6

0 0 0
                                    

(Zilo's POV)

Bored na bored nanaman ako ngayon at gusto kong puntahan si Zeina kaya naman tinawagan ko sya. Aba at ang gaga gulat na gulat at san ko daw nakuha ang number nya. Hay nakoooo ulyanin talaga. Napansin ko lang parang paos siya. Baka naman may sakit sya? Puntahan ko kaya sya sa bahay nila? For sure wala naman yun sa apartment nya dahil weekend ngayon baka nasa bahay sya ng lola nya. Naghahanda na sana ako pumunta sa bahay ng lola nya nang sabihin nyang nasa quezon daw sya. Medyo nanlumo ako anlayo naman nun hays tapos bigla kong narinig sa kabilang linya na uminom na daw sya ng gamot para bumaba ang lagnat nya. So confirmed! Nilalagnat nga sya, kaso nasa quezon sya. Haynakoooo. Naghanda ako ng dalawang pares ng damit at biniro sya na pupunta ako. Pero pupunta talaga ako HAHAHAHAHA walang makakapigil sakin. Sabi nya tutulog na daw sya at lalo lang nasakit ang ulo nya dahil sakin. Agad ko siyang inistalk dahil hindi ko naman alam kung saan sila nakatira sa quezon. At pag sinuswerte ka nga naman meron silang picture ng family niya at nakalagay ang location. Sariaya, Quezon. Otw.

Sobrang smooth lang ang byahe hindi naman hassle kasi walang traffic. Pagdating ko sa Sariaya hindi ko mismo alam kung saan yung bahay nila kaa tiningnan ko ang background nung picture nila at nakita na sa simbahan iyon at may katabing convenient store kaya pumunta ako dun para magtanong.

:Ahm ale? Kilala nyo po ba ang babaeng ito? *at ipinakita ang picture ni zei

: Ah oo iho, anak yan ni Engineer Quitala ah.

: San po yung bahay nila?

: Teka bakit mo hinahanap si Zei?

: Ah kaibigan nya po ako, gusto ko lang po sanang bisitahin sya.

: Ah sige utoy samahan na kita, malapit lang naman yan dito. At pinasakay ko yung ale sa kotse ko. *swerte mo ale ikaw palang ang pangalawang nakakasakay sa kotse ko*

Habang tinuturo nya yung daan di ko maiwasang hindi mamangha dahil sa mga bahay rito mga sinauna ang iba at ang iba naman ay moderno na ang disenyo. Tumigil kami sa malaking bahay na pinaghalong sinauna at modernong disenyo dahil ang mga bintana nito ay pang sinauna at ang iba pang gamit na kita sa labas pero ang pagkakagawa ay parang pang moderno. Kulay puti, kayumanggi, at itim ang theme ng bahay nila. Kumpara sa bahay namin mas maganda ang ambiance dito. Nagpasalamat ako sa ale at inalok na ihatid uli sya sa convenient store kanina dahil alam ko na naman ang daan papunta rito at tumanggi naman sya at sinabi nyang magtatricycle nalang daw sya.

Nagdoorbell ako. Walangyang babae yun sabi sakin di daw sila mayaman. Siraulo talaga tsk. Pano ba naman kase maliit lang yung apartment nya at simple lang ang bahay ng lola nya pero alam ko naman na mayaman sila dahil kita ko sa mga gamit nya, jusko gamit pa lang sa school! Tulad ng laptop, bag at iba pa. Agad namang lumabas ang magandang babae na medyo hawig ni Zei ito ata ang mommy nya agad naman akong bumati at hinanap si Zei. Agad naman akong pinapasok ng mommy nya sa loob at tinatanong kung kaano ano ako ni Zei, syempre sinabi ko kaibigan ko lang si Zei. Ano ba naman tong pamilyang to lagi nalang akong napagkakamalan na boyfriend ni Zei hay nako *pero pwede naman hehe* natawa ako sa mga naiiisip ko. Nakaupo ako ngayon sa sala nila Zei nang lumabas ang daddy ni Zei agad naman akong nakita at nakipagkamay ako.

: Iho bakit ka nga pala naparito?

:Bibisitahin ko po sana si Zei

:Ah nako nilalagnat sya, andun sa kwarto. Tamang tama aalis kami ng mommy nya pwede bang ikaw muna magbantay kay Zei?

: Oo naman po, No problem

Umalis na ang mga magulang ni Zei at nagbilin sakin tulad ng gamot at pagkain ni Zei baka raw kasi gabihin sila. Pumasok ako sa kwarto ni Zei purple at sky blue ang theme. Babaeng babae. Nakita kong tulog sya at ang lakas ng aircon sa kwarto niya kita kong medyo nanginginig sya. Kaya pinahinaan ko ang aircon nya at ininit ang soup na nasa kusina. Takte di ako marunong magluto kaya nung nakita kong kumukulo na pinatay ko na at nagsalin sa mangkok. Pumunta na ako sa kwarto ni Zei tulog na tulog pa din sya. At parang nananaginip. Tinatawag nya ang pangalan ko.
May kakaiba naman akong naramdaman parang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong aminin sa sarili ko dahil alam kong masisira ang friendship namin. Pero I think I'm inlove with her.

Nagising sya nung tinanggal ko ang cool fever sa noo nya at pinaltan ito ng bago nakita kong medyo nagulat sya pero halatang nanghihina sya at matamlay ang kanyang mga mata. Tinapik ko sya at sinabing kumain ng soup dahil iinom pa sya ng gamot. Sinabi ko din sa kanya na umalis ang mommy at daddy nya pero mamaya ay babalik rin

:Kung panaginip to sana di nalang ako magising *sabi nya at tumawa ng mahina*

Nagtaka naman ako kung bakit?

: Huh? Bakit naman?

: Kasi nandito ka at inaalagaan ako. Kaya kung panaginip to sana di nalang ako magising

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sana nga panaginip nalang to. Dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Pinakain ko sya ng soup at pinainom ng gamot. Nanuod naman kami ng tv magkatabi kami at nakasandal ang ulo nya sa balikat ko. I don't know pero sobrang sarap sa pakiramdam na nakadantay sya sakin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.


Dumating na ang mga magulang ni Zei at mukhang naggrocery. Pagpasok nila sa kwarto ni Zei nakita nila na nanunuod kami ng movie. Nagtanong naman ang daddy ni Zei

: Uh iho gabi na, delikado na umuwi at sa batangas ka pa pala uuwi. Dito ka nalang kaya matulog?

Medyo nahihiya ako kasi syempre lalaki ako tapos dito pa ako makikitulog sa kanila. Pero meron din naman sa parte kong gustong matulog dito para makasama si Zei. Lumipas ang oras at dinalhan kami ng mommy nya ng pagkain dito sa kwarto ni Zei. Sinigang ang niluto ng mommy ni Zei para makainom si Zei ng mainit na sabaw habang kumakain kami kinausap ako ni Zei.

: Baka di ako makakapasok sa lunes.

Medyo nalungkot ako dahil wala akong kasama sa school. Lagi naman kasi kami ang magkasama ni Zei sa school, sa galaan, kainan lahat na.

: Oo nga eh, may lagnat ka pa kasi, Eh kung umabsent din kaya ako?

: luh, gago ka ba? Wag ka umabsent dahil ikaw ang magtuturo ng mga ituturo ng prof natin habang absent ako. *ani naman niya*

: Eh, wala akong kasama sa school. Wala ka dun eh.

: Bakit mamamatay ka ba kung wala ako sa tabi mo ha?

: Malay mo. *tumawa naman ako ng malakas, simpleng banat hahaha*

: Hay nako wag kang ganyan. Pafall hmp.

Natauhan naman ako at tumahimik na nga lang. naisip ko pano nga kaya kung mafall sya sakin? Hindi naman sa ayaw ko sakanya. Hello? Mukhang may gusto na nga din ako sakanya no. Sakanya ko lang kaya ginagawa ang mga ganitong effort. Di ko lamg lubos maisip na nasa isang relasyon kami at may posibilidad na masaktan ko sya. Ayoko non. Ayoko sya masaktan.

: Zilo? Pano kung malaman mo na may gusto ako sayo?

Napaubo naman ako at kinabahan sa tanong nya.

: Ah eh

: Nevermind. Kalimutan mo nalang *sabi niya*

Pano ko yun makakalimutan ha?! Wtf. Sya lang talaga ang nakakagawa ng ganitong feeling sakin!

Ipinaghanda ako ng matutulugan ng mommy ni Zei dito ako sa baba naglagay naman ng foam unan at kumot ang mommy ni Zei. Nanunuod pa din kami ng movie at medyo inaantok na ako. Uminom na naman kanina si Zei kaya natulog na ako. Nagising ako ng ala una dahil inalarm ko ito dahil iinom na ng gamot si Zei. Pagbangon ko wala si Zei sa kama at nandun sya sa terrace ng kwarto nya nakaupo sya don at nagkakape. Pinuntahan ko sya at umupo din don. Merong nakapatong na soda dun sa table kaya kinuha ko ito at ininom. Nagpatugtog naman si Zei Pagtingin by Ben&Ben. Napatingin ako sakanya. Ewan ko pero tugmang tugma yung kanta sa sitwasyon namin ni Zei.

Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago ang pagtingin.

Di ko alam kung san tutungo itong pagkakaibigan namin pero isa lang ang sigurado ko. Nahulog na nga ako sa babaeng to.

Still Into YouWhere stories live. Discover now