(LEENNIE)
Lahat napapalingon ng maglakad ako sa tanggapan ng aming building. Glam Agency ay isang sikat ng agency ng mga modelo. Halos lahat ng sikat na modelo ngayon ay nasa pangangalaga nito.
Halos lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako. Tango at ngiti lang din naman ang tugon ko.
Pumasok ako sa office ng manager ko at nakasunod naman sa akin si DJ.
"Good Morning Riz" bati ko at humalik sa pisngi nito.
Naupo ako sa upuaan kaharap ng table nito at pinag-cross ang mga binti ko.
"Congratulations Honey!" masayang turan nito. Napakunot ang noo ko dahil nalilito ako sa kung bakit niya ako kino-congratulate, nang makita nitong confuse ako ay nakangiti nitong inilapag sa harap ko ang isang folder.
I directly open the folder. Ini-scan ko ang laman ng folder at napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.
It was a contract between my angecy and the multi-billion company of a famous skincare products, ang IM o InsideMe Corporation. Nakita kong kung gaano kalaking halaga ang naroon para sa advertisements.
Hindi pa rin ako nakakabawi sa gulat nang sinabi ni Riz na ako ang gagawa para sa project na ito.
"Really?! Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!" hindi na mawala ang malaki kong ngiti dahil sa project.
"Since you are the highest-paid model of our agency, we voted you for you during our meeting yesterday." nakangiti nitong sabi.
Hindi ko na napigilan ang tuwa ko at tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Riz para mayakap ito.
Binati din ako ni DJ, pero parang hindi naman siya masaya. Hinayaan ko lang dahil baka namali lang ako.
"Oh my God! I can't believe this" medyo napatili pa ako dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang kasiyahan.
"You're not only doing this project and promote their product you will be the new ambassador. We will have a meeting about this later. 1:00 PM" sabi ni Riz.
Tumango naman ako at lumabas na sa office niya kasama si DJ. Hindi na matangal ang ngiti ko dahil sa sobrang saya.
Alas-onse na pagtingin ko sa wristwatch ko kaya naman inaya ko na si DJ para maglunch. Dito na lang kami sa restaurant sa harap ng building kakain dahil may meeting nga mamaya.
Habang naghihintay ng order namin naisipan kong tawagan si Leo.
"Hey Hon! Busy?" tanong ko rito. Napansin kong napatuwid ng upo si DJ at tumingin sa mga mga tao sa kabilang table.
"Nope, breaktime. Im in a set" sabi nito. Naalala ko may bago din pala siyang movie na shino-shoot.
"I got a good news Hon" excited na sabi ko dito.
"Oh what is it?" tanong naman nito. Sasabihin ko na sana kaso pinigilang ko ang sarili ko dahil naisip kong maganda siguro kung mag celebrate kami.
"I won't tell you yet HAHA. Go to my place later. We'll celebrate"
"Okay, but I think I have shoot until midnight" sabi nito.
"That's okay. I'll wait. Love you" sabi ko at nagpaalam na, narinig ko kasing tinatawag na siya sa background eh.
"Love you too, see yah later bye" paalam nito at ibinaba na ang tawag.
Nagulat ako ng padabog na ibinaba ni DJ ang baso.
"You okay?" nag-aalalang tanong ko. Tumango lang naman ito kaya hinayaan ko na lang.
Napapansin kong masyadong tahimik ngayon si DJ, iniisip ko baka may dalaw lang ganyan naman ako kapag meron ako eh.
Nang dumating ang order namin, tahimik lang kaming kumain at bumalik sa building.
Nang pumasok ako sa conference room kasama si Riz at DJ ay napatingin sa amin ang mga naroon.
I heard them praise me kaya nahiya naman ako ng slight.
Oblong lang mesa at may kapalibot ng mga upuan. Umupo na kami ni Riz sa may left side habang si DJ naman ay sa may likod kong upuan na hindi kabilang sa mga nakapalibot sa mesa.
Binati ako ng mga naroon, some are investors daw at iyong iba ay mga head ng iba't-ibang department ng aming angency.
Hinihintay na lang namin ang mga tao galing sa kabilang company para para maumpisahan na ang meeting.
Nagsidatingan na sila at sa hindi malamang kadahilanan ay nanginig ako dahil sa takot at kaba ng ipakilala ang CEO ng IM Corp.
He is Bien Jace Davinson.
Hindi maitatangging may angking kagwapuhan ito, malinis ang mukha at clean cut din, pero ang ibinibigay nitong aura ay nakakatakot. Kulay brown ang mga mata nito at medyo may kakapalan ang kilay na lalong nagpatapang sa kanyang aura.
Ang katawan nito ay maganda, sigurado akong may matitigas na masel at tone abs yan sa loob ng kanyang suit. Matangkad ito at may kaputian na bumagay sa kanya.
Umiling ako ng napagtantong sobrang papuri naman na ang ibinibigay ko sa tao.
Hindi ako naka pag-concentate sa meeting dahil nararamdaman kong nakatingin ito sa akin at hindi sa nagsasalita.
Nanigas lang ako at parang nabalik sa reyalidad ng sabihing sa Pilipinas isho-shoot ang commercial ad.
Ang kabang nararamdaman ko ay mas lalaong lumala, sigurado akong namumutla na ako.
"Are you okay Ms. Leennie?" tanong ng isa sa mga kasama ni Sir Bien
Huminga ako ng malalim bago tipid na ngumiti at tumango.
"Any question or suggestions?" tanong ng Campaign manager. Agad naman akong nagtaas ng kamay dahil hindi ko gusto na sa Pinas isho-shoot. Ibig kasing sabihin kailangan kong umuwi kapag nagkataon. '
"Yes Ms. Leennie" sabi nito
"Ummm do we really need to shoot it in the Philippines? Why not here? There's a lot of good places here" malumanay kong sabi. Sana pumayag sila, dahil hindi ko alam ang gagawain ko kapag doon nga.
"Why? Is there a problem Ms. Leennie?" tanong ni Sir Bien.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. Bakit nga naman kasi hindi Leennie? Doon nila gusto, bakit hindi ka na lang sumunod.
"Ahh I-I'm just asking" sabi ko at tipid na lang na ngumiti.
"Actually, It's good for you, you can visit your family after 5 years Leennie" sabi ni Riz na tuwang-tuwa pa. Pwes ako hindi natutuwa, ayaw ko namang umuwi eh.
Nang matapos ang meeting at nagpirmahan na ng kontrata, nagkamayan na ang mgat tao sa loob at nagumpisang umalis.
So final na, uuwi talaga ako.
xoxo

BINABASA MO ANG
Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETE
RomanceWARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! R-18 | Matured Content | SPG | DATE STARTED: MAY 11, 2020 DATE FINISHED: SEPTEMBER 20, 2020