1

4 1 0
                                    

Hi hello hi mabuhay! Siguro nagtataka kayo kung bakit ganyan agad ang pambungad ko HAHA by the way My name is Zeina Amethyst Quitala or you can call me Zei! 19 yrs old, 5'2 at sexy charot! Nakatira ako sa Batangas at I'm single!

Simple lang naman ang buhay ko. Nakatira ako sa simpleng bahay dito sa Batangas, hindi mayaman, hindi kagandahan pero may mabuting kalooban ese choss! HAHAHA

At nagulo lang ang simpleng buhay  ko nung dumating ang isang lalaki na hindi ko inaasahang mamahalin ko ng sobra sobra na higit pa sa buhay ko.

-------------------------------------------

(FIRST DAY OF SCHOOL)
(Zei's POV)
Hayyyyy, nakakabwiset na buhay naman to oh! First day of school tapos late ako! Tanginamers naman oh! Naglalakad ako sa pasilyo ng pinapasukan kong paaralan at lakad takbo na nga ang ginagawa ko dahil 5 minutes na akong late no! Lagot ako sa prof neto balita ko terror pa naman daw hayssss.

Nang malapit na ako sa pinto huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang siradura ng pinto at di nga ako nagkakamali andun na ang prof namin at may dinidisccuss siya tungkol sa  mga ayaw at gusto nya dahil nga 1st day of school alam nyo na. At sakto namang sinasabi na nya ang mga ayaw nya at kakasabi palang nya na ayaw nya sa mga late at biglang pasok ko naman at ayan tuloy napag initan tuloy ako ng wala sa oras. Tinanong pa ako kung bakit daw ako late ganto ganyan blah blah blah at syempre ang sagot ko traffic po sir!

Dahil nga late na ako naghahanap ako ng mauupuan at dahil halos lahat ng upuan ay occupied na, swerte dahil may nakita pa akong dalawang bakanteng upuan sa may likuran nitong room namin kaya dali dali akong umupo roon at inayos ang mga gamit ko. At hindi pa lumilipas ang sampung minuto may pumasok nanaman sa pinto na hingal na hingal malamang dahil tumakbo at late din siya (natuwa ako sa loob loob ko dahil hindi lang ako ang late hehe!) at syempre sinermonan din sya ng prof namen at ngayon naghahanap sya ng mauuupuan at naalala kong itong katabi ko na nga lang palang upuan ang bakante kaya syempre dun sya uupo at tumikhim naman ang prof namen

Prof: Ayan parehas kayong late! Bagay nga talaga kayong magkatabi diyan! So class let's start sa lesson natin ngayon.

Hayyyy! Ano ba naman yan first day of school lesson na agad! My gosh! Sana pala umabsent nalang muna ako hmp.

-------------------------------------------

Lunchtime na at ngayon bumibili ako ng pagkain dito sa canteen spaghetti, burger, at coke lang ang binili ko. Naghahanap ako ngayon ng mauupuan dito sa canteen grabe teh! Sobrang daming tao wala tuloy maupuan hays ayoko naman kumain sa room no! Nakakahiya dahil andun yung mga bitchessa na mga mukhang chismosa sa barangay nila! Char.

So ayun naghahanap pa din ako ng table hanggang sa nakita ko yung kapwa kong late kanina na mag isa lang sa isang table kaya di na ako nag atubili pa at pumunta sa table nya. At mukhang di nya ako napapansin dahil tuloy tuloy lang siyang kumakain sa table nya kaya umubo ako *ehem* at tumingin naman sya sakin kaya dahil bilang walanghiya naman ako at inborn na makapal ang mukha umupo na agad ako sa tapat nya at tinaasan naman niya ako ng kilay *ay taray teh*
Sabi ko nalang wala kasi akong maupuan atsaka seatmate naman tayo sa room kaya no big deal at parang hangin naman ang kausap ko dahil ni ha ni ho wala akong narinig sakanya na parang wala syang paki sakin char.

So ayun natapos na akong kumain at nagthankyou sa kanya nang biglang naalala ko di ko pa nga pala alam ang pangalan niya kaya tinanong ko sya

: Uy ano nga pala pangalan mo? Di na kita nadaldal kanina eh kasi naman walang preno mga prof naten eh.

: *tiningnan lang ako na parang nag iisip sya kung sasabihin ba nya ang pangalan nya saken, like hello? Di naman ako holdaper or what* at maya maya rin ay umimik sya. I'm Zilo. wika nya at umalis na.

Grabe napaka sungit naman non!

(KINABUKASAN)
Hiiiii goodmorning sunshine! Maaga ako ngayong nagising at naghanda na para sa pagpasok sa school. Mag isa lang ako dito sa apartment na tinutuluyan ko at ang pamilya ko naman ay nasa probinsya namin sa quezon at kung itatanong nyo kung bakit ako nandito sa batangas ay dahil wala lang trip ko lang char. Kaya ako nandito sa Batangas ay dahil taga dito yung lola ko at dahil matanda na siya ako ang paminsan minsang nagbabantay sa kanya at kahalili ko naman ang tita ko. Kaya naman ako andito sa apartment ay dahil mas malapit ito sa school kumpara sa bahay nina lola dito sa batangas kaya dito ko nalang napagpasyahan na tumira pero syempre madalas din ako kina lola dahil binibisita ko din naman sila ni tita no!

So ayun sumakay na ako ng jeep sa kanto. Mabilis lang naman ang byahe dahil maaga pa at walang hassle na nakarating ako sa room grabe sobrang aga pa at grabe guys wala pang tao sa room namin kaya umupo na ako agad doon at nagsalpak ng earphones sa tenga ko at nagplay ng music sa phone ko at umub-ob ako sa table. Grabe proud na proud ako sa sarili ko dahil sobrang aga ko. Pasenti senti lang ako ng naramdaman kong may parang may tao na sa room at nagulat ako ng may katabi na ako wow! Ang aga din ni Zilo! At kami palang ang dalawang tao sa room, parang kahapon lang kaming dalawa yung late tas ngayon kaming dalawa ang pinaka maaga.

:Uy Zilo!

: *glare*

Hays ang sungit talaga nito! Nakita ko siyang nagpapatugtog din sa phone niya at wtf coincidence ba to? Parehas pa kami ng pinapatugtog! (Kathang Isip by: Ben&Ben) mygosh feeling ko magkakasundo kami pero nevermind dahil parang galit sya sa mundo at ayaw kumausap ng tao.

: Uy Zilo! Parehas tayo ng tugtog oh *pinakita ko sakanya yung phone ko na kathang isip din yung music*

: So? Chismosa tsk.

: *hay ang sungit talaga nito* Huh? Pano naman ako naging chismosa non?

: tsk.

: Sungit! *at yun inirapan nya lang ako, taray talaga teh*

-------------------------------------------

Break time namin ngayon at naggagala gala muna ako dito sa campus at guys by the way 1st year college na ako dito sa University at Engineering ang kinuha kong course dahil ito ang gusto ng nanay ko dahil ito rin ang trabaho ng tatay ko. Pero di ko naman talaga gusto hays. Sa totoo lang mahilig ako sa mga picture picture ganon, mahilig ako sa photography. At habang naggagala ako may nakita akong halaman at pinicturan ito mahilig talaga ako magpicture picture lalo na ng paligid katulad ng mga halaman, puno, sunset yung mga ganon, mga ibon. Ng biglang may kumausap sakin Babae siya maputi maikli ang buhok at maganda nag-hi sya sakin at symempre nag hello ako di naman ako snobber no! Hehe

:Hi (siya yan)

: Hello *at ngiting tagumpay naman ako, syempre first impression lasts no! Kaya kailangan mabait ka! Choss! Haha*

: I'm Gabriella, *at nilahad ang kamay nya sakin* Gabriella Montecillo *ngumiti sya, grabe sobrang ganda nya!*

: I'm Zeina *at tinanggap ang kamay nya at nakipag shake hands* Zeina Amethyst Quitala

: Oh! Such a cute name! I like it, so what will I call you then? Zeina or Amethyst?

: Hmm I prefer Zei. Uhm how bout you? What will I call you? Gab? Ella? Or Gabriella?

: Oh Gabriella is too long, Gab nalang.

: Uhm Okay ^_^

(Zey po yung pronunciation ng Zei)

Still Into YouWhere stories live. Discover now