09

7 2 0
                                    




"Congratulations, baby!!" Jet greeted me with a tight hug.

I smiled at my family together with my boyfriend and his family. I completed junior highschool. I'll start a new milestone. The next thing is I'll finish senior high and then college. I'll achieve my dream job together with him.

"Sobrang proud kami sayo, anak." Sabay na sambit ni mama at papa. Agad ko silang niyakap.

"May senior high at college pa po." Ngiti ko sa kanila.

"Alam naman naming kayang kaya mo 'yon." Papa said.

We took some photos and congratulated my classmates. Nakita kong papunta si Alas sa direksiyon namin.

"Amara!!" Sigaw niya habang winawagayway ang kanyang diploma.

Napatikhim naman si Jet sa tabi ko. Lumapit si Alas sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ko habang yakap yakap ako.

"Congrats sa atin." Masaya niyang sabi na may halong lungkot sa dulo.

"Picture tayo?" Yaya niya sa akin.

Hinila niya ako at narinig ko agad ang pagclick ng camera. Nagmukha akong ewan sa picture. Hawak niya ang braso ko habang ako ay nakasimangot , siya naman ay may nakakalokong ngiti.

"Tita, sama sama na raw po tayong magcelebrate sabi nina mama." Alas said.

"Okay lang ba na kasama din sila?" Turo ni mama sa pamilya ni Jet.

"Oo naman tita, hindi na rin naman na iba si Jet sa amin. Tsaka despidida ko na rin po siguro 'to." Malungkot na aniya ni Alas.

"Tuloy ka pala talaga sa Barcelona? Paano kayo ni Elle?" Alalang tanong ni mama.

"Huwag po kayong mag alala, napag usapan na namin 'to." May ngiti sa labing aniya ni Alas.

"Mabuti naman kung ganoon. Halika na?" Yaya ni mama sa aming lahat.

We choose to celebrate our graduation in La Barrida. Buti na lang ay maaga kaming nakarating dahil kung hindi, paniguradong wala na kaming mauupuan.

Ang mga oldies na ang umorder at hinayaan na lang kaming tatlo dito sa table. 'Yung parents naman ni Jet ay may kukunin daw saglit kaya kasama rin namin ang bunso niyang kapatid. Sila mama at magulang ni Alas ang umoorder para sa amin. Hindi kasama ni Alas 'yung isa niyang kapatid dahil nasa ibang bansa ito ngayon, ung baby sister lang nila ang kasama ngayon.

"Kuya, dinilaan niya ako." Sumbong ni Paris kay Alas habang tinuturo si Francis na kapatid ni Jet.

"Bakit mo naman ginawa 'yun? Baka umiyak 'yung bata. Magsorry ka sa kanya." Pinagsabihan agad ni Jet si Francis.

"Paano ba naman kasi kuya tinanong niya 'yung pangalan ko tapos sinabi niya ibang pangalan." Nakasimangot na aniya.

"Anong pangalan ang sinabi niya?" Jet asked.

"Francisko." Walang ganang sambit ni Francis.

"Dinilaan mo na agad siya?" Tanong muli ni Jet.

Hindi agad sumagot si Francis. Nakatitig lang siya kay Paris na nagsusumbong kay Alas. Parang anytime magsasabong ang dalawa sa harapan naming tatlo. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa, umiirap pa si Paris habang si Francis ay nakataas lamang ang kilay.

"Dinilaan niya ako mga kuya kasi sabi niya hindi din naman daw maganda ang name ko parang ako daw."

"Eh hindi ka naman kasi talaga maganda." Diretsong sabi ni Francis.

Natigilan kaming tatlo sa sinabi ni Francis. Si Paris naman ay nagbabadya ng umiyak. Agad na sinabihan ni Jet ang kaniyang kapatid. Si Alas naman ay inaalo ang kanyang kapatid at paulit ulit na sinasabihang maganda siya.

"Francis ano ba? Di kita tinuruang manakit ng babae." Napangiti ako sa sinabi ni Jet.

"Eh kasi kuya cute siya sa paningin ko, anong magagawa ko?" Mahinang bulong ni Francis pero rinig ko pa rin.

"Magsosorry na lang ako sa kanya kuya, tas sasabihin ko na ang cute niya."

"Kuya, tingin mo pwede ko na siyang maging girlfriend?" Biglaang tanong ni Francis matapos sabihing magsosorry siya.

"Inaway away mo tas gusto mo maging girlfriend. Bata ka pa, oy. Magsorry ka na." Jet tapped his head.

Tumayo naman agad si Francis. Lumakad siya papunta kay Paris, pipigilan pa sana siya ni Alas na lumapit sa kapatid pero may binulong si Francis sa kanya at agad naman napatawa si Alas tsaka ginulo ang buhok nito.

Lumuhod si Francis para matapatan niya ang mukha ni Paris na kagagaling lang sa pag iyak. Francis held Paris' cheeks and kissed her forehead.

"I'm sorry na. 'Wag ka ng umiyak, cute ka pa naman." Francis apologized.

Paris' cheeks blushed, kahit na mapula pa ito dahil sa pag iyak lalo itong namula ng sinabihan siyang cute ni Francis.

"Di mo na ako aawayin ah." Paris cheerfully said.

"Hindi na, hindi na kita aawayin baby." Francis softly said while caressing Paris' cheeks.

Hindi naman na nagtanong ang mga oldies nang makitang mapula ang mukha ni Paris. Umupo silang dalawa sa tabi ng kanilang kuya na parang walang nangyari. Pero di maiiwasan ang pag ngiti ngiti ni Francis at ang pamumula ng pisngi ni Paris.

"Alas, mag iingat ka sa Barcelona ah." Sabi ni mama sa kanya.

"Oo naman tita. Kayang kaya ko 'yon." He said.

We talked about funny moments of our junior highschool life. Nagkasundo din naman agad si Jet at Alas pati na rin ang mga magulang namin. Si Paris at Francis ayon nagkukulitan na matapos mag away dahil sa pangalan.

"Bye po, ingat po kayo." Paalam ko sa kanilang lahat.

"Wait!" Sigaw ni Alas.

"Mamimiss kita, tawagan mo lang ako kapag sinaktan ka nitong si Jet ah." He hugged me tightly.

"Kahit na magkaibigan na kami nan, kapag sinaktan ka niyan mawawala lahat ng 'yon."

"Alas." I said crying.

"Oh huwag kang umiyak. Mag uusap pa rin tayo." He comforts me.

"Mamimiss kita, sobra. See you soon, Architect." I said and hugged him.

My bestfriend and I, bid our good byes that night. Jet was there to comfort me. He understands that I'll be missing my bestfriend. Alam niyang si Alas lang ang kaibigan ko sa school na talagang may tiwala ako.

Nasa Twin Cup kami ngayon ni Jet. In a few days, gragraduate na din siya. Nalulungkot ako dahil magkakalayo na kami. Mas lalawal ang mundo niya at posibleng magkagusto siya sa iba. Huwag naman sana, hindi ko kakayanin.

"Saan ka magcocollege, baby?" I asked him.

"LPU Batangas. May Marine Engineering doon eh, malapit pa dito." He anwered.

"Iniisip ko na kasi kung saan ako magsesenior high." Hinawakan naman niya agad ang kamay ko.

"Diba sabi mo, dream school mo UST? Pursue mo 'yon baby." He said.

"Kaya ko kaya? Masyadong malayo ang Manila."

"Ikaw pa ba? Kayang kaya mo 'yon." He cheered me up.

"Ldr muna tayo." I said.

Malaki naman ang tiwala ko sa kanya, pero di talaga mawala sa isip ko 'yung nga pwedeng mangyari. Pero hindi ko dapat hinahayaang isipin na 'yung mga bagay na 'yun, dahil lalabas din na wala akong tiwala sa kanya.

Mahal na mahal ko siya at alam kong ganoon din siya sa akin. Mahal ko siya dahil may tiwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya na di niya magagawa ang mga ganoong bagay kahit na magkalayo kami. Mamahalin namin ang isa't isa magkalapit man o magkalayo.

He sighed. Tumitig siya sa akin habang hinahaplos ang mga kamay ko.

"Our love has no distance, baby." He smiled, giving me an assurance I needed.

;)

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now