EPILOGUE

0 0 0
                                    

( Zeina's POV)
Lumipas ang apat na taon mula nung nagpropose sakin si Zilo at nandito na ako ngayon sa simbahan
Tumugtog na ang Araw-araw by: Ben&Ben gamit ang piano. Palapit ako ng palapit sa may altar at pagdating doon nakita ko na ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko at ang lalaking mahal na mahal ko hanggang ngayon. Sinimulan na ng pari ang mga seremonyas.

"Husband and wife, you may now kiss the bride"

Nagpalakpakan ang mga tao, at nagsimula nang pumatak ang luha ko habang kinukunan sila ng litrato. Mukhang sobrang saya nila oo NILA.

Oo naglakad ako papalapit sa altar hindi para ikasal kundi para kumuha ng litrato, kitang kita ko na masaya silang dalawa.

Oo ako ang naging photographer ng kasal NILA oo NILA.

Ito yung pinangarap kong kasal. Yung simbahan, yung kanta, yung theme at syempre yung lalaking dapat ay para sa akin. Si Zilo.

Sa bawat kuha ko ng litrato tumutulo ang luha ko. Sobrang sakit na yung taong nangako at pinapangarap mo ay kinasal sa ibang tao. At ang masakit pa sa kaibigan ko.

Mapait na napatingin ako sa reception na may nakalagay na " Montecillo and Montereal Nuptial"

Naglakad na ako papaalis don dahil parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit.

(FLASHBACK)

Nag-away kami ni Zilo at umalis sya. Hindi ko alam kung san sya pumunta.

Nag-aalala na ako dahil mag aala una na ng madaling araw at hindi pa sya nauwi nang biglang syang tumawag at nang sinagot ko ito boses ito ng babae at hindi basta babae dahil boses ito ni Gab! Agad ko naman tinrack ang cellphone at nakita na nasa motel ito. Agad kong binaba ang tawag at naggagalaiti akong pumunta roon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko umiiya ako habang nagdadrive. Pagdating ko doon agad kong tinanong sa information kung nasan sila at nagpakilala akong asawa ni Zilo kahit hindi pa naman kami kasal at agad din naman nila akong sinamahan at may kasamang dalawang security dahil baka daw magpambuno kami nung babae kaya nagpanting ang tenga ko nang marinig na may kasama ngang babae dun si Zilo. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakitang nakayakap si Gab kay Zilo habang tulog si Zilo. Nagulat si Gab at agad tumayo nagising naman si Zilo at tumingin agad sakin at kay Gab mukhang gulat na gulat si Zilo at parang walang alam sa nangyayari.

: Bakit nyo to nagawa sakin? *mahinahon kong tanong habang umiiyak*

:Look Zei! I'm sorry please let me explain

Tumakbo na ako papaalis. Gusto kong magwala gusto kong manakit. Pero parang nanghina ako. Di ko alam kung anong gagawin ko. Andito ako ngayon sa loob ng kotse at sumabay pa talaga ang panahon ha? Sobrang lakas ng ulan nakita kong tumakbo si Zilo at pumunta dito sa kotse ko na agad ko namang nilock kinakatok nya ang bintana pero pinaandar ko na agad ang kotse ko pumunta agad ako sa condo nya para kunin ang mga gamit. Mas lalo akong naiyak nang makita ko ang condo nya dahil naalala ko lahat ng mga alaala namin roon. Pumunta na agad ako sa kwarto at nilock ang pinto dahan dahan akong napaupo at umiyak. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila para ganituhin ako tangina! Sobrang sakit. At mismong bestfriend ko pa! Naramdaman kong may tumatawag sa phone ko akala ko si Zilo pero si Mommy kaya agad ko itong sinagot

: Hello, anak? Andito si Zilo hinahanap ka, may nangyari ba?

: Mommy? *sagot ko habang umiiyak at humihikbi pa* ayoko na ang sakit sakit *sabi ko sa kabilang linya*

Agad ko din namang pinatay. Inilagay ko na lahat ng gamit ko sa maleta at iniwan ang mga gamit na nagpapaalala kay Zilo saken tulad ng picture namin na nasa frame nung pumunta kami sa tagaytay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Into YouWhere stories live. Discover now