XXX

373 26 0
                                    

Akala ko mahirap tanggapin ang mga sinabi nila, dahil na rin iba ang pinaniniwalaan ko sa nagdaang anim na taon.

But it was like drinking water. Naintindihan at natanggap ko agad.

Wala nang punto ang magmatigas at ipilit na sila nga ang may sala. Their evidences are strong at alam kong hindi talaga magagawa iyon ni Doc. Renzo.

I was just blinded with hatred and pain. Ang kaisa isang tao lamang na nakasama ko sa gabing iyon ay ang nanay ni Nadiah. I was at my most vulnerable moment when she told me all her lies.

And I went away, digesting the lies she fed to me. Walang nakaalam ng dinadamdam ko at walang nakapagsabi na hindi totoo ang mga nalalaman ko. So I stick with that hanggang sa paguusap namin.

I went to Mayor to bid forgiveness about what happened in the party. Umiyak ako nang walang pagaalin langan niya ulit akong tinanggap at hindi na nagtanong ng kung anong nangyari sa pagitan namin ni Therence.

And Therence, months passed, at hindi ko na siya nakita. I think his good bye was really his last goodbye.

Sa tingin ko umalis na siya dito, naklaro na niya ang pangalan ng pamilya nila, I guess that's enough for him to leave.

Napasapo ako sa noo. What am I expecting?

Alam ko ang ineexpect ko, and I tried my best to shut it up. Kung ano mang namagitan sa amin ni Therence noon ay iba na sa ngayon.

He's different too. Hindi na siya ang nakilala ko. And even though napatunayan niyang wala nga siyang sala, I can't expect na bumalik lahat ang dati.

I didn't just lose Mama that night. I also lose a lot of connections.

I calmed my mind and tried to be happy at the fact na wala na akong dapat katakutan. Now I can make let my hair grow long or not wear glasses anymore.

Pero hindi ko nagawang maging masaya. I should've known na baka totohanin ni Nadiah ang mga banta niya, then I could've saved Mama.

It's partly my fault then. Kung sana lang ay hindi ako nahulog sa taong dapat ay nililinisan ko lang ng bahay, then Mama could still be alive.

Kung pinilit ko lang si Mama na magpaospital na nang napansin kong may mali. Kung naalagaan ko lang sana ng mas maayos si Mama. Kung napagtuonan ko lang ng pansin.

I spent the night crying while clutching her pictures again.

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan gaya ng ginagawa ko bago pa ang debut ni Kylie. I sent her my apologies too, at gaya ni Mayor, okay lang naman daw.

"Good morning."

Nadatnan ko sa harap ng munisipyo si Louis.  Nakauwi na ang mga panauhin sa debut maliban kay Louis.

He's staying here in Ilocos Norte, at sabi niyang gusto niyang libutin muna ito bago umuwi.

"Hi," I greeted.

Nakalong sleeve siya na hanggang siko ang tupi ng sleeves niya. His left hand is inside his denim shorts at naka sapatos.

His dimples are showing as he smiles at me.

"Kumain ka na?"

I always feel awkward for the both of us. Sa mga pasimple niyang pagsama sama sa akin. Sa pagtulong sa lahat ng pinapagawa ni Mayor.

But he's too happy and friendly para itaboy. I just hope he knows that I'm not into what Mayor said when we ate together.

"Nope. Okay lang namang lumiban paminsan minsan diba?" I laughed.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon