Chapter 9: Don't Leave

186 2 0
                                    

Maaga kaming nagising ni Gin kinabukasan. Mukhang pareho pala kami ng iniisip na isorpresa si Mama ngayong birthday niya.

Mabuti na lang at pinag-grocery ako ni Mama no'ng isang araw. Kumpleto kami sa ingredients na kakailanganin ko para magluto ng carbonara, na favorite ni Mama.

Ako ang bahala sa pagluluto habang si Gin naman ay inutusan kong bumili muna ng cake sa labas. Linggo ngayon kaya alam naming mamaya pa magigising si Mama dahil bumabawi siya ng tulog sa maaga niyang paggising simula Lunes hanggang Sabado para magtrabaho.

Mabuti na lang din at maalam ako kahit papa'no kung paano magluto. Naturuan din naman ako ni Mama noon kung paano lutuin ang carbonara at natatandaan ko pa rin 'yon hanggang ngayon.

Sakto lang ang dating ni Gin nang matapos na 'kong mag-prepare sa lamesa, matapos kong magluto. Inilagay na rin ni Gin nang maayos sa gitna ng lamesa 'yong dedication cake para kay Mama.

"Gin, gisingin mo na si Mama. Pupunta lang ako sa kwarto ko. May kukunin lang ako." Utos ko sa kaniya bago nagtanggal ng apron at nagdiretso sa kwarto ko.

Kinuha ko 'yong painting na ginawa ko para kay Mama. Napatitig ako sa nakangiting mukha ni Mama ro'n. Masayang-masaya siya rito. 'Yon lang naman ang gusto kong makita, ang makita siyang palaging masaya.

Bumaba na 'ko at naabutan kong nando'n na sina Mama at Gin. Tinatakluban ni Gin ang mga mata ni Mama gamit ang dalawa niyang kamay. Sinignalan din niya 'ko na lumapit ako ro'n sa may lamesa para ako ang unang makita ni Mama.

"Ano bang kalokohan 'to, Ginver?!" Sigaw ni Mama.

"Relax ka lang kasi, Ma." Sagot sa kaniya ni Gin.

Pumwesto naman ako sa itinuturo niya bago binaligtad 'yong painting na hawak ko para hindi agad makita ni Mama.

"1, 2, 3!" Sigaw ni Gin.

Tinanggal ni Gin ang mga kamay niyang nakataklob sa mga mata ni Mama.

"HAPPY BIRTHDAY, MAMA!" Sabay na sigaw namin ni Gin.

Napatakip si Mama ng bibig niya sa gulat. Nakatingin siya sa nakahanda sa lamesa bago dumako ang tingin niya sa 'kin.

"Happy birthday, Ma." Malumanay na sabi ko habang nakangiti sa kaniya. "I'm sorry about last night."

Naibaba ni Mama ang mga kamay niya saka ako nginitian pabalik.

"Wala na 'yon. At sorry rin." Nilingon niya rin si Gin na nakangiti lang din sa 'ming dalawa ni Mama. "Thank you, mga anak ko."

Lumapit naman ako kay Mama para ibigay sa kaniya ang regalo ko.

Kinuha agad 'yon ni Mama sa kamay ko.

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Regalo ko po. Tingnan niyo."

Binaligtad niya 'yong canvass para makita 'yong ginawa kong painting. Nagulat siya sa nakita niya saka napatingin sa 'kin.

"G-Geo..."

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko. "Galit ako sa kaniya, pero hindi ako dapat magalit din sa inyo."

Tiningnan ko 'yong painting na ginawa ko. Only for this, he's part of our family.

"Alam kong 'yan ang makakapagpasaya sa 'yo kaya 'yan ang naisip kong iregalo." Muli kong tiningnan si Mama. "Ayokong malungkot ka sa araw mo, Ma."

Nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya bago ibinaba ang painting na gawa ko. And then she spread her arms wide. Para bang humihingi siya ng yakap sa 'ming dalawa ni Gin.

"Payakap naman sa dalawa kong gwapong mga anak."

Napatawa kami pareho ni Gin bago lumapit sa kaniya at binigyan siya nang napakahigpit na yakap.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon