**Continuation of Flashback**
(LEENNIE)
It's been three-months since we found out that I am pregnant. Naging mas sobrang alaga sa akin nila Mom. Lagi akong may bantay simula ng tangkain kong alisin ang bata sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ng gabing iyon, sobrang pagsisisi at galit para sa sarili ang naramdaman ko. Ang tangi ko na lang naisip ay ang ilaglag ang bata dahil baka pagwala na siya, babalik sa dati ang buhay ko.
Simula ng mabuntis ako hindi ako pinagalitan ng parents ko, noong sinubukan ko lang patayin ang bata. Sobra-sobra ang galit sa akin ni Mom. Binantaan niya pa akong itatakwil niya ako kapag sinubukan ko ulit saktan ang bata, kaya wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ito.
I know it's unfair to blame this fucking child pero wala akong paki-alam. Hindi ko siya gusto, wala akong maramdamang kasiyahan, puro pagsisisi lang.
Tinanong nila ako kung sinong ama, pero wala akong maisagot dahil hindi ko naman kilala. Sinubukan kong kontakin uli ang lalaki pero nag give-up na lang din ako dahil wala talaga akong narinig kahit ano mula sa kanya. I don't need him anyway. I saw it in my Dad's eyes, ang sobrang pagkadismaya. Sobrang pasasalamat ko na lang dahil sinusopartahan pa din nila ako, kahit isa akong failure.
Sobrang hirap, hindi ko matanggap na dahil sa katangahan ko nandito ako ngayon sa sitwasyong sumira ng future ko. Laging sinasabi nila Mom at Dad na hindi pa sira ang future ko, bata pa ako at mararating ko pa iyon, pero para sa akin wala na, sirang-sira na.
Kung sana nakinig na lang ako kay Dad na huwag nang pumunta sa party na iyon edi sana excited na akong naghahanda para sa pasukan. Sising-sisi ako ngayon dahil sa kapabayaan ko.
Kinakain din ako ng konsensya ko dahil nasira ang tiwala at nadismaya ko ang magulang ko. Kahit hindi nila sabihin, alam ko naman. Ang mas masakit, narinig ko silang sinisisi nila ang sarili nila dahil nagkulang daw sila, when in fact ako lang talaga ang may kasalanan.
Everytime na nagigising ako ng sobrang aga para magsuka, at kapag nagcra-crave ako ng kung anong pagkain, sobang galit ang nararamdaman ko. Ayoko sa batang ito dahil isa siyang pagkakamali. I don't like him. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Isa lang naman siyang pagkakamali. I will just ask my parents to give it up for adoption.
Dinala nila ako sa Nueva Ecija, ang province na kinalakihan ni Mom. May bahay siya dito na minana niya mula sa mga lolo at lola ko. Ako ang nagpumilit na dumito, siguradong paguusapan kami kapag nalaman ng mga tao na nabuntis ako tapos wala pang ama. Ayaw ko na mabahiran ng kahihiyan ang pangalan namin.
Mabilis lumipas ang mga buwan at kabuwanan ko na, next week pa ang due date ko pero kanina pa humihilab ang tiyan ko.
"Ready na ang lahat na kailangan niyo ni baby. Kamusta pakiramdam mo anak?" nag-aalalang tanong ni Mom.
I feel horrible, sobrang sakit na rin ng balakang ko. Kanina pa din nalulukot ang mukha ko dahil sa paminsang sipa ng bata. I feel like he's trying to go down. Ramdam ko ang pressure sa may puson ko.
Dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan ko nag decide na sila Mom na dalhin ako sa ospital at sakto namang dumating kami ay pumutok ang panubigan ko.
I can't remember kung gaano ako katagal sumisigaw sa loob ng delivery room. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko sa sakit. The epidural is useless. I feel helpless, alone in times like this. My body is giving up, hindi ko mailabas ang bata, they already cut me para mapadali ang paglabas ng bata pero wala pa ding nangyayari.
BINABASA MO ANG
Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETE
RomanceWARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! R-18 | Matured Content | SPG | DATE STARTED: MAY 11, 2020 DATE FINISHED: SEPTEMBER 20, 2020
![Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETE](https://img.wattpad.com/cover/218296126-64-k304533.jpg)