2

1 0 0
                                    

(Zilo's POV)
Hay nako first day of school kahapon tas late ako?! Nakakainis naman kasi ang traffic eh! Pero yaan na nga lang sobrang aga ko naman ngayon. Uy andyan pala kayo, by the way my name is Zilo Blaster Montereal, 5'4, taga dito sa Lipa Batangas, gwapo, masungit (sabi nila) eh kasi naman nakakatamad umimik ng umimik no tas wala namang kwenta hays.

2nd day na dito sa school at medyo good mood ako nung pumasok kasi sobrang aga palang pero nakita ko yung babaeng nakakainis at nakakairita sya yung kahapon na late din daw sabi ni prof at sya rin yung babaeng umupo sa table ko sa canteen, di ko alam kung bakit naiinis ako sakanya basta kase ang ingay tapos napaka feeling close!
At yun umupo na ako sa upuan ko at nagsalpak ng earphones at pinatugtog ang playlist ko. I love Ben&Ben ewan ko kasi sobrang ganda ng mga kanta nila atsaka kahit di ka relate makakarelate ka sa mga kanta nila at ngayon kathang isip ang pinapatugtog ko nang biglang tumunghay yung babaeng maingay at tinawag ako

: Uy Zilo

: *tiningnan ko lang sya dahil ayoko nga ng maingay at nakakatamad magsalita* (at naramdaman kong tiningnan nya yung phone ko tskk napaka chismosa)

:Uy Zilo! Parehas tayo ng tugtog oh *pinakita nya sakin yung phone nya na kathang isip din yung music*

: *medyo nabibwisit na ako sakanya dahil napaka daldal nya* So? Chismosa tsk

:Sungit!

At hindi ko nalang sya pinansin at nagchill nalang dito. Mas gugustuhin ko pang matulog kesa makipagdaldalan sakanya

____________________________

Break time na at naglalakad lakad ako dito sa campus nang makita ko yung babaeng maingay Zeina nga ba pangalan nun? Ewan di ko na tanda pero nag pakilala sya sakin sa canteen noon. Ewan at wala din naman akong pakialam. Nakita kong pinipicturan nya yung halaman? Tsk so weird. At umalis na ako roon at baka makita nya ako ay daldalin nya nanaman ako

Habang nagkaklase di ko maiwasang mapatingin dito sa katabi ko dahil nagtuturo yung prof namin ay nagcecellphone lang sya at nag eedit ng kung ano ano eh sakto namang nagtatawag yung prof namin. Napatingin yung prof namin sa gawi ko at akala ko ako ang tatawagin nya pero mali ako.

: Miss Quitala can you answer my question please? Stand up!

Nagulantang naman sya at biglang napatayo at tinanong ulit sa prof namen kung ano yung tanong

:Seriously Miss Quitala? Nakatatlong ulit na ako ng tanong. Hindi ka ba nakikinig?

: Sorry Sir.

: Okay, It's time already. See you tomorrow.

At nakahinga naman ng maluwag itong babaeng madaldal at nakita kong tumingin sya sakin at tiningnan ko din sya

: Sa susunod makinig ka habang nagkaklase, hindi yung cellphone ka ng cellphone tskk.

(Zei's POV)

Nakakahiya tuloy, ito kasing si Sir kitang nag eedit  ako tas ako ang tatawagin respeto naman! Char
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nagtime na. Niceeee! Thankyou Lord at sinave mo ako!
Napatingin ako kay Zilo at tumingin din sya sakin

: Sa susunod makinig ka habang nagkaklase, hindi yung cellphone ka ng cellphone tskk.

: Wow nagsasalita ka pala? Thanks sa paalala ha! At inirapan ko sya

: tsk *at inirapan din nya ako at umalis na sya

: *Hay nako bakit ba napakasungit nya?! *


____________________________

( Gabriella's POV)
2ND DAY of school at may nakilala ako dito sa may garden ng school babae sya and she looks nice and she's very pretty though. Ang alam ko ay engineering student sya dahil katabi lang ng building namin ang building nila Educ ang kinuha kong course dahil this is my dream. By the way guys I'm Gabriella Montecillo, 19 yrs old, 5'3 and I live here in Batangas.

Nilapitan ko yung girl at nag-Hi ako sakanya at ang cute ng name nya ha! Zeina Amethyst! Hmm I like her I think she's super kind! Kaso nga lang nagpaalam na sya agad dahil may klase pa daw sya hays I will talk to her nalang when I see her again.

____________________________

( Zei's POV)
Last subject na namin ngayon at inaantok na ako. Parang gusto ko nalang pabilisin ang oras at uwing uwi na ako gusto ko nang matulog ewan ko pero antok na antok na talaga ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil may tumatapik sa balikat ko at si Zilo yon!

: Hey, Uwian na.

:OMG NAKATULOG AKO?!

:Isn't it obvious? *at tinaasan nya ako ng kilay*

Nagmamadali akong nagligpit ng gamit at umalis.
Sumakay na kaagad ako ng jeep at umuwi sa apartment. Pagdating ko sa apartment di ko alam ang mararamdaman ko dahil nakakahiyaaaaa! Nakatulog ako sa klase at malamang kung hindi ako ginising ni zilo ay baka ala sais na ay nandun pa din ako hays! Antanga tanga mo talaga Zeina!

____________________________

( Zilo's POV)
Last subject na namin at kita kong antok na antok si Zeina kita kong paub-ob na sya at di ko mapigilang hindi matawa. Hays sleepyhead HAHA! At uwian na aba di pa din nagising ang babaeng to kami nalang dalawa ang nandito sa room naawa naman ako sakanya kaya tinapik ko ang balikat nya para magising sya aba talagang ayaw magising medyo nilakasan ko yung pagtapik at yun nagising na nga sya.

:Hey uwian na wika ko

At nagulantang naman sya at napatili. Tsk di ako makapaniwala. Ang sakit sa teng ng sigaw ng babaeng to

:OMG! NAKATULOG AKO?!

Hindi ba nya halata? Nakakairita naman tong babaeng to

:Isn't it obvious?

At nag ayos na sya ng gamit at tuloy tuloy na umalis. Wow! Di man lang nagthankyou ha!

Still Into YouWhere stories live. Discover now