12

9 0 0
                                    





"My gosh, ate. Bakit 'di mo ako narecognize?" She asked me, pouting her lips.

"Dahil sobrang laki talaga ng pinagbago mo. Ganyan ba kapag nasa Paris?" Pang aasar ko sa kanya.

"She's right, Eli. If we didn't see each other often, I won't even recognize you too." Cyrille commented.

This girl, Eli in her young age looks more mature. Well maybe she adapts that when she were in Paris. She's now taller, she got a perfect body shape, her hair is on color ash gray. Hindi lang siya basta maganda, she has the purest heart ever kahit sobrang kikay niya.

"Yeah, I know that I'm pretty. But what happened ba?" She asked.

Nagkatitigan kami ni Elle, hindi naming alam kung paano sisimulan sabihin sa kanya 'yung problema. Siguro siya nahihirapan sabihin dahil baka makuwento kay Silver, ako  naman ay nahihirapan ikuwento dahil alam ko kung anong plano ni Alas.

"What? Are we gonna stare at each other na lang?"

"Ano kasi, nagkaroon lang sila ng tampuhan..." Panimula ko.

"Tampuhan? Para ba sa kanya ay nagtatampo lang ako?" She asked me. "Kung sa tingin niya ay tampo lang ang nararamdaman ko sa kanya, pakisabi naman diyan Alas, na sobrang sama na ng loob ko sa kanya!" She said trying to stop her tears from falling.

"Eh, ate why are you tampo ba? Kuya Alas is trying to fix all the requirments he is needed, for he can go here for your graduation." Tuloy tuloy na aniya ni Eli, ni hindi man lang prumeno.

Pare-parehas kaming natitgilan matapos magsalita ni Eli, walang nagtangkang umimik. Binalot ng katahimikan ang kwarto ni Elle. Ako naman ay hindi alam ang gagawin, nakatingin kay Eli na humihingi ng sagot kung bakit niya sinabi ang dahilan ni Alas. Kung paano ako tumingin kay Eli ay mas doble ang pagkwestyon sa mga mata ni Elle sa aming dalawa.

"Uhh..." Naiilang na sabi ni Eli. "Are you galit ba?" She asked me.

"Teka..." Pigil ni Elle sa akin.

"You mean, uuwi si Alas? At alam niyong lahat?" Tanong niya sa aming dalawa ni Eli.

Tumango lang kaming dalawa bilang pagsagot. Nararamdaman ko na rin na kinakabahan si Eli. Napaupo na lang si Elle sa sahig at tinakpan ang mukha niya gamit ang kanyang mga palad. Nagtitigan muli kami ni Eli, nagsesenyasan kung sinong unang lalapit kay Elle. Habang abala kaming dalawa sa pagtuturuan kung sinong lalapit ay nakarinig na kami ng hikbi.

"Ate, she's crying na. What are we going to do?"

Lumakas Lalo ang hikbi ni Elle kaya naman nadagdagan ang tanong ni Eli kung paano namin patatahanin si Elle. Ako na ang unang lumapit.

"Sorry..." I whisphered. "Sabi kasi ni Alas hangga't maari huwag ko raw sabihin." Tumunghay naman siya at tumingin sa akin.

"Wala naman kayong kasalanan eh, ako 'yung may mali." Lumuluhang aniya.

"It is really my fault, dapat hindi ko sinabi. Hindi ako nakapagpigil." Eli said.

"Kasalanan ko 'to, eh..." Tuloy pa rin ang pag agos ng luha niya. "Ang laki ng kasalanan ko sa kanya."

"Anong kasalanan?" Tanong ko sa kaniya, bigla naming pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni Alas na may madalas makasama si Elle na si Tyler.

"Shit. Hindi ko alam ang ginawa ko no'n," Humagulhol na si Elle.

"Shhh... Tahan na, panigurado naming mapag uusapan niyo 'yan. Ipaliwanag mo na lang sa kanya kung ano man ang nangyari. Maiintindihan 'yun ni Alas."

Napayakap na lang sa amin si Elle habang umiiyak, hinayaan na lang muna namin siyang umiyak. Makalipas ng ilang minutong pag iyak niya sa balikat ko ay nakatulog na siya. Pinagtulungan namin ni Eli na madala sa kama si Elle.

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now