Frozen

3.5K 213 317
                                    

Chapter 7

Alaska Graycochea

Ang sarap talagang magbabad sa kama na maraming unan at napakabango pa. Olala! Babaeng-babae pa ang amoy tapos humahalimuyak pa sa buong kwarto. Kung mamamatay ako, ganitong pabango ang gagamitin ko para memorable.

"Hmm..." Ang bango talaga! Ang sarap yakapin at amoy-amuyin. Hindi nakakasawa. "Hmm, bango..."

Humikab ako. Ang sarap naman sa feeling kapag ganitong umaga ang sasalubong sa akin. Mabango! Humikab ulit ako at nag-unat ng mga braso.

Ano kaya ang ginawa ko kagabi at ganito kagaan ang pakiramdam ko? Ah, baka pumunta ako sa sauna. Ganito kasi ang nararamdaman ko pagkatapos kong mapawisan ng mga limang sako. It feels good!

I slowly opened my eyes. Hala? Madilim pa? Bakit may stars? At bakit parang ang lalaki nila?

Tangina, nasa kalawakan ba ako?

Bumalikwas ako ng bangon at nagising na ng tuluyan. Kailan pa nagkaroon ng galaxy painting ang kisame ng kwarto ko? Shit, pinagtripan na naman ni Milo ang mga kagamitan ko.

Tumayo ako at naghikab ulit. "Milo! Bwisit na bata ka, ano bang gi—" What the heck? This is not my room. Walang stuff toys ang kama ko! At higit sa lahat, wala din akong mga cactus!

Shit, where am I? Luh! Nalasing ba ako kagabi? Inamoy ko ang hininga ko, hindi naman amoy alak. Luh! Baka na-kidnap ako!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Walang masakit. Oh, thank God! Akala ko nakipag-one night stand ako sa kidnapper ko. Thank you!

"Good morning. Gising ka na pala. Coffee?"

"H-huh?" Hinarap ko ang taong nag-aya sa akin magkape. Nanlalaki mga mata ko sa kaniya. Siya ang kidnapper ko? "Anong ginawa mo sa akin?!" Niyakap ko ang sarili ko. Shit, nakita niya kaya ang kahubdan ko?

Kumunot ang noo niya, "you don't remember?" Shunga pala ito. Kaya nga nagtatanong kasi walang maalala tapos tinanong lang din ako pabalik. "Oh, you came here last night."

"Ha? Bakit? Bakit ako pupunta dito at ihain ang sarili ko sa 'yo?!"

"I don't know. But, one thing is for sure..." pabitin niyang sabi. Pinasadahan niya pa ako ng kakaibang tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay bumalik ulit sa mukha ko. "...pinuyat mo ako."

What the fuck? Mas lalo kong niyakap ang sarili ko. Shit, naisuko ko na ba ang Bataan? "Pinuyat sa anong paraan?! Hindi naman masakit ang pepe ko, ah!"

"Hmm," sumimsim siya sa dala niyang tasa habang nakatingin sa akin. Luh? Bakit ang sexy niyang tingnan sa ganiyan? Kumindat siya. Luh?! Naisuko ko na yata ang Bataan! "I like the way you moan."

Kung kanina nanlalaki lang mga mata ko, ngayon naman ay kulang nalang lumuwa dahil sa sinabi niya. Ang bastos, pre! Para akong sinilaban ng hiya at nararamdaman ko ang pangangamatis ng magkabilang pisngi ko. "B-bakit mo sinabi p-pa?! Sinarili mo n-nalang sana!" Tangina ito, gusto ko nalang mawala sa world! Jusko, kung magkakalat lang din pala ako, sana sa iba at hindi sa kaniya.

Tangina, hindi pa ako nakapag-shave! Hayop na 'yan. Nakakahiya!

Napaatras ako nang humakbang siya ng isa palapitsa akin. "T-teka, a-anong ginagawa m-mo?!"

Naiwan sa ere ang braso niya. Shit, ano kayang gagawin niya sa akin? Luh! Baka hahaplusin niya ako? "I'm just going to check you. May masakit pa ba sa iyo?"

Anong klaseng tanong 'yan? Tangina, ganito ba after mag-sex? Itatanong kung may masakit o wala. "W-wala! Hindi masakit pepe ko kaya wala!"

"Are you sure?"

Downtown Girls: Arrivederci SantanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon