Secret 4

2.2K 33 3
                                    


(LEENNIE)

It's been two weeks nang huli kaming magkita ni Leo. I miss him. Kailangan lang magtiis dahil alam kong parehas kaming busy. 

Alas-sais na, pagod ako kaya mag-order na lang siguro ako ng food mamaya for dinner.

Nakasakay na kami sa kotse at pauwi na dahil katatapos lang din ng photo shoot ko for sa famous magazine. Nag s-scroll lang ako sa IG ko, reading my fans comments on my pictures. Nag re-reply din naman ako sa iba lalo na kapag kilalang tao.

Si DJ naman ay tahimik lang sa tabi ko. I don't know what's happening to her this past few weeks, naging tahimik siya at laging lukot ang mukha. Hindi ko na lang pinapansin dahil kapag nagtatanong naman ako, hindi naman niya ako sinasagot at iniiwas niyang pag-usapan. Iniintindi ko na lang dahil personal at hindi pa niya kaya magsabi, hindi lang naman ako sanay dahil nagsasabihan naman kami noon.

I stop scrolling ng makitang tumatawag si Leo via VC, agad ko naman itong sinagot at itinutok ang camera sa mukha ko.

"Hi Hon, how are you?" tanong nito. Nakahiga ito sa kama at topless. Hindi ko tuloy maiwasan titigan ang katawan nito. Medyo basa din ang buhok, katatapos lang siguro mag shower.

"Good, I just finished a photo shoot for a magazine" sabi ko at nilingon si DJ na madilim ang mukha. Badtrip na naman yata. Baka may problema ito sa boylet.

"When are you coming home? Miss you" tanong ko.

After kasi namin mag celebrate dahil sa big project ko, he got a call a kailangan na nilang umalis, biglaan iyon kasi daw kapag sa susunod daw na mga araw hindi na sila maka-alis sa parating na snowstorm.

"I don't know yet but I got a four-day rest, want to come here?" tanong nito at itinaas-taas pa ang kilay.

"I can't. I still have photo shoot to do and an upcoming fashion show" sabi ko na sumimangot.

"Owww, well I guess, we don't have a choice. I miss you so much Hon"

"I miss you too. Take a rest, I know you're tired. Love you" sabi ko at nag flying kiss pa.

"Love you too. Take care" nakangiting sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Nang makarating kami hinatid lang ako ni DJ sa apartment ko dala ang mga gamit ko.

"Salamat DJ"

Tango lang ang isinagot nito at akmang tatalikod na pero hinawakan ko ang braso nito. Hindi na ako makapagpigil kaya tinanong ko na siya.

"You know you can tell me anything, you're like a sister to me and you are my friend. I know something is bothering you, what is it?" masuyo kong tanong dahil ayaw ko naman siyang pilitin mag sabi kung ayaw niya talaga.

Tinitigan ako nito. She wanted to say something pero parang may pumipigil din sa kanya.

Bumuntong hininga na lang ito at tipid na ngumiti sa akin.

"I'm okay. I'm sorry" sabi nito at nag-iwas ng tingin sa akin.

Kinabig ko ito palapit sa akin at niyakap nang makita kong konti na lang babagsak na ang luha nito.

"I'm so sorry Leennie. I'm sorry" sabi nito habang umiiyak na sa bisig ko. I don't know kung bakit siya humihingi na sorry, pero baka dahil hindi niya lang masabi sa akin ang problema kaya siya nag so-sorry.

"It's okay, I understand if you don't want to tell me, just remember that I am here for you. Always"

I let her go para mapunasan ang luha niya.

Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon