XXV

360 26 0
                                    

"Maghanda ka, pupunta tayo sa Pagudpud ngayon." bilin sa akin ni Mayor.

Our towns are just side by side kaya madali lang kaming makapunta roon.

Napakunot ako ng noo, "Bakit Mayor?"

Pumupunta kami roon kapag kinakailangan, calamities and such. I even visited Ashley lot of times.

"May kakausapin ako roon."

"Ano pong kailangan kong dalhin?" tanong ko.

I waited for her answer, ready nang kumuha ng kung anong sasabihin niyang kunin ko.

"Wala, may imemeet lang naman ako roon." she answered.

Tumango ako, "Kailangan pa ba akong sumama?"

She looked at me amused.

"Siyempre naman. Ayokong magisang pumunta doon. Bakit, may gagawin ka ba?"

Umiling ako, "Wala naman Mayor."

Napasimangot siya. She doesn't like being called Mayor. Sabi niya mas tumatanda raw siya kapag naririnig niya iyon. Naaalala niya raw kasi ang mga kailangan niyang gawin at mga tungkulin at naiistress siya dahil roon.

At bilang PA niya, yun ang purpose ko. Ang ipaalala sa kanya ang mga tungkulin niya. Minsan ay matigas ang ulo niya at palaging gustong lumabas at ienjoy nalang daw ang buhay niya.

But all in all, she's a responsible one, kahit ganoon siya minsan.

I rode on her SUV and put my seatbelt on habang hinihintay siyang sumakay rin. Hindi mahaba ang biyahe at nakarating kami agad sa Pagudpud.

We pulled up at a place which looks like a resort. Maraming mga sasakyan at mga tao sa labas. There's a big lettering engraved on the side of the resort.

Encendecias' Royale. Nasa bato iyon na makikita ng sino mang papasok. Maraming mga resorts dito dahil na rin sa hindi naitatagong ganda ng dagat at kahit ang kagubatan.

This one is big though, at maraming mga tao. Sa dami ng mga resort dito ay nagaagawan ng mga turista. Siguro maganda ang services nila o kilala.

Pero ngayon ko lang nakita ito dahil na rin nagiingat akong lumabas. I hate to admit though that for the past six years successfully hiding, my confidence rose.

"Let's go Veraughn," tawag ni Mayor.

We went inside the resort. At gaya nga ng ineexpect ko, maganda sa loob.

Napanganga ako ng makita ang loob nito. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin.

In front of me is a big building consisting of maybe four or five floors. Sa gilid ay may mga pools at naroon ang mga tao, nagswiswiming. On my other right looks like a restaurant.

Naglakad si Mayor Jesse and I followed her not wanting to get lost in this big place.

"Teka lang tatanongin ko sa receptionist kung narito na siya." paalam niya.

Hindi na ako sumunod sa kanya habang lumayo siya para magtanong. I just looked around standing in a corner na siniguro kong hindi ako mababangga.

I looked at the people obviously enjoying their vacation. It reminds me how my life is not normal.

I didn't risked my life more and just devoted myself at work, pero hindi ko maiwasang hindi maiingit.

"What the fuck?!"

Napalingon ako sa gilid ko kung saan may nagsalita.

"Nandito ka pala, di mo ako ininform!" sigaw niya.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon