Chapter 5Alaska Graycochea
Sabi ko, wala akong pakialam pero bakit hanggang ngayon ay umaalingawngaw na parang bala ang mga nasaksihan ko? Bakit ganito? Wala kasi talaga akong pake!
"Hoy, Alaska, nag-we-wet dreams ka na naman!"
Sinipa ko ang upuan ni Trea. Ang bastos talaga ng babaeng ito. Walang ka filter-filter ang bibig. "Tigilan mo nga ako. Wala ako sa mood."
"O, hayaan na daw natin siya, kids."
Bakit ba ito nandito? Magsasara na si Raj nang sumulpot itong mushroon na ito. Humirit ng shawarma dahil nagugutom daw siya.
"Salamat pala sa pagkain, Raj. See you tomorrow! At 'wag masiyado sa pagpapantasya kay Arriv, Las, nakakatanggal daw ng buhok ang sobrang self-service."
"Gago ka! Umalis ka dito, putangina mo!" Tinawanan lang ako at kumaripas na ng takbo.
Ito namang si Raj ay nakisali pa. Mga totoong kaibigan ko talaga sila. Isinara na niya ang tindahan at lumakad na kami. Dadaanan daw niya si Clio para kumustahin ito.
Sana all talaga.
"So, kayo na? O, anong feeling?"
"I can't explain it. Halo-halo, eh," masayang tugon niya. Sana all masaya. At sana all may jowa. "Ang sarap sa feeling, alam mo ba?"
"Hindi ko alam kaya 'wag ka nang magpaliwanag." Iniinggit pa yata ako, eh. Alam niyang single ako tapos manggaganyan pa.
Hindi na siya nagsalita pa pero ngiting-ngiti naman. Sa wakas, ngumiti din ang babaeng ito. Sa itinagal man ng panahon, napasakaniya din ang babaeng sinisinta.
Nasa tapat na kami ng bahay ni Clio. Ang lamig, kaloka. Hindi man lang nilamig itong kasama ko, nakatingin lang siya sa gate na parang tanga.
"Wala ka bang planong pindutin ang doorbell na 'yan?" Nakatunganga lang siya at nakatingala na parang bida sa isang Korean drama. Pinitik niya ang noo ko sa 'di ko malamang dahilan. "Kung 'di mo napapansin, nagmumukha na tayong stalker dito. Akala ko ba ay girlfriend mo siya? Pindutin mo na!" sulsol ko pa.
She hissed at me. Ang arte niya, parang pipindutin lang ang doorbell. "I'm just making sure na safe sila."
What? Parang tanga ito. "Gaga, paano mo malalamang safe kung nandito ka lang sa labas?"
"Will you just shut your mouth, Al? Kahit limang segundo lang, pwede ba 'yon?" Galit na galit gustong manakit? Pasalampak nalang akong umupo sa damuhan at nanahimik. "Anyway, dinala mo ba ang lampara?"
Isa pang mas nakakakatanga. Pwede namang flashlight ang gamitin, lampara pa talaga ang naisip. Ano kami nasa panahon ng KKK? "Ang creepy talaga. Pwede naman tayong mag-doorbell at pumasok sa loob. I can't believe I agreed on this lame stunt, Raj. At ang daming lamok! Magkaka-dengue ako nito!" Pwede kasi talagang mag-doorbell, nagpapakahirap pa kami dito sa labas kasama ang mga lamok na wagas kumagat. Ano sila, bampira?
"It's Friday. I'm sure Arriv is there. Kung gusto mong pumasok, then push the button. Go ahead, I won't stop you."
"Never mind." Mabuti nalang pala talaga at hindi niya pinindot iyon. Okay na pala ako dito. Bati na kami ng mga lamok.
Niyakap ko nalang ang sarili ko, ang lamig-lamig kasi. Nakalimutan kong magsuot ng jacket. At hindi nakadagdag na may kasama akong taken na.
Tumawa si Raj. Luh? Para siyang kilig na kilig sa kung ano ang iniisip niya. Napangisi ako, may ideya kasing pumasok sa isip ko. "Raj, virgin ka pa ba?"