¦PAG IWAN¦

122 58 2
                                    

Pag iwan

Kung ako'y iyong iiwan
Kalimutan mo na ang ating nakaraan
At huwag ng lingunin ang ating dating tagpuan

Masyado akong nasanay
Sa mga walang kwenta mong salaysay
At sa presinsiya mong inaanay

Masyado akong naging masaya
Sa mga ginawa nating mga alaala
Ngunit na uwi sa laro ng pag ibig na ako lang ang taya

Dahil ako ang taya ako ang kawawa
Na sa aking mga alaala na lang sinasariwa
Ang mga alaalang nauwi sa sawa

Kaya kung ako'y iyong iiwan
Gawin mo na ngayon at ako'y iwasan
Hangga't kaya ko ako'y lalaban para sa aking kinabukasan

Oceans Of Emptiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon