Secret 6

2.1K 29 5
                                    


(LEENNIE)

"CHEERS TO OUR FRIENDSHIP" sigaw ni Judy.

"Cheers" sabay-sabay naming sigaw at itinungga ang alak sa aming mga baso.

The upbeat sound is loud pero sakto lang para magkarinigan kaming magkakaibigan.

Nandito kami sa isang VIP room sa isang sikat na club. Lahat kami nag-agree na kumuha na lang ng isang private room kesa maki-salamuha sa mga tao sa labas. Mabuti na din ito, dahil gusto ko talaga silang makasama.

May karaoke kaya nag umpisa ng mag lagay ng mga kanta si Judy. Mag-iinuman at kantahan kami. 

Ngayon ko lang ulit narasan ang magsaya na walang inaalala dahil ang mga taong nasa paligid ko ay kilala ko. Nasisiguro kong hindi ako mai-issue kahit mag wala ako dito.

Palalim ng palalim ang gabi at medyo nakainom na din kami. Si Rhian at Judy mukha ng tangang sumasayaw habang si Abee ay kumakanta ng Moves like Jagger at nag he-head bang pa. Si Jonas nakangiti lang sa tabi at tumatagay. His eyes are settled on Abee.

Ayaw ko mang bigyan ng malisya pero hindi ko mapigilan. Kanina ko pa kasi napapansin ang tingin nito kay Abee. Baka nagkakamali lang din ako dahil nakainom na ako at baka natutuwa lang talaga siya kay Abee.

Hinila ako ni Judy kaya napatayo na din ako at nakisayaw sa kanila na parang mga baliw.

Lahat kami may hawak na bote at umiinom. Ang malikot na ibat-ibang ilaw ay nakikisama sa aming pagsasaya. 

"Tang'na! ang sakit na ng lalamunan ko mga damuho kayo, kayo naman ang kumanta!!" reklamo ni Abee at sinubukang maglakad paupo pero natumba at bumagsak sa kandungan ni Jonas.

"Ohhh My cheesecake, ang pogi mo talaga" sabi nito at hinaplos ang mukha ni Jonas.

"Abee, you're drunk. Sandali umayos ka muna!"

Pinilit ni Jonas na ialis si Abee sa kandungan nito pero ang gaga, umayos ng upo. Nakaharap na ito kay Jonas, ang mga binti ay nasa magkabila na nito. Ipinalibot nito ang mga braso sa leeg ng binata at bigla na lang ikiniskis ang sarili.

Sunod-sunod na mura ang lumabas na bibig ni Jonas. He looks like he's in pain.

"Poor Jonas, sigurado tinayuan na yan" sabi ni Judy nang dumaan sa harap ko. Sumunod ako rito na may nagtatanong na tingin.

"Oh hindi mo nga pala alam, fubu sila!" sigaw ni Judy na nag panga-nga sa akin.

Si Abee na hindi makabasag pinggan kapag nasa labas may ka fubu, at si Jonas pa talaga. Paano nanagyari iyon?

Tuloy-tuloy lang sa pang-aakit si Abee kay Jonas. Ito ang unang beses na nakita kong ganyan si Abee. So wild.

Lumapit si Rhian sa dalawa na mainit nang naghahalikan kanina at hinila si Abee paalis sa kandungan ni Jonas.

"Ang landi niyo!!, ayaw namin makanood ng live show!" sigaw nito sa dalawa at bago bumalik sa upuan at sinabunuton pa nito ng bahagaya si Abee na masama na ang tingin kay Rhian.

"Thanks!" sabi nii Jonas at inayos ang sarili dahil halos mahubaran na siya ni Abee.

Agad namang naglapit ulit at dalawa at nagyakapan na parang naka-glue.

Napapailing na lang ako na tumayo para tumawag at mag-order ng kape.

Ilang sandali pa ay may kumatok na dala ang 5 cups ng kape.


We sober up. Sa apartment ko sa sila matutulog. Tinawagan ni Judy ang Secretary niya na kasama pala niya para dalhin ang mga gamit nila sa apartment ko galing sa hotel. May tatlo naman akong room doon. Para iyon kila Mom at Dad kapag bumibisita sila sa akin at para na din sa mga bisita ko.

Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon