Alaska Graycochea
Habang nakatunghay sa akin si Arrivederci, hindi ko mapigilang maging kabado. What if isusumbong niya ako sa pulis? I swear, ayaw ko nang maging akyat-bahay gang sa susunod. Ang hirap pala ng ganitong trabaho o kung trabaho man bang maitatawag ito. Nakakatakot. At higit sa lahat, hindi maganda lalo na sa isang katulad ko. Jusko naman, akyat-bahay gone wrong!
"So, can you tell me now?"
Gusto kong magmaldita pero hindi maganda. Ako ang may atraso tapos ako pa ang mag-a-attitude. That's a big no. Isa pa, kung gagawin ko 'yon ay pagdududahan niya ako. Situations like this should best be handled by a professional. At ako iyon.
"Ah...ano..." Ang hirap pala talaga kapag nahuli ang magnanakaw sa akto. Nakakakaba. Nakaka-tense. Nakakaloka. Nawawalan ako ng sasabihin.
"Were you trying to steal something?" Para siyang si Mom noong nabubuhay pa, daig pa NBI kung magtanong — straight to the point at walang paligoy-ligoy.
"Luh, paano mo nasabi?"
Tanga! Mali! Hindi dapat ganoon! I sounded so defensive.
Tumaas ang isang kilay niya. "Then, what are you doing inside my house?"
Napatanga ako. "Ah...ah...ano..." I have to think fast. Kailangan kong makaligtas sa ring of fire. Yumuko ako. Tamang-tama, may keychain ako na nakasabit sa casing ng phone ko. Tama! "Ah...ano kasi, Arriv, n-nahulog kasi itong k-keychain ko. Oo, nahulog siya tapos...tapos h-hinanap ko...oo, hinanap ko..."
Naku, sana kumagat siya. Kahit alam kong hindi siya tanga, sana hayaan nalang niya ako. Hindi naman ako magnanakaw ng pera o kahit ano. Basta, sana palampasin nalang niya ako. At kapag ginawa niya 'yon, magpapakabait na ako sa kaniya. Hindi ko na siya susungitan pa.
"Hmm, have you found it?"
"Huh?"
"Sige, hanapin mo. Maliligo muna ako."
"Ah, oo!" Tumayo na ako. "S-salamat pala. Sige, a-alis na a-ako! Bye! Salamat ulit!"
Walang lingon-likod kong nilisan ang bunkhouse niya at dere-deretso lang sa pag-uwi. Wala naman akong narinig na hinabol niya ako. She just let me escape like what I've prayed kanina.
Napasandal ako sa likod ng pintuan nang makapasok ako sa bahay. Hingal na hingal ako kahit na limang metro lang naman ang itinakbo ko. Dumausdos ako pababa at pilit na pinapakalma ang malakas na tibok ng puso ko.
Shit, ano iyon? Bakit ang bilis? Hindi man lang niya ako kinastigo pa? Bakit hindi siya nagalit man lang?
Tanga ba siya?
Pumanhik nalang ako sa kwarto ko at padapang humiga. Tangina, nakakahiya iyong ginawa ko. Pero, bakit kaya ganoon siya? She just let me go. Sinadya niya ba 'yon? Naguguluhan ako.
"Sis!"
"O, ano na naman, Milo?!"
Lumundo ang kama, tanda na naupo siya sa tabi ko. "Nasa ibaba si Ate Mela, mukhang broken siya."
"Paakyatin mo, 'wag siya kamong maghiya-hiya sa akin."
"Okay!"
Tumihaya ako pero nakapikit pa rin. Muntikan na talaga ako kanina. Hindi ko na talaga uulitin 'yon, nakakahiya! What if she really didn't buy my reason?
"Alaska! Huhuhu!"
"My God, Mela! Marunong ka palang ngumawa?"
Sumampa siya sa kama at kinubabawan ako. Napatili ako sa ginawa niya. Tangina naman! Pilit ko siyang inaalis pero yumakap siya ng mahigpit sa akin. "Ang sad ng love life ko. Huhuhu."
BINABASA MO ANG
Downtown Girls: Arrivederci Santander
Ficción GeneralTulak ng bibig. Kabig ng dibdib.