¦EX¦

208 69 2
                                        

EX

EX — Dalawang letra.
Ngunit puno ng mga salita.
Mga salitang minsan niyo ng pinagsamahan.
Ngunit nauwi sa hidwaan.

Dalawang letra.
Ngunit puno ng mga ala-ala.
Ala-alang ayaw mong kalimutan.
Ngunit dahilan din kung bakit puso mo'y naging sugatan.

-----

Kumusta ka na pala ngayon?
Katulad ka pa rin ba noon?
Na maraming pangako.
Ngunit lahat ay napako.

Sana'y hindi ka na katulad dati.
Na bigla bigla nalang napapangiti.
Dahil may ka-chat na palang iba.
At hindi man lang nakakaramdam ng kaba.

Pag uusap natin noon ay nanlumbay.
At tuluyang nawalan ng saysay.
Pagmamahal mo sa'kin ay naging kapos.
Dahil mas pinili mo itong matapos.

-----

EX — Dalawang letra.
Na noo'y minahal mo ng sobra.
Ngunit biglang nawalan ng gana.
Kaya ngayon ito'y tawagan niyo na.

Ctto.

Oceans Of Emptiness Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon