Secret 7

2.4K 34 3
                                        

**Continuation of flashback*


Naiilang ako sa mga tingin ng mga batchmates ko lalo na ng mga lalaki. Marami din ang lumapit at kumausap sa akin pero hindi ko alam kung paano ko sila patutunguhan. Dumikit na lang ako kay Rhian, dahil hndi ko alam ang mangyayari sa akin dito kapag napag-isa ako. Napansin ko ding masama na ang tingin ng ilang kaklase kong babae sa akin.

Maganda ang ayos ng hall at naka catering pa. Well, ano ba naman ang aasahan sa party na mayaman ang nag-organisa.

Sabay-sabay kaming kumain. We had a toast to celebrate our graduation. May pa-games pa nga at sayawan, pero hindi ako nakisali dahil nahihiya ako. Marami ding nag-ayang sumayaw pero tinanggihan ko lang naman.

Ang gusto kong kasayaw ay si Kiel. Matagal ko na siyang gusto pero dahil magkaibigan kami, ibinaling ko sa iba ang atensyon ko, doon pumasok si Homer. Crush ko siya pero mas matimbang pa rin ang pagkagusto ko kay Kiel.

Alam ng barkada namin that we had a mutual understanding. Ayaw ko lang ituloy dahil nga magkaibigan kami at parehas kaming nagdesisyon na mataling ganun na lang.

Mag aala-una na ng madaling araw pero ang mga batchmate ko ay super hyper pa din. Nagserve kanina ang mga waiter ng red wine. Nakiinom na din ako ng kaunti baka masabihan pa akong kill joy. Wine lang naman kaya pinayagan kaming uminom.

Jonas and Kiel were talking to some boys and Abee was dancing with some of our classmate. Si Rhian at ako ay nakaupo lang. She's still bother about Eris. Kahit naman may tampo iyan sa dalawa alam kong nag-aalala din naman siya. Kanina nga text ng text kay Judy eh.


Parang modelo kung maglakad si Gian papunta sa pwesto namin ni Rhian.

"Hi Lyn! Hi Rhian" bati nito at inabutan kaming dalawa ng wine. Binati rin namin siya pero si Rhian sa iba na nakatingin kaya ako ang kinausap ni Gian.

"Nag e-enjoy ka ba?" tanong nito sa akin then he encouraged me to drink the wine I am holding.

"Ummm Yeah!" tipid na sagot ko. Sa totoo lang kahit kaklase ko si Gian hindi naman kami ng uusap eh maliban na lang kung tungkol sa school works.

Puro tanong lang ito at para hind maging rude sinasagot ko naman. Nang matapos ang limang minuto, medyo nakaramdamn ako ng hilo, pagod lang siguro at inaantok na din ako kanina pa.

Para umiwas sa kanya ay nag paalam akong mag ba-banyo ang kaso nang lingunin ko ang banyao sa may dulo ng hall ay medyo maraming tao.

I don't like the way he looks at me, hindi naman sa judgmental ako, para lang kasing may kakaiba sa mga tingin niya.

"Doon ka na lang sa loob mag-banyo, halika sasamahan kita" sabi nito.

"Ahh huwag na, ako na lang. Saan ba banda?" mag ba-banyo nga ako para umiwas sayo sasamahan mo naman ako.

Itinuro nito kung nasaan ang banyo kaya naman tumayo na ako. Si Rhian ay lalabas lang para tumawag ata sa driver nila na mag susundo sa amin.

Iginala ko ang paningin ko sa loob. Sumisigaw ng karangyaan ang disenyo at mga muwebles. Nang makapasok ako banyo, lalo akong nahilo and I feel so fucking hot.

This is bad. Kailangan ko nang umuwi. Sobrang hilo na ako, hindi pa nakutong ang init na nararamdaman ko.

Sinikap kong maglakad palabas ng bahay, hindi na ako bumalik sa hall dahil maingay ang mga tao doon. Naglakad na lang ako patungo sa gate nila, dito ko na lang tatawagan si Rhian at sabihin na hihintayin ko sila dito. Fuck! Nanlalabo na ang mata ko, gusto na lang pumikit.

Secret Series 2 : WITLESS MISTAKE [R-18] COMPLETEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon