Chapter 2
Alaska Graycochea"Will you stop doing that, Alaska? Sumasakit na ang leeg ko kakasunod sa ginagawa mo."
"Tsk!" I stomped my foot and walked back and forth again. Kanina pa ako hindi mapakali dahil nakapanuod ako ng isang live show. Isang nakakapanindig na balahibong live show! Yes, tumitindig talaga lahat ng balahibo ko nang madatnan si Ate Serrin at Arrivederci na naghahalikan! "Akala ko ba nasa Ecuador ang babaeng iyon?!" Hindi ko na napigilang magtaas nang boses dahil sa inis. Umupo ako sa tabi ni Raj na kasalukuyang kumakain ng Cerelac. "Tigilan mo nga 'yan, Raj, jusko!" saway ko sa kaniya.
"It's good. You should try it."
Inirapan ko siya. Anong tingin niya sa'kin – bata na humihinto sa pag-iyak kapag nakakain ng paboritong pagkain? "This is getting out of hand. Nagkakalat ang mga haliparot na 'yon ng germs sa sanlibutan!" Ugh, I can't believe I had a crush for that woman! May itinatagong kinky personality pala iyon, tsk!
At hindi lang bastang tao ang chinorva kundi si Serrin Kristofides pa. May asawa na 'yon!
"Yuri Mariano is back so I'm sure that Arriv is back too. Sa pagkakaalam ko kasi, they were teamed up sa isang research doon."
"No, hindi ko matatanggap ito!" napapadyak na ako sa sobrang inis. Pero, bakit nga ba ako naiinis sa ginawa nila? Supposedly, I shouldn't care at all dahil isang simpleng crush lang naman iyon pero kung makaasta ako parang daig ko pa ang isang nagseselos na ex-jowa. What on Earth am I thinking? "Sana doon nalang siya forever para matiwasay ang buhay ko dito sa mundo. Naalibadbaran kasi ako sa pagmumukha niya sa totoo lang."
She let out a belly laugh. Siraulo na! "Why can't you just admit that you're still in love with her?"
"Hoy, anong in love? Sinong in love ba ang sinasabi mo?!" sinapak ko siya. If she's referring to me, sorry, but she's mistaken. "It was just a mere crush, Raj! Paanong naging in love ako sa babaeng 'yon? We never had any decent conversation at all! As in wala, never!" depensa ko pa. Siraulong babae ito, ni hindi ko nga halos nakikita sa campus ang Santander na iyon dati tapos sasabihing in love ako? That's the most absurd thing I've ever heard in my entire life!
Mas lalo siyang tumawa ng nakakaloko. I smack her head. "Hey, that hurts, Al!" reklamo niya. Neh, buti nga sa kaniya 'yong ginawa ko; kung ano-ano kasi ang sinasabi at wala namang katotohanan iyon. "Umiwas ka nalang kung ayaw mong masaktan. That's the only way para hindi ka na nagseselos diyan."
"Hindi nga kasi ako—" Napahinto ako sa pagsasalita nang may namataan akong isang pamilyar na pigura. Shit, siya ba 'yon? Pareho kami ni Raj na naghintay sa taong pumasok dito sa loob.
"Good evening." Malumanay nitong bati sabay upo sa table na pang-dalawahan.
Siniko ako ni Raj kaya natauhan ako bigla. Shit, feeling ko parang tumulo pa laway ko. "Talk to her," bulong niya.
"Huh?"
"Go and talk to her." I turned to her; she has this smug look on her face. "This is your golden opportunity to have a nice and smooth conversation with Arriv."
Umiling ako, "ayaw ko nga at baka kung ano pa ang iisipin niya." Tama, I should not listen to Raj. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit nangyari ang kahihiyang natamo ko dati noong nakasalubong ko si Arrivederci sa hallway noon. At isa pa, hindi ako marupok! "Hindi niya ako kilala at baka mawirduhan lang siya sa akin."
"Edi mag-hi ka nga tapos state your name, address and tell her that you are jowable."
"What?" What the heck is she saying? She only grinned at me. This is the part where I should start exiting myself from this place. Umaandar na naman ang pagiging maloko ni Raj. "Tumigil ka nga diyan, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, ha!"
BINABASA MO ANG
Downtown Girls: Arrivederci Santander
Ficción GeneralTulak ng bibig. Kabig ng dibdib.