11

8 0 0
                                    





"Amara, anong plano mo sa debut mo?" Tanong sa akin ni mama habang naghahapunan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong plano ko sa debut ko o kung gusto ko pa bang magkaroon ng engrandeng party. Parang gusto ko ay simple na lang, pero papayag kaya sina mama?

"Hindi ko pa po napag iisipan eh."

"Nako, kahit naman anong gusto mo 'yun ang gagawin natin." Aniya naman ni papa.

"Pagplalanuhan ko na lang po muna ng maayos kung ano po talaga ang gusto ko."

"Mas mabuti 'yan at matagal tagal pa naman, December pa lang naman ngayon. May apat na buwan ka pa para makapag isip."

Nasa Candelaria ako ngayon dahil Christmas break naman. Sanay akong kasama sila mama at papa kapag pasko. Si Jet naman ay nasa Batangas pa rin, may shoot daw. Baka daw mga next week pa siya makauwi dito. Naiintindihan ko naman dahil masaya siya sa ginagawa niya at ayaw ko namang maging immature girlfriend na mamanipulahin siya sa mga bagay bagay.

Medyo nalulungkot nga ako dahil hindi na kami ganoon kadalas magkasama ni Jet. Hindi pa kami ganoon kadalas magkausap through phone dahil parehas kaming busy sa acads. Lalo na ngayon graduating ako ng senior high.

Gaya nang sinabi ko kila mama nag isip na lang ako kung anong gusto kong gawin sa debut ko. Kinuha ko ang journal ko at nagsimulan magsulat kung ano ang gusto kong mangyari sa debut ko.

Sobrang naiinip ako dito sa bahay ngayon dahil wala naman akong magawa. Si Alas naman ay kinukulit ko na lang sa iMessage dahil wala akong makausap. Si Jet naman ay paniguradong busy pa rin sa shoot nila.

Alas calling...

Agad ko namang sinagot ang tawag niya. Bumungad sa akin ang mukha niyang hindi ko maintindihan kung saan galing.

"Anong ginawa mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Hinawi naman niya agad ang buhok niya at halata sa mata niya ang pagod.

"Nag away kami ni Cyrille." Malungkot na sabi niya.

"Huh? Bakit? Paano?" Agad kong tanong sa kanya.

Kaya ba kapag nakakasalubong ko si Elle sa UST halatang pagod na pagod din at ang layo ng iniisip. Naalala ko noong sinubukan ko siyang tawagin pero ni hindi niya ako nilingon.

"Akala niya kasi wala na akong oras sa kaniya. Eh, hindi niya alam balak ko siyang isurprise sa graduation niya. Kaya inaasikaso ko na 'yung mga kailangan asikasuhin dito para makaalis ako ng tama sa oras." Paliwanag niya.

"Bumawi ka na lang muna sa kaniya paonti onti ngayon. Naayos mo na ba lahat ng aayusin mo diyan?" Tanong ko sa kanya. Dahil kung naayos naman na niya ang mga dapat ayusin, mas mapapadali sa kaniya na bumawi kay Elle.

"Tinapos ko na nga ngayon, pero hindi niya ako nirereplyan eh. Pakitingnan naman kung nasaan siya ha, please. Baka kasama na naman niya 'yung asungot na may gusto sa kanya." Mahihimigan mo ang inis sa boses niya nang banggitin niya ang asungot.

"Sino ba 'yung asungot na 'yon?" Parang kasing nakikita ko ngang may kasama si Elle na lalaki maliban sa mga kaibigan niyang talagang kilala na namin at kaibigan na rin namin ni Alas.

"Si Tyler, 'yung engineering na laging pumupunta sa room niya para sunduin. Nalalaman ko lang kay Klyde 'yung bestfriend niya rin." Kilala ko si Klyde siguro 'yun ngang nakikita ko na kasama niya ayon 'yung Tyler.

Hindi ko na lang muna babanggitin sa kanya dahil baka mas lalo silang mag away. Imemessage ko na lang muna si Elle para malaman ko kung nasaan siya. Para maging okay na sila ni Alas.

"O sige, ako ng bahala. Titingnan ko at sasamahan ko na lang muna si Elle. Huwag ka na masyadong mastress diyan. Paghandaan mo na lang pag uwi mo. Labyu ingat ka!" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Salamat talaga. Ikaw lang maasahan ko diyan sa Pinas eh. Hindi naman kasi sa UST pumapasok si Yves lalo na si Hux at Pierre. Sige na, babye na, labyu." He ended the call.

Agad ko namang nimessage si Elle kung nasaan siya. Sabi lang naman niya ay nasa bahay lang siya may project daw siyang tinatapos. Sinabihan ko siya na baka pumunta ako maya maya. Sumang-ayon naman siya kaya wala ng problema kahit anong oras ako pumunta.

To Jetplane:

Baby, baka pumunta ako kila Elle mamayang 3pm. Bibisitahin ko lang siya dahil nabanggit ni Alas na 'di sila okay.

Sinabihan ko si Jet para kung sakaling 'di ko siya mareplayan mamaya, alam niya ang ginagawa ko.

From Jetplane:

Basta mag iingat ka ah. Kapag ginabi doon ka na lang muna matulog, delikado kapag uuwi ka pa sa bahay  mo ng gabi.

To Jetplane:

Opo, at baka nga gabihin ako gawa syempre makikipagchikahan na rin ako.

From Jetplane:

Comfort mo na rin baby. I love you.

Agad naman akong napangitig sa reply niya. Miss na miss ko na siya, akala ko ngayong Christmas break madalas ko siyang makakasama dahil wala naman ng pasok pero may shoot pa rin sila.

Nagreply na ako sa kanya "I love you too. Kain ka mamaya ha," pinatong ko na sa side table 'yung cellphone ko ata naghanda na papunta kila Elle.

Naghalf bath ako at pinili ko ang black shirt at maong shorts ko. Pinuyod ko naman ang buhok ko sa bun. 'Yung Vans na slip on ko na checkered board ang pinili kong sapatos para mabilis tanggalin.

Bumaba na ako at nakita ko sila mama sa salas na nanonood ng tv. Magkatabi sila ni papa at nagsusubuan pa mg pop corn.

"Oh anak, saan lakad mo? Date?" Tanong naman agad ni mama.

"Mahal, wala naman si Jet dito. Sino idedate ng anak natin?"

"Oo nga naman mama. Pupunta lang po ako kila Elle. Tapos kung sakali pong gabihin ako baka doon na din ako matulog." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Osige, basta uuwi ka rin bukas ha." Sabi ni mama.

Humalik na ako sa pisngi nila at lumabas na ng pintuan. Naglakad ako ng konti palabas ng subdivision namin.

Dumaan muna ako ng mcdo para naman may makakain kami ni Elle kahit na alam kong may pagkain na sa kanila.

Umorder ako ng chicken nuggets, bff fries, at burger. Hindi na ako umorder ng drinks dahil mawawala rin naman ang lamig doon na lang sa kanila.

"Oh my gosh, Ate Amara?" Someone said.

Agad naman akong napalingon. Napatitig ako sa kanya at kinikilala kung sino nga ba siya. Pamilyar 'yung mukha niya eh, pero makikita mo ang pagbabago lalo siyang gumanda. Nakita ko na siya eh, sigurado ako. Sobrang laki lang talaga ng pagbabago ng features niya.

"Can't you recognize me?" She asked me.

"Wait, kilala kita pero di ko maalala kung sino. Nagkita na tayo diba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman 'no. C'mon, ate. Don't forget this beautiful face of mine." She said.

Conyo at palaging sinasabi ang beautiful face of mine. "Oh my god. Eli!!" I yelled.

"Finally! Yeah, it's me. One and only Eli." She smiled.

"I miss you so much my ate Amara!" She hugged me tight.

...

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now