Chapter 3
Alaska Graycochea
"Good morning, sunshine!"
Tinabig ko ang mukha ni Milo, ang aga-aga talaga niyang manggising. Napakaaga mambulabog! Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod. Gusto ko pang matulog lalo pa at halos madaling araw na akong dinalaw ng antok dahil sa kakaisip sa bago kong kapitbahay. Yes, pinuyat ako ng babaeng iyon!
At kung bakit? Well, nag-sing-along lang naman siya na parang siya lang ang tao sa mundo. Hindi pa natuwa, tinodo pa ang speakers niya na halos yumanig sa buong Downtown. Nananadya talaga!
Naramdaman ko ang init ng sikat ng araw na tumama sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon at naaktuhan ang kapatid ko na hinahawi ang kurtina ng bintana ko. "What are you doing?!"
"Good morning again, sissy! Rise and shine. Shake your legs!"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya. Kakaiba talaga ang mga pambungad niya sa akin. Hindi ko alam kung saan-saan niya ito pinagkukuha. "Wala bang ibang magandang pambungad, Milo Energy?"
"Ah," matagal siyang nag-isip. At pinag-isipan pa niya talaga! "Bang your head?"
Sa inis ko ay kumuha ako ng unan at binato ito sa kaniya. Swerte siya at nakailag, ngumisi siya na mapang-uyam. Wala talagang magawang matino. "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga sa bahay!"
"Why are you being grumpy lately, sis? Did you embarrass yourself again in front of your long time crush?"
"Lumayas ka. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."
"Dapat hindi ka grumpy, sis. You should be happy and celebrate!" Padaskol akong tumayo at nilagpasan siya. Ano namang i-celebrate sa araw na ito? My head hurts and I have big, black circles under my eyes! What the hell? "Good morning, Ate Arriv!"
Pagkarinig ko pa lang sa pangalan na 'yon ay napapasimangot na ako. Hindi talaga ako natutuwa sa nangyayari. Pwede naman kasi siyang mag-camping sa lupain niya at hindi sa bakuran ko. Isang taon kong pinalago ang mga carabao grass tapos sisirain niya lang? Ang swerte naman!
"Kumain ka na ba, Ate Arriv?"
Napalingon ako sa kapatid ko, nakalabas ang ulo niya sa bintana at nakikipag-usap sa babaeng nasa bakuran ko lang nakatira. Sinaway ko si Milo. Bakit ba siya nakikipag-usap sa illegal kapitbahay? Public enemy ko 'yon at bawal siyang makipag-usap sa kalaban ko. "Wow, first name basis. Close kayo?"
"Ay, hindi mo alam?" tuwang-tuwang pang-aasar naman niya sa akin. Alam niya kasi ang lihim kong nakaraan patungkol sa kapitbahay ko. Sa tingin ko nga ay lahat ng sikreto ko ay alam ng bubuyog na ito. Chismosa! "She was one of the panel sa thesis namin last year. She's insanely hot wearing that corporate attire. And the killer heels were ugh! Sumabog obaryo namin, sis."
Bakit hindi ko alam ito? Traydor! Hinila ko ang buhok ni Milo, "anong sumabog ang obaryo?! Ang bata-bata mo pa, lumalandi ka na! Pwes, simula sa araw na ito ay pinagbabawalan na kitang kausapin siya! Maliwanag ba?"
Tinampal niya ang kamay ko, kaya nabitawan ko ang buhok niya. Bwisit, ang bigat ng kamay. Parang lalaki! "OA mo, sis. Aba, 15 years old ka pa naman noong una kang lumandi, 'di ba? At least ako, nasa legal age na bago pa sumabog ang obaryo, duh?"
Ang sarap talagang busalan ang bibig! Napakamaldita! "Hoy, kapag sinabi kong bawal kang mag-boyfriend, bawal! Ako ang nakakatanda kaya ako ang masusunod. Maliwanag ba, Milo?"
"Therefore, mag-girlfriend nalang ako. Thank you, sis!" she kissed my cheek and ran away.
"Aba't—" tinawag ko siya. Pasaway na bata talaga. Gusto pa akong isahan.
BINABASA MO ANG
Downtown Girls: Arrivederci Santander
Ficción GeneralTulak ng bibig. Kabig ng dibdib.