3

0 0 0
                                    

( Zei's POV)
Sobrag bilis ng araw at sabado na papunta ako ngayon sa bahay ni lola para bantayan siya dahil paalis si tita para magwithdraw at maggrocery. Pero mamayang hapon pupunta naman akong quezon para bisitahin sila mommy dahil namimiss ko na sila mahigit 1 month na din kasi akong di nakakauwi sa quezon eh. At nung dumating na si tita ako naman ang nagluto. Ang niluto ko ay adobo at shanghai dahil paborito ito ni lola at tita. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay naggayak na din ako ng gamit dalawang pares lang ng damit dahil bukas ng hapon ay uuwi din ako dahil may pasok kinabukasan. Nagpaalam na ako kina tita at habang nasa byahe ako nakita ko si Zilo at kinawayan sya at ang walangya naman tiningnan lang ako. Andito kasi ako sa Bus at andun sya sa labas sa may tapat ng convenient store. Hanggang sa umandar na ulit yung bus at umidlip muna ako saglit.

____________________________

Nakarating na ako dito sa Quezon at di ko mapigilan ang excitement dahil nakita ko na yung mga kapitbahay namin at todo ngiti sakin kaya pag pasok ko sa bahay namin sumigaw agad ako

"HELLOOOOOO PARTY PEOPLE!!!!! I'M HOMEEEE!"

At dali dali namang bumaba si Mommy

:Anak!!!! Di ka naman nagsabi na uuwi ka akala ko nakina lola mo ikaw?

:Oo nga po mommy pero miss ko na kayo eh kaya umuwi muna ako rito. Nasan po si Daddy?

: Edi ayun nasa site may bago syang project eh. Wait lang anak ipagluluto kita ng pagkain

At gabi na dumating na si daddy at hinalikan ako sa pisngi.
: How's my Baby?

:Daddy?! 19 na ako!

:Eh ano naman Baby pa din kita ano! *at ginulo nya ang buhok ko*

:Daddy!!!!!

Oh tama na yan at kakain na tayo pumunta na kayo dito wika ni mommy
Habang kumakain kami tinatanong nila ako kung kumuusta daw ang school

: Anak kumusta naman ang school? Wika ni mommy

: Ayos naman po, Nakatayo pa din

: Zei! Wika ni daddy

:Joke syempre okay naman po hehe.

Matapos namin kumain ay nanuod kaming tatlo ng movie sa sala at maya maya ay natulog na rin.

____________________________

Pauwi na ako ngayon papuntang batangas medyo hinapon na nga ako dahil alam nyo na sinermonan ako ng magulang ko nung nalaman nilang nakatulog ako sa room at syempre nagmadali na din akong umalis kanina sa bahay nila mommy dahil malamang magdadrama nanaman yun. Nakarating na ako dito sa tinutuluyan kong apartment at naglinis linis muna ako dahil di na nakakatuwa ang dumi ng apartment na to HAHA.

Kinabukasan ayon panibagong araw nanaman hays boring na boring na ako dito sa school. Nang biglang dumating yung terror prof namin at 2nd week palang aba may pa research project agad! By partner naman daw medyo nakahinga ako sana matalino maging partner ko! At ayun nagtatawag si sir at ako nalang ang walang partner at pagtingin ko kay Zilo nakatingin sakin at mukhang wala ding partner! Pota don't tell me!

:Zeina and Zilo kayo ang partner wika ni sir.

What?! Sabay naming usal ni Zilo at nagkatinginan. Medyo nahiya ako.

:Pero Sir sobrang tahimik ni Zilo baka di na kami makagawa ng project niyan. Baka ako lang mag isa ang gumawa?

:Well it's not my problem anymore miss Quitala. Wika ni sir

:it's okay sir ako na po bahala. Wika ni Zilo.

Anong sya ang bahala? Ano yon? Sya bahala tas ako kawawa? Tskkkk!!! Badtrip!

Still Into YouWhere stories live. Discover now