(Zilo's POV)
Graduation Day
Graduation namin ngayon at papunta ako sa bahay nina Zei para sunduin sya. Kasama ko ngayon si daddy medyo kinakabahan ako ngayon hindi dahil graduation dahil magpopropose na ako ngayon kay Zei. Matagal ko nang naisip to na pagkatapos ng graduation namin pero syempre hindi naman ngayong taon kasi gusto pa rin namin pareho na ienjoy ang pagiging engineer naming dalawa. Nakarating na kami ni daddy sa bahay nila Zei at sumakay na ang mommy at daddy ni Zei habang si Zei ay iniintay ko at lumabas na sya sa pinto nakared syang fitted na dress she look so gorgeous agad ko naman syang pinuri at hinalikan sa pisngi at pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat oo lumipat si daddy sa likod bale yung mga parents ay sa likod namin at kaming dalawa ni Zei sa harap.Natapos na ang graduation at nandito kami ngayon sa bahay namin ni daddy para magcelebrate at nagpahanda ako sa garden namin ng candlelight dinner para samin mamaya ni Zei kasi dun ako magpopropose nagpaalam na ako sa mommy at daddy ni Zei at as her parent umiyak sila. Kumakain kami ngayon ng lunch sa table nang nagjoke nag daddy ni Zei
: So Zilo? Kelan mo balak magpropose kay Zei?
Naubo naman si Zei dahil hindi nya inaasahan ang sinabi ng daddy nya.
Gabi na ngayon at inaya ko na si Zei sa garden nagulat sya at halatang sobrang saya nya.
___________________________
(Zeina's POV)
Isa itong special day di lamang sa pamilya ko kundi pati na rin kay Zilo! Ngayon ang graduation day namin. Sinundo kami ni Zilo sa bahay at pagdating roon nakita ko na agad ang bestfriend ko na si Gab grabe super stunning nya ngayon naka silver dress sya na parang mermaid ang style habang ako naman ay nakared na fitted na dress napicture kami at nagsimula na ang ceremony.Sa bahay nina Zilo kami nagcelebrate para maiba naman daw. Naglunch lang naman kami at umuwi na rin sila mommy at daddy dahil pupunta daw sila kay lola di kasi nakasama sina tita at lola dahil may sakit si lola at walang mag aalaga sakanya.
Gabi na ngayon at niyaya ako ni Zilo sa garden nila. Nagulat ako dahil may pacandlelight dinner si mayor! Hahahahahaha syempre kinilig naman ako at hinalikan ako ng Zilo sa pisngi.
Pinag-isod naman niya ako ng upuan, Wow! Gentleman HAHAHAHAHA so ayun umupo na kami kumain may mga nagvaviolin at piano pa sa gilid para talagang romantic grabe mahal na mahal ko talaga ang lalaking to! Nang matapos kaming kumain inaya nya ako sumayaw at tinanguan naman nya yung si manong na nagvaviolin at bigla naman nilang tinugtog ang Araw araw by: Ben&Ben. Sobrang romantic instrumental lang sya at mas lalong pinabagal.
: Congratulations love! I love you *sambit niya*
: Congratulations din Love! We made it! I loveyou too.
Nginitian nya naman ako hinalikan sa noo ko at sumayaw kami. Maya maya lumuhod sya at mas lalong lumakas ang music. Parang tinatambol ang puso ko at tumitigil ang mundo ko. Parang nanlalambot din ako at medyo naiiyak na. Nilabas nya ang isang singsing na may kulay violet na diamond sa gitna. Umiiyak na talaga ako at nakita ko si Tita, Mommy, Daddy at Daddy ni Zilo na mga naiiyak na din sa gilid. Isinuot sakin ni Zilo ang singsing.
: Zeina Amethyst Quitala? Will you Marry me?
Tumango ako habang umiiyak at nagtatalon naman sya
: YESSSSS!!!!! *at kita kong naiyak na din sya pero tuwang tuwa* pinunasan ko naman ang luha niya at hinalikan niya ako sa labi. Kita ko namang nagkakantyawan ang mga tanders sa gilid at halatang kinikilig din ang mga tumutugtog malaput na din matapos yung tugtog nang bumulong sakin si Zilo
: Zei kahit anong mangyari mamahalin kita araw araw
: Ako din pipiliin kita araw araw I love you Zilo Blaster Montereal
: Mahal na mahal din kita Zeina Amethyst Quitala
At sakto namang natapos ang kanta. This moment is so magical for me. Ewan ko para akong nasa isang fairytale ako at kung panaginip man ito sana di na ako magising I love him so much at itataya ko lahat para sa kanya.