Lumipas ang ilang araw at madalas kaming magkasama ni Jet kahit magkaiba kami ng school. Kapag hindi ganoon kabusy ang sched niya ay sinusundo niya ako.'Yung sinabi niya noong isang araw, tinotoo niya. Ayaw niyang maging magkaibigan lang kami. Pinapatunayan niya sa bawat araw na nagkakasama kami na gusto niya ako, na siyang kinakatakot ko. Dahil baka 'yon ang ikasira ko.
"Ano na naman iniisip mo?" Pinitik niya ang noo ko.
"Wala. Wala akong iniisip." Tinitigan niya lang ako, naniniguro kung wala talaga, kung nagsasabi ako ng totoo.
Sa halos isang buwan naming magkakilala ni Jet, 'yan ang ginagawa niya kapag tinatanong niya ako. Tinititigan niya ako ng malalim para malaman kung nagsasabi ako ng totoo.
Pinitik niya na naman ako, sa ilong naman.
"Sinungaling ." Sabi niya sa akin ay tinaasan ako ng kilay.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya ulit sa akin.
Tinitigan ko siya, malalim. Hindi man kasing lalim ng pagtitig niya na siyang kinatutunaw ko. Kung siya ay malalim kung tumitig, ako naman ay maamo, nangungusap na sa akin lamang dapat nakatingin.
"Natatakot ako." Pag amin ko sa kanya.
"Saan?" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Na sa sobrang bilis mo akong nagustuhan, ganoon din kabilis na mawawala." Hindi ko pa nasasabi sa kanya na crush ko siya noong grade 9 ako.
"Hindi ako mawawala, hihintayin ko pa nga na mag 18 ka eh. Pangako ko 'yon sa papa no'ng pumunta ulit ako sa inyo para magpaalam manligaw." He assured me.
"Ayon na nga Jet, bata pa ako. Bata pa tayo, paano mo nasisiguro na totoo 'yan?" Sa dami ng nagkakagusto sayo, hindi ako makapaniwalang ako ang gusto mo na isa rin naman sa mga kababaihang gustong mapansin mo noon.
"Hindi ako basta basta nagkakagusto sa isang tao, Amore. Kaya kapag nahulog ako, nalunod ako, hindi ko pipiliing umahon. Hahayaan ko ang sarili kong malunod sa pagmamahal na 'to." He pinched my cheeks.
"Smile ka na dali, mag ice cream tayo." He cheered me up.
"Talaga?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre, ako pa ba. Tara na para maihatid na rin kita."
Dumaan kami sa 7/11 para bumili ng ice cream sandwich ng Selecta. 'Yun kasi 'yung favorite ko tapos mura lang din.
"Ingat ka." Sabi ko kay Jet.
"Oo naman, pasok ka na."
Pumunta na ako sa pintuan at sinisilip siya kung nakaalis na siya. Ganoon ang lagi niyang ginagawa gusto niya masigurong nasa loob na ako ng bahay bago siya umalis.
"Huwag ka ng sumilip, aalis na rin ako." Sigaw niya sa akin at nagflying kiss.
Umirap na lang ako sa kawalan nang magflying kiss siya. Narinig ko na ang pag alis ng kanyang motor kaya pumasok na ako sa loob ng tuluyan. Sinalubong naman ako ng nakakalokong ngiti ng mga magulang ko.
"Ma, Pa, ano ba naman 'yan?" Tanong ko sa kanila.
Nagtinginan silang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan. Hello, andito ako? Andito 'yung anak niyo baka gusto niyong isali sa usapan niyong gamit ang mga titig niyo.
"Sasagutin mo na ba siya, anak?" Tanong sa akin ni papa habang nakasandal sa pader.
"Hindi pa po, sa debut ko siguro. Bata pa kami, dapat paghirapan niyang mapasagot ako para mahirapan din siyang iwan ako." Sabi ko sa kanilang dalawa na akala mo naman ay nakarinig ng boses ng anghel.
YOU ARE READING
Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)
Roman d'amourART OF LOVE SERIES #1 Amara Umali a top student from her school, a photo journalist way back in highschool made herself a wall to all men who will try to enter her life again. But can she still maintain the wall she built when Jet Olivarez used his...