02

52 4 0
                                    



"Ang kapal talaga ng mukha niya." Asar na sabi ko habang hinahalo ko ang halo halo.

"Hindi raw tayo magtatagal." Tatawa tawa naman 'tong si Axel.

Alam kong posibleng naniwala si Jet pero ramdam ko rin na nagdududa pa siya. Kailangan maging totoo sa paningin niya kami ni Axel.

Kung patuloy kami sa pagiging pormal ni Engineer, may posibilidad na hindi siya maniwala. Kahit na sabihing nasa trabaho, kung mapupuna niyang tinatawag namin ang isa't isa na Engineer at Architect. Hindi maniniwala si Jet.

"Axel." Tawag ko sa kanya habang abala siya sa pagkain ng halo halo.

Muntik na siyang mabulunan dahil ngayon ko lang naman ulit siya tinawag sa pangalan niya. He wiped his lips using a tissue and smirk. What is his problem? Bakit siya ngumingisi?

"So, first name basis na ulit tayo? Wala ng Engineer? Architect?" He asked.

"We need to drop the formalities for we can convince my ex that we are really together." I winked.

He helds his chest, acting like Cupid hit him using his arrow. He looks like an idiot though.

"Itutuloy pala talaga natin 'to?"

"Oo naman, hindi na pwedeng hindi ituloy. Guguluhin niya lang ako." Reklamo ko sa kanya.

"Chill. Tutulungan naman kita eh." He said and...winked.

"Gaya gaya, kumindat din." Asar ko sa kanya.

"Ano ikaw lang may mata? Ikaw lang may karapatang kumindat?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Okay, okay. Kalma. But I'm serious, Axel we really need to pretend. Okay?" I convinced him.

He scratched his head. He looks like he's flexing his damn biceps. Kung hindi ko siya kilala, aakalain kong nagpapansin siya.

"Ang kulit mo 'no." Pinitik niya na naman ang noo ko. "Kapag sinabi kong oo, oo. Wala nang atrasan 'yon." He smiled.

"Thank you talaga." I thanked him again.

"Naka ilang thank you ka na. Akala mo naman di tayo magkaibigan."

He's right, kanina pa ako nagthathank you sa kanya. Siya lang kasi talaga 'yung maaasahan ko dito eh.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay dumiretso na ako sa kwarto. Hindi na ako nag abalang magluto pa dahil madami naman akong nakain kanina.

I get my laptop and checked my emails if I have new projects to do. Ganito lagi ang ginagawa ko pagkatapos ng araw, before doing my skin care.

Nang matapos kong tingnan ang emails at makumusta sa secretary ko kung ano nang nangyayari sa office ko ay tiniklop ko na ang laptop ko.

Pumunta na ako ng bathroom to make a shower. After shower, I did my skin care routine. Wearing my pink head band, I put some moisturizer on my face.

I'm not yet sleepy. I get my phone and scrolls on my instagram. A notification pop up on my phone.

Axel calling...

[ Hello? ]

[ Tulog ka na? ] He asked.

[ Oo, tulog na. Hindi 'to si Amara. ] Biro ko sa kanya.

[ Funny ka na niyan? ] Asar niya sa akin.

[ Bakit ka napatawag? ] I asked.

[ To say good night. Good night, love. ] Natigilan ako sa sinabi niya. What? Love? Is he kidding me?

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now