V

486 61 4
                                    

Mas maaga ang pasok ko sa Linggo. Nasa labas siya at mukhang may inaayos sa kotse niya. I cleaned the house thoroughly, at kagaya kahapon nagluto na naman siya ng marami para sa pananghalian.

And just like yesterday too, I spent the rest of the time in his small garden. May mga bagong halaman na nakalatag roon.

"I got those from Mama", sabi niya. Naaalala kong meron nga sa mansyon ang mga halamang ito.

Unlike yesterday, hindi lang siya nanood. Tumulong siya sa paghuhukay sa kung saan ko planong itanim ang mga bagong halaman. I told him I can manage at baka may gagawin pa siya sa trabaho, makakasayang lang ito ng oras.

But he insisted na wala raw at nagsimula nang magbungkal. Itinuro ko ang mga bubungkalin niya nang nawalan na ako ng pag asa para pigilan siya. We stayed a meter apart from each other though, parang lalagnatin kasi ako kapag lumalapit siya. Especially when he's wearing one of his cold look.

I went home exhausted. Plinano kong matulog nang maaga para maaga rin akong magising. Baka susulpot na naman si Krysthel bukas ng maaga at magiingay.

I tried closing my eyes pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, so I sat up. Kumuha ako ng isa sa mga libro sa bag ko at nagsimulang magbasa. Pero wala rin akong naintindihan.

This is unusual, kasi kapag hindi ako makatulog, magbabasa lang kahit konti okay na. Pero sadyang hindi pa talaga ako inaantok ngayon. Though I'm tired, for I can feel it.

Iritadong inilagay ko ang libro sa mesa sa tabi ng kutson ko. Nahagilap ng mga mata ko ang isang bagay.

Therence gave it to me this morning. Hindi pa ako sanay na tawagin siyang Therence sa personal, but I think it's better to start it with my mind.

Kinuha ko ang susing binigay niya. It's not a key of an ordinary lock, I'm sure. Hindi pa ako nakakita ng ganito, ngayon lang. Maybe it's specially made for his house.

"May mga oras na wala ako sa bahay, so take this key", naaalala kong sabi niya kanina sabay lahad ang susi. "It's the key of both gate and the front door. Gamitin mo pangbukas kapag pumasok ka next week".

Akala ko hindi siya nagtratrabaho sa weekends dahil nandoon naman siya kahapon at kaninang umaga. Wala rin akong nakitang ginawa niya ukol sa trabaho. But Tita Martha won't tell me na magtrabaho sa kanya kung may oras siya para ayusin ang bahay niya.

I don't know if how long I stared at the key in my hand. The thing I knew next is the ringing of my alarm clock indicating it's already morning.

Just as what I expected, sinundo ako ni Krysthel sa bahay. At nang narating na namin ang paaralan ay tinapunan na niya ako ng napakaraming tanong.

"Pumunta ako sa mga Gonzalez kahapon, yet you're not there, san ka nagpupunta", she threw me a questioning look.

Hindi ko nga pa pala nasasabi sa kanya, "Sa ibang bahay ako nagtratrabaho. Nandoon naman si Mama, ba't hindi mo tinanong?"

"I didn't enter. Nang nalaman kong wala ka ay umalis na ako", she answered. "Saang bahay?"

I almost rolled my eyes at her answer. I bet hindi man lang ipinaalam sa may bahay ang kanyang presensya.

"Sa bahay nung kuya ni Xekiel", tamihik akong nagdasal na hindi na siya magtanong pa. It's not that I keep secrets from her, pero hindi ko alam kung masasagot ko ang mga tanong niya without feeling uncomfortable.

She halted, "Talaga? May kuya si Xekiel?"

Tumango ako. "Palagi nga niyang kinukwento sa atin".

Tumitig siya sa kawalan saglit bago nagsimula na namang maglakad.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon