XV

354 30 2
                                    

"Ibig mong sabihin tayo na?" I felt stupid asking this.

Dapat siya ang nagtatanong niyan bilang siya ang lalake, pero bakit tila baliktad?

He is still holding my waist and my hand is still placed at his shoulder. Nasa bisig niya ang isang kamay ko, nakahawak pa rin ng baso.

Nakayuko siya habang pinagmamasdan ako, "Let me make it proper. Will you be my girlfriend, Roxette Severaughn De Silva."

Napanganga ako. Hindi ako lasing pero gusto kong tanongin sa sarili ko kung halusinasyon na naman ba ito.

"Or are we taking it too fast?" para akong nabilaukan nang tinanong niya iyon.

Kaya dali dali akong sumagot, "Yes. I will be your girlfriend. Gladly."

He chuckled and pressed his lips on mine again. I felt something funny in my stomach, na parang may mga paruparo doon.

His kiss was gentle this time, exploring every bit of my mouth. Bigla akong na self-conscious nang maalala kong nakainom ako.

I felt longing when the kiss broke off again. I pouted to hide a smile, pero hindi nakayanan kaya itinago ko ang mukha ko sa balikat niya at doon ngumiti.

Ilang minuto pa kami nanatiling ganoon bago ko itinaas ang ulo ko at tumingin sa kanya.

"It's getting late. I should take you home now", sabi niya.

I tried my best not to look at his lips. Kahit na ayaw ko nang umalis at dito na lang mamalagi, hindi nun mababago na may klase pa bukas.

I groaned, "Martes pa pala bukas."

"That's right. Nakainom ka pa, you should sleep now."

Sumama nga pala ako sa bar na hindi iniisip na may pasok pa bukas.

I buried my face on his shoulders again smelling his scent.

"Ayoko pang umuwi."

He chuckled, "You need to."

We drove from his house to ours. Alas dies pasado na, natutulog na siguro si Mama. Magagalit na naman yun, di pa ako nakapagpaalam.

Binuksan niya ang pintuan at lumabas ako. Inaya ko siya sa taas pero tinaggihan niya at sabing matulog na daw ako.

Hindi ko alam kung makakatulog ba ako sa mga pangyayaring naganap ngayon.

"Susunduin kita sa paaralan niyo bukas." we stood face to face.

Tumango ako, naalalang alam pala niya kung saan iyon dahil sinundo na niya ako noon.

He leaned to kiss my forehead, "Umakyat ka na."

I felt the urge to shout because of joy. Kinagat ko ang labi ko dahil baka tumawa ako ng malakas dito, papagalitan pa ako ni Aling Eva.

"Go now", utos niya.

Tumalikod ako at nagsimulang magtungo sa amin. I looked at his direction once again, at baka panaginip ko lang lahat iyon.

But there he stood, still on his suit. Hindi na namin napagkwentuhan ang tungkol sa business trip niya at kung bakit siya maagang umuwi.

He waved a hand telling me to go on. Ngumiti ako at umakyat nang tuluyan. Nang makapasok ako sa bahay ay dumeretso ako sa bintana.

Nagingat ako na hindi niya makita, he's still standing looking at our place. Pinanood ko siya hanggang sa sumakay na at umalis.

Bumuntong hininga ako dahil sa tuwa. Totoo ba lahat ito?

"Roxette?" lumabas si Mama sa kwarto niya, nagising sa pagpasok ko.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon