Chapter 9
Alaska Graycochea"Pirate Bay, here we come!"
I inhaled deeply. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin, kahapon lang ay sinabi ko sa sarili na hindi ako makikialam pero, ano? Heto, nasa deck ng isang yate papuntang Pirate Bay. I shouldn't be doing this but, I can't just let anything happen to Arriv.
Bakit ba ako ganito? Obviously, wala naman siyang pakialam sa akin pero heto ako, sinusundan siya. Sometimes I want to ask myself, kung bakit ko ba ito ginagawa. Parang unti-unti akong bumabalik na parang isang high schooler na handang gawin ang lahat, mapansin lang ng crush niya.
I think I'm returning to be that Alaska who follows Arrividerci Santander wherever she goes. Para akong tuta noon na palaging nakabuntot sa kaniya kahit wala namang kinahantungan ang mga pagsunod ko sa kaniya. Ang babaw yata ng kaligayahan ko noon.
"Mabuti nalang at pumayag si Ate Ryvon na ipagamit ang villa niya doon sa atin," rinig kong sabi ni Milo. Well, sino pa nga bang isasama ko na iba, 'di ba? And besides, pwede na ring bakasyon-slash-bonding naming magkapatid ito. "Bumili ka din ng villa doon, sis. Pwede mong gawing honeymoon house kapag napasagot mo na si Ate Arriv."
"Oo nga naman, Al. Mas maganda daw gumawa ng baby doon sabi ni Debs." And who else is with us? Of course, walang iba kundi si Carmela. "They rented the mountain palace, doon daw nila ginawa ni Thalia ang kambal nila."
She was pertaining to her cousin, Deborah na naging asawa naman ng isa naming ka-batchmate na si Thalia Jimenez. Nag-trending silang dalawa years ago dahil sa ginawang live confession ni Thalia sa tv. Sana all kayang ipagsigawan sa buong mundo.
"Mabuti pa pinsan mo, napainit ang malamig na puso ni Thalia. Ikaw ba, kailan?"
Inirapan niya ako, "nagsalita naman ang isang dekadang naghihintay sa pagtingin ni Arrividerci Santander. Ano, kailan pa ba tayo uusad? Napag-iiwanan na tayo."
"Ikaw lang, 'wag mo akong idamay diyan."
"Kasama ka sa Tropang Dekada. Ikaw, ako, si Raj at si Trois. 'Wag mo nang isipin si Trea, oras-oras ay may babae 'yon."
"Walang bago sa babaeng 'yon," pagsang-ayon ko. "Bakit ba hindi tayo naambunan ng pagiging malandi, ano? Edi sana hindi tayo single ngayon."
"Well, buti nalang ay hindi. Imagine the stress if pinagsabay-sabay natin ang mga babae. Edi, sabay-sabay din ang karma na babalik sa atin. "Well, I couldn't agree more to what she said. "Iba pa rin ang faithful."
Tumingin ako sa malawak na karagatan. I wish I could be the sea that swimmers dive just to know my secrets. Kaso, hindi. Hindi naman ako misteryoso, kaya walang nagkaka-interes na alamin ang pagkatao ko. I sighed heavily. "Tayo 'yong faithful na hindi pinipili."
"Tayo 'yong ideal women na hindi jinojowa," dagdag naman ni Mela sa sinabi ko.
"Kayong dalawa 'yong parang tanga," singit ni Milo. Mela and I glared at my sister. Bakit ko nga ba siya sinama? "Ang drama niyo, mga sis. Sasabihin ko sa inyo kung bakit kayo ang faithful na hindi pinipili. Wanna know why?"
Nagkatinginan kami ni Mela, what is my sister trying to imply? Tinanong ko siya kung bakit.
"Kasi wala naman kayong ginagawa para mapasa-inyo ang mga taong mahal niyo. Ikaw, sis, puro ka arte. Palagi mong tinatarayan si Ate Arriv sa tuwing nagkikita kayo, paano mo siya mapapa-ibig kung ganiyan ka? Attitude ka, ghorl?" Ano naman? Eh, sa ganoon talaga ako kapag nakikita ko siya. It's my reflex to hide my embarrassment. At para na rin hindi mahalata ni Arriv na nahihiya ako sa kaniya. "Ikaw naman, Ate Mela, ilang toneladang katorpehan ba ang sinalo mo noong nagsaboy ang kalangitan? Grabe ka naman, matagal na naghintay si Ate Mia sa iyo kung kailan ka gagawa ng move kaso hindi. Alangan namang maghihintay pa 'yon kung dinaig mo pa si Turtle the Pagong sa kakuparan mo."
BINABASA MO ANG
Downtown Girls: Arrivederci Santander
Narrativa generaleTulak ng bibig. Kabig ng dibdib.