(Zilo's POV)
Haynakoooo sabado ngayon at sobrang boring medyo namiss ko din si Zei. You know lagi kaming magkasama atsaka sya ang pinaka una kong naging kaibigan na babae. Grabe namiss ko kaingayan nya nakakapanibago kase walang nanggugulo saken, bisitahin ko kaya sya sa bahay ng lola nya? Ala baka akalain laang na girlfriend ko sya issue naman no. Hays. Makaidlip na nga lang muna.Kakagising ko lang at syempre bored na bored pa din nagcellphone nalang ako at binuksan ang mga social media accounts ko. Pinaka huli kong binuksan ay facebook at may nakitang chat ni Zei doon. Agad ko itong binuksan at nakita ang chat nya
Zei: Uy Zilo?
Me: Ey.
Zei: Grabe pati sa chat cold na den? Akala ko ba close na tayo ha?
Natawa naman ako sa sinabi nya haha.
Me: Sorry. Bakit ka nga pala nagchat?
Zei: Wala bored lang. Haha
Me: Ay, ayon saka lang ako naaalala pag bored
Zei: di naman HAHAHAHAHA
Me: wru?
Zei: Dito kina lola. Ano ka ba? Diba hinatid mo pa ako kahapon?
Me: Ay oo nga pala. Can I Visit? Bored din ako dito eh busy din naman si daddy dahil nasa site.
Zei: Sure, ingat.
Yeah alam nya na parehas engineer ang daddy namin kaya naiintindihan nya raw ako dahil lagi din wala ang daddy nya dahil lagi rin nasa site.
So ayun dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng snacks, syempre dinamihan ko para na din sa tita at lola ni Zei.
Malapit lang naman ang byahe kaya nakarating agad ako roon at andun si Zei sa may gate at inaya ako pumasok. Nagmano ako sa lola ni Zei.
: Oh iho andiyan ka pala bat ka nga pala naparito? Nanliligaw ka ba sa apo ko? Wika ng lola ni zei
Tumawa naman ako at umiling
:Bumisita lang po ako, wala din po kasi akong kasama sa condo atsaka nagdala nga po pala ako ng meryenda.
Lumabas naman ang tita ni Zei sa kwarto nya at binati ako tinanong rin kung kumain na daw ba ako. At nagpaalam kay Zei na aalis muna saglit at si Zei na lang muna daw ang magbantay sa lola nito.
Ngayon ay nanunuod kami sa Sala kasama ang lola ni Zei ng biglang umimik ito
: iho sigurado ka bang hindi mo nililigawan ang apo ko?
:nako hindi po lola, diba nasabi ko na po sainyo matagal na *wika ni Zei*
: magkaibigan lang po kami ni Zei *ngumiti ako sa lola niya*
Malapit nang gumabi nung umuwi ako. Niyayaya pa nga ako ng tita at lola ni Zei na dun na maghapunan pero nahihiya naman ako atsaka tumawag sakin si daddy at pinapapunta ako sa bahay.
Nang makarating ako sa bahay ay agad naman akong nagmano kay daddy at may nakahanda namang hapunan roon at habang kumakain kami ay kinukumusta niya ako at ang performance ko sa school mataas din kasi ang expectation ni daddt sakin dahil engineering din ang course ko. Di naman ako natagal sa bahay dahil paalis din daw si daddy dahil may pupuntahang meeting kaya umuwi na ako sa condo.
Nagshower lang ako tapos natulog na.(Zei's POV)
Linggo na ngayon at andito pa din ako kina lola. Baka mamaya nalang hapon ako uuwi sa apartment ko. Nagfacebook nalang muna ako dahil sobrang bored. Di naman online si Zilo kaya wala akong maasar. Nagulat ako dahil nagfriend request sakin si Gab yung babaeng nakilala ko sa garden
Agad ko din naman itong inaccept. At chinat nya agad ako