7

0 0 0
                                    

(Zeina's POV)
Andito pa din kami ni Zilo sa Quezon. Linggo na ngayon at pinapauwi ko na sya dahil di pa ako makakauwi dahil nilalagnat pa ako. At ito namang kulaog na to ayaw umuwi at sasabay na daw sya sakin. Aba baka parehas pa kaming bumagsak no! Magkaklase pa man din kami atsaka issue. Sasabihin bakit parehas kaming absent. Pagkakain namin ng tanghalian ay pinainom na nya ako ng gamot at naggayak. Wala sina mommy dahil may trabaho raw sila. Umalis na si Zilo at ako naman inisip ko ang mga nangyayari sakin these past few days. Ngayon alam ko na sa sarili ko na may gusto ako kay Zilo. Pero natatakot ako dahil alam kong hindi naman nya ako magugustuhan atsaka nakasalalay rin dito ang friendship namin. Iniisip ko palang na mawawala yung friendship namin ay naiiyak na ako.

Kahapon tinanong ko sya

:Zilo? Pano kung malaman mo na may gusto ako sayo?

Parang kinabahan naman sya, naaawkward siguro sya sa tanong ko dahil di sya makaimik ng ayos. Dun palang sa reasksyon nya ay nasaktan na agad ako dahil alam kong hindi nya ako magugustuhan kahit kailan.

Nung makatulog sya lumabas ako sa terrace nitong kwarto ko. Nasa 2nd floor ang aming kwarto nina mommy at daddy. Nagtimpla ako ng kape sa baba at kumuha ng soda, alam kong favorite ito ni Zilo dahil lagi sya nagpapabili sakin tuwing nagala kami. Habang nagkakape ako feeling ko sobrang relaxing at nagpatugtog ako mahina lang dahil baka magising si Zilo shinuffle ko ang kanta at tumunog naman ang Bestfriend by: Jason Chen di ko alam pero parang tamang tama sakin yung lyrics ng kanta paeang tumatagos sakin dahil ngayon inlove nga ako sa bestfriend ko hays. Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko at agad ko itong pinunasan hindi ko alam pero kapag naiisip ko na hindi nya ako kayang magustuhan nasasaktan ako. Yung kahit sobrang lapit namin sa isat isa pero parang sobrang layo, ganon yung feeling. Ayokong i-took advantage yung pagiging close namin kahit na sa tingin ko mahal ko na sya not as a friend pero more than that. Alam kong pag nalaman nya na may gusto ako sakanya baka lumayo sya sakin kaya hangga't kaya hinding hindi ko sasabihin sa kanya. Nagpunas na ako ng luha at sumimsim sa kape ko. Nagulat ako ng bumukas ang sliding door nitong terrace sumunod sakin dito si Zilo I know him very well, kinuha nya ang soda at ininom ito. Nakita kong nakatingin sya sakin lumakas naman ang tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking to hays. Bigla namang tumugtog yung Pagtingin by: Ben&Ben grabe tagos na tagos talaga sakin yung lyrics! Nung natapos yung kanta naubos ko na din ang kape ko at pinapasok na ako ni Zilo dahil malamig na daw at papainumin nya na din daw ako ng gamot. Medyo kinilig naman ako. Ikaw kaya alagaan ng crush mo?! Di ka kikiligin?

____________________________

Alas otso na nung magising ako. Wala na naman akong lagnat sinat nalang. Pagbukas ko ng phone ko takte andaming missedcalls ni Zilo 28 missedcalls at nagtext din sya

: Hey.
:Goodmorning!
: Are you okay now?
: Tskk. Sleepyhead.
: Answer your phone!
: Imissyou.
: Hey. I'm going to school now.
: Drink your meds. Take care.

OMGGGGGG!!!!! kinilig naman ako sa text ni Zilo! Grabe kaya nafafall ako eh. Napaka caring ng hayop! Ginanahan tuloy akong kumain at uminom ng gamot kahit kakakita pa lang namin kahapon parang namiss ko din sya agad. Potek nasanay kasi ako na lagi kaming magkasama eh. At syempre talandi rin naman ako nagreply ako sa kanya

: Yeah. I'm okay. Uminom at kumain na ako kanina.
Makinig ka ng maayos diyan ha! Dahil tuturuan mo ako kung anong tinuro diyan. Take care missyou too!

Nagquick shower ako para makasingaw singaw naman ang katawan ko. Ganon kasi ako pag nilalagnat pag sinat na lang maliligo ako at maya maya ay okay na. At ganon na nga ngayong hapon magaling na ako gustong gusto ko na nga umuwi sa batangas pero ayaw nila daddy dahil baka mabinat daw ako magpahinga nalang daw muna ako ngayong araw at bukas nalang bumyahe. Kaya ayun umidlip muna ako. Nagising ako dahil tumutunog yung phone ko sinagot ko naman agad ito

Still Into YouWhere stories live. Discover now