't sa maging handa na ang prinsesa niyo."
Agad na napatawa naman si papa sa sinabi ni Jet. Tinapik ni papa ang balikat ni Jet at tinanguan. Si mama naman ay may nakakalokonh ngiti kaya Jet kaya naman lalong kinabahan ang baby ko.
Tumingin na siya sa akin. Nagtatanong na ang mga naggagandahan niyang mga mata. Gulong gulo na siya sa nangyayari, para siyang bata na humihingi ng tulong. Nginitian ko lang siya kaya naman lalong kumunot ang noo niya.
"Jet, huwag kang mag alala 'di ka na maghihintay." Nakangiting sabi ni mama.
"Baby, ano ba ito? Pinagtritripan niyo ba ako?" Paawang tanong ni Jet na lalong nagpahagalpak sa mga magulang ko.
"I love you po, Jet Cohen Olivarez." I said and kissed his cheeks.
Narinig ko naman agad ang tili ni mama. Si papa naman nagulat sa ginawa ko. Sorry na po papa, nabigla lang. Masyado ng kinakabahan ang baby ko sa pinagsasabi niyo ni mama eh.
Namula naman agad ang pisngi ni Jet hanggang tenga. Kakamot kamot siya sa ulo niya habang pinipigilan ang pamumula niya. Lumilingon pa siya kay mama at papa nanghihingi ng sagot pero tinatawanan lang siya ng mag asawa.
"Jet naman, binigyan ka lang ng kiss, slow ka na." Pang aasar sa kanya ni mama.
Agad naman siyang lumingon sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako.
"Tayo na? Baby na kita? As in legal?" Tanong niya sa akin.
"Opo, baby na po natin ang isa't isa." Niyakap naman niya agad ko dahil sa sinabi ko.
Bumitaw siya sa yakap at pumunta kay mama. Niyakap niya si mama at nakipag fist bump siya kay papa.
"Thank you po sa pagtitiwala." He thanked my parents.
"Hindi po ako mangangako na di ko masasaktan si Amara kasi parte po 'yun ng relasyon. Pero sisiguruhin ko pong hindi siya matutulog ng mabigat ang pakiramdam." He said.
"Hindi ko po hahayaang matapos ang araw nang hindi kami bati."
Totoo na 'to. Kami na. Boyfriend ko na siya. After ilang buwang panliligaw, sinagot ko na siya. Kailangan kong ibalita kay Alas ito, baka magtampo 'yon.
"May tatawagan lang po ako." Pagpapaalam ko sa kanila.
[ "Distorbo mo naman Amara, may sinusuyo ako dito oh." ] Tumawa lang ako sa sinabi niya. Bungad na bungad eh.
[ "May sasabihin kasi ako sayo." ]
[ "Dali, ano 'yon? Sinusuyo ko pa bebe ko." ]
[ "May bebe na rin ako." ]
[ "Congrats sayo. Di ka na single. Ansabi ng tita at tito?" ]
[ "Dalaga na raw ako." ] Tumawa ako sa sinabi ko.
Rinig ko rin ang pagtawa niya sa sinabi ko. Mang aasar na naman 'to.
[ "Tama naman sila, finally dalaga ka na. Hindi na magseselos bebe ko sayo." ] He felt so relived ah.
Ewan ko ba sa bebe ni Alas, nagseselos sa akin eh bestfriends lang naman kami.
[ "Osige na babye na, suyuin mo na bebe mo. Labyu." ] I ended the call.
"Scam talaga tsk." Rinig ko ang malamig na boses ni Jet.
"Hey, si Alas 'yon. Sinabi ko sa kanya na tayo na." Niyakap ko siya patalikod dahil paalis na sana siya.
"Alam mo naman diba, bukod kay Desiree siya lang din ang kaibigan ko." Malambing kong sabi sa kaniya.
"Tsaka pinagseselosan nga ako ng bebe no'n tas magseselos ka rin."
"Baby naman, never nagkaroon ng something namin ni Alas po." Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at iniharap niya ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit.
Pinaglaruan niya ulit ang mga hibla ng aking buhok habang yakap yakap niya ako. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya.
Sobrang bango ng baby ko. Pinaglaruan ko rin ang tenga niya. Pinisil pisil ko ang earlobe niya. Tintigan niya naman ako ng malalim nang paglaruan ko ang tenga niya.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Hindi nawala ang nakakatunaw niyang titig. Hindi ko mabasa kung anong naiisip niya. Kung anong gusto niyang sabihin. 'Yung mga mata niya, nangungusap.
"Baby?" I called him using my soft voice.
"Hmmm."
"Galit ka po?" I asked.
He caressed my face. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya. Pinaglaro na naman niya ang mga ilong namin. Natetempt akong halikan siya. Shet, ang harot ko.
Hindi ko sinarado ang mga mata ko, baka pitikin niya na naman ang noo ko. Hinayaan ko lang na nagtatama ang dulo ng ilong namin. I licked my lips, nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple niya nang dilaan ko ang labi ko.
"Hmm, nang aakit?" He softly asked.
"Hindi ah. Galit ka diba?" Nagtatampong sabi ko.
"Hindi ah? Hindi lang ako makapaniwala na tayo na." Pag amin niya.
"Baby na nga po natin ang isa't isa." I said.
"Baby. Baby natin ang isa't isa." He said. And he gave me a peck on my lips.
;)
YOU ARE READING
Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)
RomanceART OF LOVE SERIES #1 Amara Umali a top student from her school, a photo journalist way back in highschool made herself a wall to all men who will try to enter her life again. But can she still maintain the wall she built when Jet Olivarez used his...